Three

1.3K 54 3
                                    

COURTNEY'S POV

Ang saya naman ni Aye, sa sobrang saya niya hindi na kami nahintay ni Pia. Sabay sabay dapat kaming uuwi ngayong tatlo e pero yung isa umalis bigla, si Pia naman may mga dapat pang asikasuhin dito sa school. Lumabas na ako ng university, sa labas nakita ko si Stephen mukhang naghihintay siya ng taxi pero sa pagkakaalam ko e may service siya, may taxi na dumating, binuksan ko yung pinto at sabay naman kaming humawak doon, syempre binitawan ko kaagad at baka may maka-kita pang mga fans niya.

Ah, sige ikaw na jan, sabi ko sa kaniya. Ayaw ko naman nang makipag-agawan no, baka ano na lang gawin nito sakin.

You go now, sabi niya naman saakin.

Pero biglang nagsalita yung driver.

Ah ma'am san po ba kayo nakatira? tanong nung driver saakin.

Ah sa Quezon Avenue po, sagot ko sa driver.

Kayo sir? San kayo? tanong nung driver kay Stephen.

Quezon Avenue also. Sabi niya sa driver, kinabahan naman ako bigla nung sumagot siya at hindi ko alam kung bakit.

Pareho naman pala kayo ng uuwian e, nagagawan pa kayo! Pangasar na sinabi nung driver.

Same area but different houses. Sabi ni Stephen sa pinaka-cold na paraang pwede niyang sabihin yon.

Sumakay na kaming dalawa, pareho kaming sa likod umupo, whhooo! Awkward sobra, ang tahimik.

Si Manong Driver, siya, siya yung nag-ingay kasi ayaw niya ng tahimik.

Ah, ma'am, sir, alam niyo po bagay kayo! Pabirong sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, gayundin si Stephen, nagcecellphone kasi siya tapos biglang tumingin siya sa driver, ako naman di ko alam kung kikiligin or maiinis sa driver.

Ahm, hindi siya yung tipo ko, that girl? No way! Mahinang sumagot si Stephen at parang nagyayabang.

Napaisip ako, Ha! Bakit akala mo gusto kita, ang yabang kala mo kung sino.

FYI lang Mr. Stephen no! Hindi kita gusto, wala akong gusto sayo at hinding hindi kita magugustuhan. Pasigaw kong sinabi sakanya at pinamukha ko sakanya.

Make sure na hindi ka mafafall sakin. Pangasar na sinabi niya saakin, also giving me a smirk.

Andito na ako sa bahay, bumaba na lang ako sa taxi agad dahil sa mga sinabi niya. Sinara ko yung pinto ng taxi na parang nagdadabog.

Stephen's POV

Gusto ko yung ugali ni Courtney, but it doesn't mean na gusto ko siya. Ang cute niya nung sinisigawan niya ako at nung sinara niya yung pinto ng taxi. Dalawa na lang kami ng driver ang magkasama.

Sir, sa tingin ko gusto kayo non! Narinig kong sinabi nung driver habang focus na focus ako sa cellphone ko.

Do you think she likes me? Kunwari tinanong ko naman.

Oo sir, yung babae na ganun nalang kagrabe kung magalit kapag sinabi na bagay kayo, tiyak sir may gusto yun sainyo! Makulit na sinabi nung driver.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hilsons University Teen ClashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon