PRINCE & PRINCESS MEETS.
Prince's POV//
2 weeks na mula nung huli kong makita si Princess.
Yung picture nalang nya ang tinigna ko at yung diary nya.
Gusto ko syang makausap.
Gusto ko manlang masabi yung nararamdaman ko, kahit kinabukasan e, hindi nya na ako kilala.
Gusto kong kahit isang araw 'e, makilala nya ako.
Pero tama yung mama nya, masasaktan lang ako.
Ang sakit nga naman na hindi ka kilala ng taong mahal mo.
Isa pa, magiging kumplikado ang lahat.
Pero..
Pssh. Ang malas ko.
Papasok na ako, tapos na kasi ang Semestral Break at balik na ulit sa dating gawi.
Papasok ng maaga.
Sana makita ko sya.
Traffic papunta sa LRT.
Malas.
Pero pagdating ko dun, nakita ko si Princess.
Ang ganda parin nya.
Ang sarap nyang titigan.
Tumabi ulit ako sakanya sa tren.
Walang pinagbago, hindi nya ako kilala.
" Hi miss. May nagpapabigay. "
Tapos inabot ko sa kanya ang maliit na notebook.
"Happy Birthday daw." tapos bumaba ako ng tren. Katipunan palang nun. Ayoko sana, pero mas makakabuti siguro.
Narinig kong tinawag nya ako pero di na ako lumingon.
Naisip ko na rin kasing huling beses ko nang lalapitan si Princess.
Gusto ko lang din kasing malaman nya yung nararamdaman ko.
Na may isang PRINCE na nainlove sakanya.
Dun lang, masaya na ako.
PRINCESS's POV//
"Hi miss. May nagpapabigay."
Notebook?
" Happy Birthday daw."
Tapos bumaba ng tren yung lalaki. Tinawag ko pa sya pero hindi naman sya lumingon.
Binuklat ko yung Notebook,
DIARY NI PRINCE.
At binasa ko.
Di ko namamalayan, lumuluha na pala ako.
Bumaba ako ng tren pagdating sa Cubao nang umiiyak.
Iyak ako nang iyak.
Napaupo ako.
Ang sakit sakit ng ulo ko.
Biglang nag flashback yung panaginip ko.
Yung babae, Yung Jeep.
At yung lalaki.
S'ya yung lalaki sa panaginip ko.
Hindi ako maaring magkamali.
Umuwi ako sa bahay, tawag ng tawag yung mama ko pero nirereject ko.
Paulit-ulit kong binasa yung Diary ni Prince.
Unti-unting bumabalik yung ala-ala ko.
Hinanap ko yung Luma kong Facebook account.
Princess Lanzo.