50) This is the ordering of Data in a detailed order
a. Calculating b. Ordering c. Sorting d. None of the above
"C" haYy ! salamat naman at natapos na ko :)
Fourth Periodical test namin to, actually next next week pa talaga dapat tong examination. E kaya lang, sa hindi ko inaasahang pangyayari e isa pala ko sa Top 10 ng klase namin. Kung tinatanong nyo kung anong section ako, 2-D ako. At nagkataon namang ako pala yung top 1 sa klase naming puchu-puchu. Kaya ito, napasabak ako sa biglaang pagsusulit na ito. Pahamak na Top 10 o ! >.< Pasensya na kayo a, ako kasi talaga yung tipo ng esudyante na walang pake sa honor roll na yan. Hindi ko naman makakain yan ee !
Kaya nga isang himala noong pinatawag ako nung class adviser namin at sinabihang kasama raw ako sa mga magtitake ng exam for General Top 10 sa buong Second year. Ako naman tong napatanga sa harap ng teacher ko. I was like o____O! Syempre no, puro section 1 yung naandun. Ano namang laban ko diba????? -_____-
Niweys, Aish ! kanina pa ko tapos kaya lang bawal pa atang lumabas, mukhang ako palang yung tapos e. At dahil sa walang magawa, kumain na lang ako, nagbaon ako kahit na bawal :P e gutom ako ee ! Pake nila ?!
At dahil nga sa walang magawa, napatingin ako sa lalaking nakaupo sa harap ko. Binasa ko kung anong number na ba tong si kuya, e tae ! nasa 20 palang sya. Hindi naman halatang sineseryoso nya masyado e noh???? Takte ! Tinignan ko ang orasan ko, at sa loob lang pala ng 20 minutos ko sinagutan yung test paper ko :P hahahahaha ! Hindi naman halatang halos hinulaan ko lang e no ? Pero uYy ! Medyo pinasiguro ko naman kahit papaano, ayoko ngang mapahiya. :D
Pero infairness kay kuya. Ang linis ng kuko nya, ang puti ng batok. Oo, batok palang yung nakikita ko, nakatalikod e. Pero sa tingin ko naman e gwapo tong si Kuya, maganda kutis e. hahahah :D landi e no ? At anong ginawa ko para makita ko ang mukha ni kuya ???? Ahem ! nag "May I go out ako" ! hahahaha :D
Medyo natagalan ako sa labas kakakain ko. Nagutom ako e :( Pesteng test ituuu. Wala man lang libreng paSnack sa estudyante?? Di ba nila alam na nakakagutom mag-isip ! psh, walang mga pakundangan. bwahaha xD So yun na nga, nang maramdaman kong full tank na si tummy, nagdecide na kong pumasok at naghandang tumunganga na naman sa loob. -_- Kaso pagpasok ko, nakatayo na silang lahat at palabas na ng classroom. Ganun ba ko katagal lumafang sa labas????! Pero tae, asan na ??? ASAN NA SI KUYANG MAGANDA-ANG-BATOK??????!
*hanap* *hanap* *hanap* o___O
HANGGWAPO NIYA !!!! ^//////^
Pakkshet bilbil! Kahit pala sa public school e may naliligaw na ganyang mukha. Shet ! Bat ngayon ko lang sya nakita ???? Kung kelan naman Marso na :(
BINABASA MO ANG
Ms. Assuming meets Mr. Torpe [COMPLETED]
RomanceIt's so CONFUSING when someone shows a sign that they LOVE you but you're NOT SURE if they really do.
![Ms. Assuming meets Mr. Torpe [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/10450945-64-k311950.jpg)