DIARY NI PRINCE. [A LRT Lovestory]

363 5 5
                                    

DIARY NI PRINCE.

By Little Miss Crap Writer. :)

INTRODUCTION.

"Miss, Miss, Panyo mo!"

Tapos nagsara yung pinto ng tren. Hawak ko yung panyo niya.

Nakangiti sakin yung babaeng may-ari ng panyo.

Nakadilaw sya na t-shirt at maong na shorts.

First time ko syang makita sa Santolan station.

Tinago ko yung panyo nya. Tapos dumating na yung susunod na tren.

Prince, sorry. Hindi kita gusto. Sorry.

Prince, sorry. Hindi kita gusto. Sorry.

Prince, sorry. Hindi kita gusto. Sorry.

Paulit ulit sa isip ko yung mga sinabi ni Lian.

Ang sakit.

Dalawang taon ko nang nililigawan si Lian, Schoolmate ko sya mula pa nung Highschool. Una palang namin magkita 'e tinamaan na ako sakanya. Sobrang ganda nya kasi. Mahinhin at hindi maarte.

Hindi ko alam kung bakit ayaw nya sakin. Di ko alam kung ano'ng meron si Luis na wala ako.

Ewan. Na-eemo nanaman ako. :(

Bumaba ako ng tren pagdating ng Legarda. 

Ang lungkot. 

Nasira ang buong araw ko.

Hirap talaga ng One-sided na relationship. Kahit anong anggulo, Talo ako.

--

DIARY ENTRY # 1

Maaga akong gumising para hndi ako malate. May exam kasi ako.

Pagdating ko sa Santolan Station, nakita ko yung babaeng may-ari ng panyo.

Kinapa ko yung bulsa ko at tsineck yung bag ko.

Badtrip. Hindi ko nadala yung panyo nya. 

Tumingin sya sakin tapos ngumiti.

Yun lang? Di manlang nya tinanong yung panyo nya?

Mayaman siguro sya. Halata sa itsura e.

Ang ganda nya. Parang anghel. At mukhang mabait.

Lalapitan ko sana sya tsaka lang medyo malayo yung agwat namin sa pila, nakakahiya naman at baka kuyugin ako ng ibang nakapila at baka isiping sumisingit ako.

Rush hour kasi. Halos lahat 'e nagmamadali. Lahat 'e  badtrip sa mainit at siksikang pila.

Pagdating sa taas, hinanap ko yung babae.

Nakaupo sya sa may dulo ng tren. Nagbabasa sya ng libro at nakikinig ng music.

Nahiya naman akong lapitan sya kasi di ko rin naman dala yung panyo nya.

Pinagmasdan ko nalang sya.

Ganda.

Nabuo yung araw ko.

-Prince

DIARY ENTRY #2

Hinanap ko yung babaeng may-ari ng Panyo sa Santolan Station.

Sinigurado ko kasing dala ko yung panyo nya.

Nakita ko naman sya, pero hindi nya ako pinansin.

Hindi nya ako nginitian manlang.

Jusko, ang moody naman pala nito.

Hindi na ako nag-attempt na lapitan sya.

Baka badmood, masigawan pa ako.

DIARY NI PRINCE. [A LRT Lovestory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon