Calling Card

2.3K 53 43
                                    

GERALD'S POV.

"Miss, o I.D. mo pwede mo na tong makuha basta ibibigay mo yung I.D. ko."

"Hi? Anong I.D. mo?"

Hindi na niya siguro ako nakikilala...

Antagal na din naman ng lumipas eh...

3rd year highschool siya noong umalis ako...

At ngayon bumabalik ako 4th coll. na siya.

Hindi ko nga alam kung may dapat akong balikan...

Unang una, hindi naman niya ako kilala at hindi naman ako sigurado kung naniniwala siya sa sulat...

Bakit ganoon? Kahit na pinilit kong kalimutan tong babaeng 'to, hindi pa rin. 

Kaya eto, nandito ako nagbabakasyon pero isang linggo lang... At kararating ko lang kahapon..

Bakit? Para makita siya... Dahil kung hindi, mamamatay ako sa kabaliwan.

Kaya ako naniniwala sa "Love at First sight" eh.

"Hello sir? Kuya? Sino po ba kayo? Pwede bang pakibigay nalang itong I.D. ko?"

Wala na kong magagawa.

"Eto o, sorry nga pala."

Paalis na siya, pero may dapat akong gawin.

"Ani-Miss! Teka."

Muntik na, muntik ko ng masabi ang pangalan niya...

Sana di siya makahalata...

"O? Thank you nga pala!"

Bago pa siya makalakad papaalis.

Binigay ko yung "calling card" ko...

Sana, sana maalala pa niya ako.

"Oh miss, eto yung calling card ko... Kung pwede lang sana kitang mainvite magdinner bukas ng gabi?"

Sana pumunta siya, please sana? 

"Ahm, kasi nagaayos pa ako para sa grad. ko kaya siguro uhm, diba monday ngayon? Sa Linggo nalang siguro, Grad ko kasi sa Sat... Tapos siyempre busy,  kung Ok lang? 6pm. Magkita nalang tayo sa Starbucks sa SM Pampanga."

"Aaah, ganon ba... Ok, sige hintayin kita."

9pm ang flight ko...

Kailangan 7pm nasa airport na ako para makapagcheck in...

Wala na akong magagawa kundi umo-o, kesa naman hindi...

Ayoko naman siyang pilitin dahil baka isipin niya may balak akong masama sa kanya...

Mas ok na siguro yan...

Annika's POV

Haays, ano ba yan... Ang weirdo naman nun porket hinabol ako nung aso nila tapos ite-treat na ako? Tapos tinatanong pa niya I.D. niya saken tssh...

Di ko nga siya kilala...

Tsaka ano, san kaya yon nakatira? Infairness gwapo...

Sayang, di ko nadaanan bahay nila Gerard kanina dahil dun sa aso -____-

Saan ba kasi galing yun!

Naglalakad ako, malapit na ako sa bahay namin...

Kasi nga diba 1 street nalang bahay namin...

Yung calling card niya, nilagay ko na sa bulsa ng palda ko...

Hays bahala na nga...

----

I.D. - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon