“Teka lang nagbibihis pa ako. Hahanapin ko lang maya-maya” sagot ko.
Ganito kaming dalawa parang nasa isang bahay lang kami nakatira. Sa bahay niya kasi sa Manila may mga damit din ako dun. Doon kasi ako nagbabakasyon kung minsan. Nakakahiya na palagi nalang si Xavier ang pumupunta sa akin dito.
Pumunta na sila Xavier at Lacey sa simbahan. Nagmamaneho si Xavier habang si Lacey naman ay natutulog. Pilit na binabalikan ni Lacey ang kanyang napanaginipan gusto niya itong patapusin para malaman niya kung ano ang talagang nangyari. Kung bakit may tumutol sa kasal.
Sino kaya yun? Ilan lang yan sa mga tanong na gumagambala sa isip ni Lacey. Napuna ni Xav na mukhang problemado si Lacey pero hindi niya muna ito tinanong dahil badmood pa talaga ito. Pagdating sa simbahan pinark muna ni Xavier ang kanyang sasakyan at l hindi niya na matiis na hindi magtanong kay Lacey.
“Hon! Bakit parang malalim ang iniisip mo kanina?” tanong ni Xavier
“Wala yun Hon, mga proyecto at mga aralin ko lang sa skwelahan” sagot ko.
Pumasok na kami sa simbahan at nakinig ng misa. Medyo mahaba ang homily ni father kaya natagalan. Pagkatapos ng misa dumiretcho na agad kami sa kotse. Napakatahimik naming sa loob ng sasakyan ng biglang nagreklamo ang tyan ko.
“Gutom na yata ako” sabi ko
“Yata? Gutom kana talaga” pangiinis ni Xavier
“Sige! Inisin mo lang ako bababa talaga ako dito” sagot ko
“Pasensya na po, sa Max’s na lang kaya tayo kumain” pagaanyaya ni Xavier
Nagdrive si Xavier papuntang Max’s habang si Lacey naman ay abalang-abala sa paglalaro ng Plants vs. Zombies 2 . Nagpatutog nalang si Xavier para hindi mainip.
Hindi pwedeng maistorbo si Lacey sa paglalaro dahil alam niya na magagalit ito sa kanya lalo na at gutom na si Lacey. Pagkatapos talaga ng musika na pinatugtog ni Xavier ay nakarating na sila sa patutunguhan nila. Pinauna na ni Xavier si Lacey sa loob ng Max’s pra makapag order na ito at makahanap ng habang siya ng kanilang uupuan habang sya namn ay ipapark pa ang kotse.
Pagpasok ni Xavier sa Max’s lahat ng empleyado ay ngumiti at nagsabi ng “ Magandang araw Mr. Chua”. Ngumiti lang si Xavier sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad papunta kay Lacey. Tinanong niya agad si Lacey kung naka order naba siya.
Sumagot si Lacey ng OO at naglaro ulit ng Plants vs. Zombies 2. Tinitingnan lang ni Xavier si Lacey habang naglalaro . Nang biglang kinausap siya bigla ni Lacey.
“Bakit ka ganyan kung makatingin? Hindi ako makapaglaro ng maayos ng dahil sa tingin mo na yan” sabi ko/
“Kanina ka pa kasi naglalaro parang wala ka lang kasamang boyfriend mo” sagot ni Xavier
“Nagtatampo si Angelo! Sige na nga papatayin ko na po ang Ipad. Pasensya nap o” sabi ko.
Ayaw na ayaw ni Lacey na nagtatampo si Xavier sa kanya. Dalawang Linggo lang kasi si Xavier sa Baguio at babalik na siya kaagad sa Manila. Nasa ikalawang taon na din sya sa kolehiyo pero B.S Bio ang kanyang kurso.
Palaging umaakyat si Xavier sa Baguio tuwing Biyernes ng gabi at makakarating ng Sabado ng umaga o madaling araw. Mahilig siyang sorpresahin si Lacey dahil gusting-gusto ni Lacey ng sorpresa. Pagkatapos nilang dalawang kumain umakyat na sila sa balkonahe at nag-usap.
Okay lang nman para sa kanila na maging tambayan namin ang Max’s dahil pamilya ni Xavier ang may ari ng Max’s Baguio.
Wala silang ginawa kundi magkwentuhan hanggang napunta ang usapan sa iniisip ni Lacey kanina sa sasakyan. Tinanong ng mahinahon ni Xavier si Lacey.
“Hon, Ano ba talaga yung iniisip mo kanina? Tanong ni Xavier
“Wala yun hon” sagot ko.
“Yung totoo, please?”
“Yung mga leksyon kasi naming medyo humihirap na” sagot ko
“Nahihirap ka na ba talaga” tanong ni Xavier
“Medyo lang naman pero kakayanin” sagot ko.