Last Card

1.8K 93 49
                                    

Nandito ako ngayon sa trabaho ko, kasama ko si Lea na pinagnanasaan si Gerardly...

"Anikka, ang gwapo gwapo talaga nun no, sana maging kami."

"Hoy, Lea magtino ka nga kababae mong tao tsaka isa pa committed siya at committed ka loka."

"Basta naniniwala ako sa kasabihang, mas madaling makuha ang manok kapag nakatali."

"Paano kung magpumiglas kung ayaw sa kukuha sa kanya?"

"Hoy napaka pessimist mo naman Anikka, di ka tumulad sa akin optimist!"

"Idol na talaga kita Lea dami mong alam eh, bumalik ka na lang nga sa trabaho mo."

Habang nagtratrabaho kami ni Lea dumating boss namin, yung manager lang.

"Girls, invitation o." -Manager

"Ma'am kanino po galing?" - Lea

"Basahin niyo na lang at ipapamigay ko pa to." - Manager

At umalis na nga siya, kami naman ni Lea agad agad naming binuksan yung envelope.

"Anikka, engagement party pala nung bago nating boss eh."

"Oo nga, buti naimbitahan tayo."

"Tingin ko Anikka engrande to."

"Ay naku Lea, malamang sa yaman ba nilang yan tapos pang squatters lang ang party?"

"Hihihi, excited na akong pumunta sa Sabado na pala to o... 7 pm, sa mismong bahay pala nila."

"Mukhang hindi ako pupunta Lea."

"Eh bakit naman?"

"Wala naman akong isusuot eh, tingnan mo kailangan formal."

"Akong bahala sayo Anikka, Thursday palang naman ngayon o, may oras pa."

"Ewan."

"Ang KJ mo Anikka, ako na ngang bahala sa damit mo dami mo pang sinasabi, basta sasama ka."

"Oo na, as if naman Lea makokontra pa kita?"

"Punta na lang ako sa Saturday sa inyo ayusan na din kita."

"Naku Lea, kailangan pa bang mag-ayos?"

"Oo naman malay mo, madaming gwapo dun."

"Baliw ka talaga Lea."

Lumipas ang mga araw, sabado na nga ngayon eh... Ang bilis no? 

Kasalakuyang inaayusan ako ni Lea, siya din ayos na...

Cocktail dress ang suot ko ngayon, simple lang siya, kulay sky blue... 

Ayoko ngang suutin eh kasi ano masyadong dairing. 

"Ano ka ba Anikka, isuot mo na. Tsaka D ka naman, pasalamat ka nga ako C lang."

"Yun nga Lea eh, kung pwede ko lang ibigay to sayo edi sayo na!"

"Anikka, ang abnormal kapag wala ka niyan, dali na isuot na kasi."

"Di na lang ako pupunta Lea."

"Anikka, di na kita papansinin kapag di ka pumunta"

"Aissh, oo na nga."

At ayon, sa huli si Lea nanaman ang nasunod...

Para kasing pinapakita ko na kaluluwa ko, cocktail na nga siya above the knee pa, tapos yung sa likod butas butas pa, eer. saan ba to nahablot ni Lea? Feeling ko nasira na to ng aso kaya naging ganito.

"Lea, mag legging kaya ako?"

"Ang weirdo mo rin eh no Anikka, ok na nga lumabas ka na nga diyan sa banyo."

I.D. - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon