One

2.9K 61 8
                                    

Alarm clock rings, it's 6:00.

RINGGGGGGG!

Sophia's POV

Waaaaaaaaaa! Sumisigaw na nagising at nahulog sa kama. Late na ako, patay! Hindi ko pa man din alam kung saan room ko, di ko rin alam kung gano ka strict sa school na papasukan ko. 6:00 na at kailangan nasa school na ako ng 6:30, 20 minutes pa man din bago ako makarating sa school mula sa bahay.

Dahil late na nga ako, hindi ko na nagawang kumain, at mag-ayos ng higaan, pero nagawa ko namang maligo.

At Hilson University.

Pagkadating ko sa University, nakita ko na marami ng tao, bago ako pumasok, napatulala ako at napanganga sa sobrang laki at ganda ng bago kong school, andito pa lang ako sa tapat ng school ng biglang may bumangga sakin, sa sobrang dami ng tao hindi ko na nakita o namalayan kung sino yun.

Pumasok na ako, at pumunta nako sa bulletin areas kung saan ko malalaman yung section ko. Grabe siksikan, pero ako syempre ayoko namang magpatalo kahit alam kong may masasaktan na akong tao dahil sa pagtutulak ko, okay lang basta makita ko yung section ko. Habang tinitignan ko yung list napansin ko na biglang may nagsisigawan sa activity area, at pagkatingin ko sa likod ko wala na palang tao dahil nga andun na silang lahat, still finding my name.

Gotcha! Special Section, Room 188 ako! After kong makita yung name ko at malaman yung section ko, pumunta ako sa activity area kung saan maraming nagkakagulo, curious ako syempre kung anong meron dun. I'm on my way ng biglang may humarang sa daan ko, sila Aye at Courtney, bestfriends ko!

Oy Aye, anong meron dun? tinanong ko si Aye.

Ewan ko, di ko rin alam. Sagot naman niya.

Dahil gusto naming malaman, pumunta kami. Habang naglalakad, nagtanungan kami.

Pia, anong section mo? Tanong sakin ni Courtney.

Oo nga, di mo man lang kami balitaan. Pahabol na sabi ni Aye.

We're on the same section! I saw your names while looking for mine. Pasigaw kong sinabi.

Sa sobrang dami ng tao dito sa activity area, hindi namin makita kung anong meron. Basta lahat sila nakalabas ang phone at may pinipicture-ran. At dahil nga adik at baliw tong kaibigan kong si Courtney, nagulat ako sa ginawa niya.

Waaaaaaaaaaaaa! Sumigaw na lang siya ng napakalakas na umagaw sa atensiyon ng lahat. Nagtinginan silang lahat saamin, at dun namin nakita yung pinagkakaguluhan nila.

Mismong pati ako mapapasigaw na lang din, may isang lalaki, ang moisturized at ang pula ng lips, makapal yung kilay, at nakapatong yung shades niya sa ilong niyang sobrang tangos. Pero napaisip ako, ano ka ba Pia? Bawal yan, magaral ka muna!

Binulong sakin ni Aye na yung lalaking yun ay si Troye, anak ng owner ng school na to.

Grabe nakakahiya, lahat sila nakatingin samin at parang gusto kaming sapakin, yung mga tingin nilang parang naiinis samin.

Hilsons University Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon