Chapter Eighteen

187 2 0
                                    

simplypanda's note:

Hi Readers :)

I'm so sorry if now na lang ulit ako nakapagUpdate. Kakagaling ko palang po kasi :) Nagkasakit e. Medyo mahina resistensya ni Author nyo :P Pero don't worry, ayos na ko ngayon ^__^v Kaya back to normal na ulit ang pagaUpdate ko.

Salamat for your Understanding..

Keep on reading huh??

Salamat ng Marami <3

Love you guyS ! :*

Enjoy Reading :)))))

CHAPTER 18

Noyi's POV

*A Week Before the JS Prom*

"Noyi, bilisan mo na."

"Oo, wait lang." tss. Asan na ba kasi yung peste kong notebook?! Bakit sa dinami-dami ng oras na pwede syang mawala ngayon pa! Ngayon pa kung kelan pasahan at nagaalburoto yung teacher kong bulldog! Sus ko po! 

"Dalian mo na. Bibingo tayo nito kay Ma'am e, late na tayo ng limang minuto! Biliiiis!"

"Saglit lang nga! Asan na ba kasi????!!! Aaaah!" Nakakainis ! Tinaktak ko na bag ko pero hindi ko pa rin mahagilap! 

"Baka naman naiwan mo??"

"Hindi ko naiwan yon. Nagsusulat palang ako dun kanina e."

"Sorry Noyi pero iiwanan na kita. Mauna na ko huh?"

"Sige na nga" nakangusong sabi ko.

"Sorry huh? Pero kasi--"

"Ok lang Jasmine. Dito na lang ako. Di na lang muna ko papasok sa Subject nung Bulldog na yon. Pakisabi na lang na Absent ako huh?"

"Ok. See you later"

How Nice! Kung ano pa yung last requirement para sa subject nung Bulldog na yun tsaka pa ko naaberya >< Ang masaklap pa, mukang kelangan kong ulitin lahat ng nakasulat dun sa Notebook ko. Argh! BADTRIP! Hindi kaya may nagnakaw nun? Hawak ko palang yun kanina e, binitawan ko lang nung nagMeryenda kami ni Mello sa Canteen tapos NAWALA na agad?? SERIOUSLY???

Booooring! Mag-isa lang ako ngayon sa classroom. Kung nagtatanong kayo kung nasan yung mga kaklase ko, andun sila sa Science Laboratory. Kung tinatanong nyo ulit kung bakit hindi ako pumasok. May tatlong rason: Una, wala naman akong mapapasang notebook. Pangalawa, ayokong masigawan ni Ma'am (Badtrip yun ngayon, kaya nga on the spot syang magchiCheck ng mga notebooks) at Pangatlo, tinamad na kong bigla. E sino ba naman kasi ang hindi tatamarin kung sa isang iglap nawalang parang bula yung notebook mong sinulatan mo ng halos pitong buwan. Kawalang gana diba? Tapos lahat ng yun uulitin ko pa. pakshet diba???

Hmm? Ano bang magandang gawin pag mag-isa ka lang sa classroom? Matulog? Imposibleng antukin ako, ngayon pang badtrip ako sa pesteng notebook na yun. MagSoundtrip? Wala kong cellphone. Tumambay sa labas? O edi napahamak pa ko. Makita pa ko nung bulldog kong teacher edi nalintinkan ako -.- Hanapin yung notebook ko? Not Bad :D E san ko naman kaya hahanapin? Kanina ko pa tinaktak bag ko pero wala talaga. Ang pangit rin naman tignan kung bubuksan ko isa-isa yung bag nung mga kaklase ko, parang lalabas pa na sila yung pinagbibintangan kong nagnakaw nun. Ang tanong NINAKAW nga ba o sadyang naMisplace ko lang? 

Makaubob na nga lang sa desk -.- wait! Hindi naman siguro masama kung... hihihi :") I've been wanting to do this. Kahit ngayon lang.

Lumapit ako sa upuan ni Prince Nate ko. Matagal ko na kasi talagang gustong mayakap yung bag nya *m* Bakit ba? I mean, hindi naman siguro masama diba? Yung bag lang naman yung yayakapin ko. hihi. 

Ms. Assuming meets Mr. Torpe [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon