(UNEDITED) (06/12/2018)
Sigurado ako na paunang kabanata palang magulo at bulalo na haha, nalilito din ako sa pag gamit ng 'ng' at 'nang' patawad haha.
Paunang Kabanata
Tinitigan ko ang tattoo ko sa balikat na umabot sa itaas ng aking dibdib. Hindi naman ito maduming tignan pero eka nga nila ay bumagay saakin ito. Tinitigan ko ang mahaba kong buhok at agad itong pinusod.
I'm wearing a sports bra pero pinatungan ko iyon ng isang white tshirt and a short tight. Patakbo akong bumaba sa hagdanan at agad na sumalubong ang isa sa kawaski ni Abuelita.
"Good morning, Ma'am! Hindi na po kayo nahintay ni Sir Aizen na magising kaya pinapasabi nalang po niya saakin! Pumanila po si Sir Aizen kasama ang Senyora."masiglang paliwanag nito pero hindi ako nadamay sa kasiglahan nito dahil biglang nag alala ako.
Hindi kaya'y lumala ang kaso?
Agad kong dinukot ang aking cellphone, sakto ang dumating na mesahe mula naman kay Kuya Aiden.
Don't go anywhere without Theron, 'kay?
-Kuya Aiden
I replied,
Yes, sir.
Sent!
But, wait, who's Theron?
Patipa na ako ng mensahe ng biglang natalisod ako, buti nalang at mabilis akong napahawak sa hawakan at naitukod ang paa sa susunod na baitang. Na-i-balanse ko na ng tama ang aking katawan ay napansin ko ang lalakeng ilang baitang nalang ang layo saakin.
Halata sa posisyon nito na sasaluhin ako pero dahil alerto ako, hangin nasalo niya. Kunot noo kong tinitigan ang lalake, ito siguro iyong Theron? But, ano naman meron kay Theron? Body guard? Pogi namang bodyguard nito!
"Hi, ikaw siguro si Theron?"tanong ko sabay lapit dito.
Bumaba ako ng ilang baitang at napansin kong matangkad ito dahil hindi parin kami nag pantay kahit na mas mataas parin ako ng isang baitang sakaniya! Aba!
Pumaling ang aking ulo at muling tumingin sa body guard ko daw na mukang mayaman. Magkano kaya ang sweldo nito at puro branded ang gamit? Mula sa rolex nitong suot alam ko na hindi normal na body guard ito lalo na sa tindigan at aura nitong nag susumigaw ng karangyaan at awtoridad.
Nag iwas ito ng tingin at hindi naman nag salita kaya naman nag kibit balikat ako't bumaba na nang tuluyan. Agad akong dumeretso sa kusina at naabutan ang mga kawaski na abala sa pag aayos ng aking umagahan.
"Magandang umaga, Miss Ailla!"bati nuong pinaka bata na nginitian ko lamang at binati pabalik.
Umupo na ako at napansin si Theron sa likuran ko na tila ba isang loyal na asong binabantayan ang amo. Pasubo na ako pero agad kong naisip na baka hindi pa ito nag uumagahan si Theron dahil sobrang aga pa.
"Psst, kain ka."alok ko dito na sinulyapan lang ako at muli ay hindi sumagot.
Napangiwi ako sa iritasyon pero napaisip na siguro ganon talaga sa trabaho nila, work lang at no interaction? Hmm, boring naman noon kung ganon.