“Lacey, kahit anong mangyari hinding-hindi kita iiwan. Kahit anong bagyo man ang dumating, kahit anong sakuna man ang ating dadanasin. Hinding-hindi talaga kita iiwan. Pangako ko yan sayo! Hindi ka mag-iisa sa mga problema mo. Nandito lang ako ! Alam mo ba Lacey, noong una kitang makita at makilala, alam ko sa sarili ko na ikaw na ang babaeng papakasalan ko at makakasama ko habang buhay.” Sabi ni Xavier
“Xavier, Kay bilis ng panahon. Hindi ako makapaniwala na nandito na tayo ngayon. Hindi ko akalain na makakarating tayo ditto. Alam mo Xav, mahal na mahal kita1 Sobrang mahal na mahal kita! Hindi ko kakayanin na mawala ka pa ulit sa akin. Wag mo na akong iiwan ha! Wag mo na ulit gagawin yun ha! Nandito lang ako palagi sa tabi mo Xav! Mahal na mahal kita! Maliban kay mama at papa, ikaw lang ang talagang nakakakilala sa akin. Salamat sa lahat ng pag-unawa sa akin HON! Wala na talaga tong iwanan ha” Sabi ni Lacey
ITIGIL ANG KASAL!
*BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP*
Ano ba yan! Ang aga-aga may naiingay na. Hindi ba nila alam na may natutulog na tao dito. Isa pang busina ng sasakyan nay an. Lalabasan ko na talaga yan.
*RING RING RING RING * Bunuksan ni Lacey ang kanyang teepono 30 missed calls at 10 mensahe na hindi nababasa.
“Hon! Nandito ako sa baba! Kanina pa kaya ako dito. Ang lamig-lamig na ditto. Gising naman dyan” mensahe ni Xavier para kay Lacey.
“ Ay! Sorry Hon! Heto na bababa na ako. Sandali lang” sagot ni Lacey sa mensahe ni Xavier
Akala ko kung sino ang walang hiyang busina ng busina kanina. Si Xavier lang pala. Ako nga pala si Lacey Parfan. Nasa ikalawang taon sa kolehiyo at kumukuha ng E.C.E (Electronics Computer Engineering) sa St. Louis University- Baguio. At yun? Yung lalaking gumising sa akin sa maganda kong panaginip. Siya si Xavier Angelo Chua, boyfriend ko. Tatlong taon na kaming magkasintahan.
Pagbukas ko ng pintuan ay bigla akong niyakap ni Xavier. Hindi ko alam kung bakit dahil nabigla ako.
“Hon! Ang tagal mo naman. Ang lamig-lamig na talaga dito sa Baguio” sabi ni Xavier.
“Alangan, Disyembre na kaya.” sabi ko .
“Nakakain kana?” sabi ni Xavier
“Hindi pa eh. Hindi pa nga ako nakakaligo. Ang aga mo kaya. Hindi mo lang man ako sinabihan na dadating ka ngayon” sabi ko.
“Pasensya po, Cge. Maligo kana dun at magsisimba pa tayo Linggo kasi ngayon diba” sabi ni Xavier
Linggo na pala ngayon. Ang bilis ng panahon parang kahapon lang ay kakagraduate ko palang ng high school. Pagtapak ko ng tiles sa banyo biglang napa atras ako , ang lamig-lamig ng tiles sa banyo
Pagbukas ko ng pintuan ay bigla akong niyakap ni Xavier. Hindi ko alam kung bakit dahil nabigla ako.
“Hon! Ang tagal mo naman. Ang lamig-lamig na talaga dito sa Baguio” sabi ni Xavier.
“Alangan, Disyembre na kaya.” sabi ko .
“Nakakain kana?” sabi ni Xavier
“Hindi pa eh. Hindi pa nga ako nakakaligo. Ang aga mo kaya. Hindi mo lang man ako sinabihan na dadating ka ngayon” sabi ko.
“Pasensya po, Cge. Maligo kana dun at magsisimba pa tayo Linggo kasi ngayon diba” sabi ni Xavier
Linggo na pala ngayon. Ang bilis ng panahon parang kahapon lang ay kakagraduate ko palang ng high school. Pagtapak ko ng tiles sa banyo biglang napa atras ako , ang lamig-lamig ng tiles sa banyo parang mga yelo. Dito sa Baguio hindi ko kakayanin na maligo na walang heater.
“Hon! Paabot naman ng jacket ko nandyan siguro sa cabinet mo na kulay asul” pakiusap ni Xavier
