Gift Card

1.7K 45 17
                                    

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung si Gerard nga ba yon, kasi pagkabili nila umalis na sila agad… Wala man lang akong pagkakataon para matanong kung siya nga ba si Gerard Rubrica, hindi naman na ako naghahabol pero kasi isang bagay pa iyon na gumugulo sa isipan ko… Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, para akong mababaliw dahil sa kakaisip doon.

Nandito ako ngayon sa trabaho ko, lunes na ngayon… Ang bilis nga ng oras eh, parang kalian lang nawawala yung I.D. ko at may isang pagkagwapo gwapong lalake na magpapahiram sa akin ng I.D. niya, ngayon naman hinahanap ko na yung taong yun.

“Hoy Nika na estatwa ka nanama diyan, ano bang nangyayari sa iyo?”

“Ha?”

“Tingnan mo na, ano ba naman tong babaeng to, simula noong iwan kita sa mall mas lumala ka promise.”

Kasama ko nga pala si Lea ngayon, naka duty kami…

“Hoy babae, malapit ka ng masesante pramis.”

“Lea naman, kung ano anong pinagsasabi mo gusto mo pa ata akong masesante?”

“Ma’am para sa inyo po.” May lalakeng dumating, may dalang bouquet ng bulaklak… Parang lalo akong maeestatwa dito.

“Kanino galing?” Pakikiosyoso ni Lea, parang mas excited pa makita kung kanino galing kaysa sakin…

“Teka nga Lea, mas excited ka pa ata sakin?”

“Hoy baliw ka ba Anikka? Siyempre curious, eto naman tingnan mo na kasi.”

At tiningnan na naming ni Lea kung kanino galing…

“Ano ba yan wala naming pangalan… “ Naiiritang sabi ni ko

“Siyempre naman Anikka, may pa mysterious effect… Per o tingnan mo may nakasulat.”

Oo may nakasulat nga sa Gift Card, ewan ko kung anong tawag dito, basta ang nakalagay G.M.

“Pati ba naman sa sulat may ilalagay na Group Message? Ano yan, baliw ata nagpadala nito Lea”

“Oo nga no, babalik na nga ako sa trabaho ko Anikka, mababaliw lang tayo kakaisip niyan eh.”

“Oo bumalik ka na nga, at wag mo kong istorbohin, mamaya masesante na talaga tayo.”

Bumalik na nga si Lea sa trabaho niya… Habang ako nanaman, lalong nacu-curious kung ganino galing itong sulat… Una yung Gerard sa starbucks, pangalawa naman itong bulaklak na galing sa G.M. G as in Gerard ba to? Sana Oo…

Lumipas ang mga araw, at araw araw din akong nakakatanggap ng bulaklak, siguro mga isang Linggo na…

Friday ngayon hapon..

“Lea, samahan mo naman ako o, punta tayong SM bili tayong starbucks.”

“Anikka, mayaman ganon? Porket may manliligaw araw araw starbucks?”

“Hoy Lea, ngayon lang naman makabintang ng mayaman eh mas mayaman ka diyan! Tsaka isa pa, hindi ko manliligaw yun no.”

“Oo na tara na, baka mamaya abutin pa tayo ng dilim.”

Papunta na kaming mall ngayon, sana nandun siya, at sana wala yung girlfriend niya, kung girlfriend niya man yun…

Nakapasok na kami ng mall, at shoot. Andun siya, sa labas ng starbucks pero sa loob ng mall..

Bumili muna ako ng kape ko..

At umupo kami ni Lea doon  sa table niya, nagaaway pa nga kami ni Lea bago pumunta dun.

“Lea, sige na kasi.”

“Anikka,  ang weird mo, kung gusto mo ikaw di ka na nahiya”

“Kaya nga sinama kita dito para may kasama ako”

“Magisa mo”

“Sige na kasi”

“Oo na”

Oh diba? Mahaba habang pilitan, pero doon din naman nauwi.

Pero kinakabahan talaga ako..

At eto na malapit na kami ni Lea sa table niya…

“May I sit with you?”

“Uh? Do I know you miss?”

“Uhm, I don’t know, may kamukha ka kasi.”

“Ah, sino naman? Ok take your sits first”

Nakaupo na kami…

“Sino nga pala yung kamukha ko?”

“Someone whose name is Gerard.”

“Oh, Gerard Rubrica? He’s my older brother, by the way I’m Gerardly Montes Rubrica”

“Aaah, I’m Anikka”

“Anikka, mauuna na ako mag gagabi na. Bye Gerardly, by the way I’m Lea.”

“Sige bye Lea.”

“Ok Anikka, narinig na kita kay kuya eh.”

“Ha? Sure?”

“Yup,  I think that’s the time na kararating niya sa Canada, he always tell stories about you.”

“Kilala pa ba niya ako?”

“Maybe? I don’t know, pagabi na din kasi eh, aalis na ako magagalit si Janikka GF ko.”

“Ah siya yung kasama mo kagabi?”

“Yup, sige bye.”

Ngayon, nabuhayan ako ng pag-asa... Sana, magkita kami ni Gerard kahit minsan lang...

I.D. - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon