CHapter 3

12 0 0
                                    

Sa pag-uusap nila hindi na nila namalayan na gabi nap ala. Niyaya ni Xavier si Lacey na umuwi na pero ayaw pa ni Lacey dahil gusto niya pang makasama si Xavier.

Binuhat na lang ni Xavier hanggang sa sasakyan. Nagpupumiliglas pa si Lacey pero wala siya nagawa dahil mas malakas talaga si Xavier. Nagmaneho na agad si Xavier para makauwi na sya sa Manila.

Nang makarating na sila sa bahay ni Lacey, hindi muna pinaalis ni Lacey si Xavier dahil may kukunin pa daw siya. Laking gulat ni Xavier na pagbalik ni Lacey sa kanya ay may dala na itong maleta.

          “Diba bababa ka ngayon papuntang Manila? Sama nalang ako. Uuwi ako bukas ng hapon sa Bacolod. Nakapa book na ako ng ticket nung nakaraang buwan pa. Pasensya na at hindi ko nasabi sayo. Daan muna tayo ng 7/11 para makabili tayo ng makakain habang nasa byahe.” Sabi ni Lacey kay Xavier

        “Pe..pe..pe…pero” anggal ni Xavier.

        “Wala ng pero-pero halika na” pagaanyaya ko.

        Wala ng nagawa si Xavier kundi magmaneho. Nagpagasolina muna si Xavier habang si Lacey ay namimili ng mga pagkain sa 7/11. Bumyahe na silang dalawa pababa ng Baguio. Nang makaramdam si Xavier ng antok , kinausap niya si Lacey kung pwede siya naman ang magmaneho.

Syempre naawa si Lacey sa kanyang kasintahan kaya pumayag nalang ito. Nasa Tarlac na sila ng biglang tinabi ni Lacey ang sasakyan sa kalsada. Tinignan niya si Xavier ng ilang minuto, isang matagal na tingin. Minasdan ni Lacey si Xavier habang natutulog at hinalikan sa noo. Nagmaneho na ulit si Lacey hanggang sa nakarating na sila ng Maynila.

10 pm sila umalis ng Baguio kaya 6am na sila nakarating ng Maynila. Hinatid ni Laccey si Xavier sa condominium nito habang siya ay nag check in nalang sa hotel. Pagod na din si Lacey kaya nakatulog na siya kaagad.

*RING RING RING* 12 noon alarm

6 messages unread, 4 missed calls

        “HON” text ni Xavier

        “HON” text ni Xavier

        “HON” text ni Xavier

        “Hon, nasaan ka??” text ni Xavier

       “Nandito ako sa Makati ShangriLa” sagot ko.

                Naligo na agad si Lacey dahil 6 pm ang flight niya at ayaw na ayaw niya na nahuhuli siya sa flight niya. Sinabihan niya na lang si Xavier na maghintay nalang sa lobby.

Nag-aayos na ng gamit si Lacey at bumaba na sa reception para mag check out nang may biglang tumawag sa kanyang pansin. Isang lalaking sumisigaw.

          “Lace Anne” sigaw nung lalaki

        “Teka lang, isang tao lang naman ang tumatawag sa       akin ng ganun, si Matt lang naman ang tumatawag sa        akin ng ganun. Pero napaka imposible nasa Amerika   yung mokong na yun” sabi ko sa sarili ko

        “LACE!!!” sigaw ng lalaki

        “Sigurado ako kay Matt na talagang boses yun” sabi        ko sa sarili ko

        “MATT! Akala ko nasa Amerika ka!?”  tanong ko        kay   Matt

        “Kakadating ko lang kagabi dito, ikaw akala ko         nasa         Baguio ka ?” tanong ni Matt

        “Kagabi lang din ako nakabalik dito sa Maynila         pero         aalis ako mamayang 6pm uuwi na ako   ng” sagot ko

        “Bacolod?” tanong ni Matt

        “Oo, kilala mo talaga ako!” sagot ko

        “Syempre ! high skul memories”  sagot ni Matt

        “Sige , magkita nalang tayo mamaya sa Silay   Airport”    dugtong pa ni Matt

        “O_O , nandun ka din” sagot ko

        “Oo, bibisitahin ko si tita. Sama ka? Sagot ni    Matt

        “Sige!” sagot ko

        “Penge nga ng cellphone number mo” sabi ni Matt

        “ Oh eto” bigay ko

        “ Sigurado akong wala ka pang boyfriend” sabi        ni     Matt.

        Hindi na pinasagot ni Matt si Lacey. Niyakap niya agad ito at hinalikan sa noo. Walang nagawa si Lacey dahil nabigla din siya sa mga pangyayari. Hindi nila alam na nakatingin na pala sa kanila si Xavier. Hindi na napigilan ni Xavier ang kanyang sarili kaya tinawag na niya ang pansin ni Lacey.

          “HON!”  sigaw ni Xavier

        “Oh! Hon!” sabi ko

        “Sino to Hon?”  tanong ni Xavier

        “Ah! Si Matt, kaklase ko nga pala nung high     skul.”        Sagot ko

        “Pare, Matt pala” sabi ni Matt

        “Xavier, boyfriend nga pala ni Lacey”  sagot     naman ni Xavier

            Alam na ni Lacey na umiinit na ang ulo ni Xavier sa mga oras nay un. Hindi malaman ni Lacey kung kalian pa si Xavier doon sa kinatatayuan niya. Kung nakita pa ni Xavier ang lahat ng nangyari.

Hinawakan nalang ni Xavier ang kamay ni Lacey. Nagpaalam na si Lasey kay Matt at pumasok na agad sa sasakyan. Alam na ni Lacey nag alit nag alit na si Xavier dahil medyo bumibilis ang pagpapatakbo nito.

          “Si Matt, kaibigan ko lang yun. Wag mo naming       bigyan ng malisya ang lahat Xavier.” Sabi ko kay Xavier.

        “Kaibigan?! KAIBIGAN? Diba EX mo yun. Wag mong       sasabihin na kaibigan mo dahil may     nakaraan kayo!” sabi ni Xavier,

        “Hon! Wala naming ginagawa si Matt” sabi ko

        “Wala!? Ano yung halik sa noo mo at yung yakap    niya! Paki explain Lacey!”  Sigaw ni Xavier

        “Ihatid mo na lang ako sa airport! Ayokong malakihin      pa ito.” Sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangatlong PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon