Simula
Putangina niya! Putangina mo, Lauren! 'Wag na 'wag mo ipapakita saakin ang muka mong putangina ka!
Ito ang kauna unahang nakita nila Mama at Papa ang mga barkada ko at sa hindi pa tamang panahon! Putanginang Lauren na 'yon! Putangina niya sagad! Kung alam ko lang na do-drogahin n'ya ako at hahalayin!
"See, Aidan? Sa kaka-sunod mo sa layaw ng anak mo muntik na magahasa! Siguraduhin mo na mabubulok sa kulungan ang putanginang Bruce na iyon! Ang putangina na iyon!"puro mura lamang ang nasasabi ni Mama habang nananatili akong tahimik kahit nag ngangalit na ako sa galit.
"Kapag nanlaban ang pamilya, idamay mo!"galit na dagdag nito.
Kung hindi lang naman kayo dumating nabugbog ko sana ang putanginang Laurence na iyon! Kahit na may tama ako noon ay kaya kong protektahan ang aking sarili!
Tumingin ako kay Papa na naka upo sa swivel chair n'ya at minamasahe ang sentido na tila ba masakit na ang ulo sa kung ano-ano na ginagawa ko.
"Aalis ka ngayong gabi, uuwi ka sa San Rafael sa Abuelita mo."biglang tumingin saakin si Papa.
Kumunot noo ko pero hindi ako kumibo at tumango na lang. Mukang nasagad ko na ang pasensya ni Papa na ayon sakanila ay pwedeng pwedeng makasira sa pangalan ko na wala naman akong pake.
"Ayan! Ayan ang napaka ganda mong naisip, Aidan! Baka sakali na mag bago ang anak mo sa probinsya! Hindi iyong araw-araw kung ano-ano ang nangyayari sa anak mo!"galit na galit na sabi ni Mama pero hindi ito naka tingin kay Papa, kung hindi ay saakin.
Umangat ang pang-ibaba kong labi ngunit nananatili akong tahimik para hindi na lalo pa magalit si Mama.
Puro pag sang-ayon ang sagot ko sakanila hanggang sa umalis na ako. Sakay ng SUV ni Papa ay umalis na kami kasama ko si Kuya Aiden, mag uumaga na noong naka dating kami sa San Rafael.
"Mija! Mio dio! I missed you so much!"salubong saakin ni Abuela na mukang alas tres palang ay gising na.
Hindi naman na pinahaba pa ni Abuela ang usapan at si Kuya Aiden nalang ang kinausap ng kinausap dahil mag papahinga pa daw ako na kina-angal ni Kuya Aiden dahil siya din naman daw pagod, ang unfair daw.
Pag gising ko tirik na tirik na ang araw at mukang paos na ang manok dahil pag tingin ko sa orasan ay ala una na.
Tumayo na ako at inayos ang higaan bago dumeretso sa cr. Matapos akong maligo ay nag bihis na ako ng tingin ko ay hindi mainit sa katawan na tama lang sa mainit na klima.
Bumaba ako para naman hindi na mag alala pa sila Lola saakin. Pero tingin ko mali lang din ang pag baba ko.
"Ailla Montereal! Welcoming you with my wide opened arms earlier doesn't mean that I am fine about what happened in Manila! Look what just happened! This is why I left Manila! Those nasty peoples!"napa irap ako ng bahagya sa panlalait nito.
"Lola, hindi naman lahat ay masasama."umiling ako dito.
"Oh bueno, paano mo ma-i-papaliwanag saakin ang mga nakakarating saakin na ginagawa mo sa manila?"tumaas ang kilay nito saakin.
Oh no....
"Oh, those...ahm...we...we are just having fu—"