DIARY NI PRINCESS.

160 2 1
                                    

DIARY NI PRINCESS.

INTRODUCTION.

Nahulog yung panyo ko nung pasakay ako sa Lrt.

Badtrip.

Malas ng Birthday ko.

Okay lang, Cute naman yung nakapulot e.

Sinubukan nyang iabot sakin yung panyo.

Malas lang, sumara na yung pinto ng tren.

Haay. Sayang na panyo.

DIARY ENTRY #1

May nakita akong lalaki sa LRT nung papunta sa office ni mama, Cute sya.

Nginitian ko sya.

Tumingin lang sya sakin. 

Ang Cuuuuuuute :">

Birthday ko pa naman, Pupunta ako sa office ni Mama kasi may handa daw sya dun para sakin.

Kung hindi ka ba naman talaga sinuswerte. :)))

- Princess.

DIARY ENTRY #2

Badtrip ako. Ang traffic kase.

Birthday  ko pa naman at pupunta ako kay Mama.

May handa daw kasi sa Office nya para sa akin.

Di ko na nga napapansin yung mga taong nakakasalubong ko sa sobrang inis e.

Badtrip talaga ang Traffic sa Marcos Highway.

Ngayon na nga lang sumakay ng LRT e.

Haaaay Buhay.

- Princess

DIARY ENTRY # 3

Nakasakay ako ng LRT papunta sa office ni Mama nang may tumabi saking lalaki.

Cute nya, infairness.

Nakatingin sya sa librong binabasa ko.

Narinig ko pang binasa nya ang title ng Libro ko.

"WHAT ABOUT LOVE?"

Tumawa ako.

Nagpakilala  sya.

"Hi, Ako si Prince" Wow. Bagay na bagay yung pangalan namin.

"Talaga? Ako naman si Princess"

"Lagi ka bang sumasakay ng LRT?"

"Ah, Hindi. Ngayon lang"

Tapos bumaba na ako. Nasa Araneta Center- Cubao Station na kasi nun.

Sayang, gusto ko pa naman sana syang kakwentuhan.

- Princess.

PS. Ang lambot ng kamay nyaaaa. :">

DIARY ENTRY # 4

Papunta ako sa Office ni Mama.

Nakatulog ako sa LRT.

May napaniginipan akong isang lalaki.

Isang lalaking parang lagi kong nakikita.

Parang matagal ko na syang kilala.

Tapos isang aksidente.

Isang babae na nabangga ng isang jeep.

Napakabilis ng takbo nung jeep.

BOOOOM.

Nagising ako.

- Princess

PS. Eek. Panget nag panaginip ko. :/

DIARY NI PRINCE. [A LRT Lovestory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon