~Part 4
Thea Kim Pov.
-week past
Ngayun na yung huling araw namin dito sa may Jeju Island. Bukas uuwi na kami.
Hayst. Ang bilis naman. Bukas pag uwi namin balik trabaho nanaman.
Pero okay lang. Naging masaya naman kami e. Yung mga couple stay strong parin. Tapos si D.O nanliligaw na kay Anika. Ganun din si Suho para kay Sabrina.
Buti pa sila okay na mga lovelife. Hayst! Bitter mode nanaman.
_Andito lang ako mag isa sa may gilid ng dagat. Sinusulit ko lang yung ganda at linis nitong dagat. Kailan kaya kami babalik dito?
Wala manlang magawa. Busy kasi silang lahat e. Busy sa mga lovelife. Ang lonely ko tuloy.
Tumayo ako sa pagkakaupo dito sa may sea side. At naglalakad lakad nalang baka sakaling malibang ako.
Nililibot ko lang tong resort ng mapadaan ako sa isang Cafe.
Naisipan kong pumasok para makabili sana ng bubble tea. Pero may nakita ko. Isang pamilyar na mukha. Isang mukhang sobrang saya habang nakikipagtawanan sa isang babae.
Anong ginagawa niya rito?
DENRICK FERRER?
Parang gusto kong umiyak. Bat siya nandito?
Hindi ko alam. Pero diretso lang akong nakatingin sa kanya. Namiss ko siya. Pero ako ba namiss niya? Diba hindi.
Seryoso lang akong nakatingin sa kanilang dalawa habang tumatawa..... ng bigla siyang lumingon sa direksiyon ko. Gusto ko mang umalis na pero huli na. Nakita niya ko!
Agad akong tumalikod at lumabas na ng Cafe.
Hindi pwede to. Hindi niya ko nakita. Hindi!
Aalis na sana ko ng may tumawag ng pangalan ko.
"Thea!?"
Hindi. Hindi ako peding lumingon. Nagdirediretso lang ako ng lakad... pero biglang may humablot ng braso ko at hinarap ako sa kanya.
Nandito nga siya. At sa mismong harapan ko pa. Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Denrick
"W-wa----"
"Sinusundan mo ba ko?" Denrick
"H-hi-----"
"Pedi ba tigilan mo na ko. Okay na ko masaya nako. May iba na kong mahal. Matagal ko ng tinapos ang lahat satin." Denrick
"P-pe----"
"No buts. Hindi na kita MAHAL!" Denrick
Para kong sumabog dahil sa sinabi niyang yun. Ang sakit! Sobrang sakit. Akala ko naka move on na ko. Akala ko hindi na ko masasaktan pag nakita ko pa siya uli pero nagkamali ako. Ang SAKIT! Hindi niya manlang ako pinapakinggan. Yun agad ang sinabi niya. Ang hindi na niya ko mahal. Pero may magagawa pa ba ko? Diba WALA? WALA NA!
Sobra sobra na kong nasasaktan. Ayoko na. Sana mamatay nalang ako.
Ang sakit na talaga!
"Hey Denrick? Bat ka lumaba---- wait sino siya?"
"Wala. Tara na!" Denrick
"Teka lang. Miss okay ka lang?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. At don sumabog na ko. Lahat ng luha ko lumabas na. Napahagulgul na ko. Sobrang sakit. Ngayun nasa harapan ko yung babaeng pinalit niya sakin. Ang sakit lang dahil wala na siyang care para sakin.
YOU ARE READING
Sincerely Yours
FanfictionAnnyeong Chingus!! Hope you'll enjoy my First Story that publish in Wattpad. Sorry for my wrong spelling and some gramatical errors... Hope you'll kindly vote for it and comment Thanks. Saranghaeyo!