PROLOGUE:
Naranasan mo na bang magkaroon ng puppy love?- na naging totoong love na??.. yung hindi puro gusto ko siya dapat akin lang siya, yung may pag-intindi??-yung kahit ramdam mo na wala siyang gusto sa'yo pero sige ka padin??-yung matagal ka na talaga nag-antay sa kanya pero hindi ka padin sumusuko??..
Ang buhay nga naman.. masyadong mapaglaro.. lagi ka nalang nagkakagusto dun sa taong ramdam mong wala o kahit kailan hinding-hindi magkakagusto sa'yo.. PERO...
pano kung dumating ang araw na worth-it pala yung pag-aantay mo??.. na nagawa mo pala siyang mahulog sa'yo??.. anong gagawin mo??.. mamahalin mo pa ba siya kung may malaman kang hindi maganda sakanya??.. tunghayan po natin ang buhay ni Yona sa pag-uumpisa ng kanyang Operation: Make Him Fall For Me..