Chapter 17 Her Side

12.4K 112 5
                                    


Camille's POV


*pak pak pak*


"A-aaraay!" Di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko nung makatanggap ako ng tatlong malalakas na sampal galing kay mommy.



"Malandi kang bata ka! Di mo na inisip ang sasabihin ng mommy ni Shane dahil sa ginawa mo! Sinisira mo ang pagkakaibigan namin! Wala ka nang ginawang tama!" Galit na sigaw sakin ni mommy. Tapatungo nalang ako.



"Yan naman kayo mommy eh! Laging yung sinasabi ng ibang tao ang pinaniniwalaan mo! Kahit isang beses ba tinanong nyo 'ko kung anong nangyari at bakit umabot sa ganon?! HINDI! Ginusto ko ba yung nangyari, ha?!! HINDI! Bestfriend ko si Shane at hindi ko yun magagawa sakanya ng walang dahilan! Kayo ang walang kwenta! Dahil sa mga panahong kaylangan ko ng kausap, nandon kayo sa Hawaii nagpapakasaya. Hindi nyo alam na yung anak nyo, may mabigat na ponagdadaanan na!" Hindi ko na napigilang ilabas lahat ng hinanakit ko sakanya. Totoo naman eeh. Yung nangyari samin ni Evan? Hindi namin yun sinadya.




Flashback:


'Evan. Are you free tonight?' Sent.


I texted Evan kasi may hihingin sana akong favor.


'Hmm. Yeah, why?'


'Can I ask you a favor?'


'Sure. What is it? Just tell me'


'Ahm. Basta! I'll tell you later. Just meet me at *tooot* bar'


'K'



After nyang pumayag namagkita kami, agad na akong nagbihis. And drove myself papuntang bar gaya nung napag-usapan namin ni Evan. Hindi to alam ni Shane pero saglit lang naman kami eh.



Pagdating ko sameeting place namin, agad kong pinark ang koyse at agad na bumaba. Napakabigat ng pakiramdam ko.



Maramirami narin ang tao sa loob ng bar kasi Saturday ngayon. Agad akong dumiretso sa Bar Counter kasi dun madalas si Evan. At nandun na sya. Umupo ako sa tabi nya.



"Kanina ka pa?" Tanong ko sakanya pagkaupo ko



"Hmm, medyo" sabi nya sabay shot nung beer nya.



"So what's your problem? Maybe I can help" dugtong nya.

Ang Boyfriend ni Ate (ABNA Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon