Alyesha's POV
JC? Sameon? Lee? Ngayon ko lang narinig yung name niya, five years na ako dito pero ngayon ko lang siya nakilala, hindi ko pa nga siguro masyadong kilala yung mga tao dito.
By the way, gwapo siya, member ng TRIOS na sinasabi nilang mayayabang daw, pero honestly totoo talagang mayabang sila, naririnig ko na yung about sa group na yun before pero dahil nga ako si Alyesha, syempre wala akong pake. I think si Jc hindi siya mayabang, feel ko mabait siya, kahit saang anggulo mo siya tignan makikita mo na mabait talaga siya at gwapo.
Pero ang umaagaw sa atensiyon ko sa mukha niya at ugali niya ay yung mga mata niyang tila malungkot, at parang nagdadala siya ng isang mabigat na problema. Gusto ko siyang lapitan at damayan, gusto ko siyang tulungan sa problema niya kung sakaling meron man.
Lalapitan ko ba siya o wag na lang? Habang pinagiisipan ko yan di ko namamalayan titig na titig na pala ako sakanya.
Hoooooy! Baka matunaw yan! Nagulat ako ng biglang sinabi saakin ni Sophia yan habang sila ay nakangiti.
Haaa? Pakunwari ko namang sinabi.
Suuuussss! Pakipot ka pa! Kitang kita nga namin ni Sophia na titig na titig ka sakanya e! Pangasar na sinabi sakin ni Courtney.
Ano bang iniisip mo at titig na titig ka sakanya? Tanong ni Pia.
Tignan niyo kasi yung mga mata niya, parang napaka-lungkot niya, e iniisip ko lang naman kung lalapitan ko ba siya para tulungan o wag na lang. Sabi ko sakanila.
Akala ko pinagnanasaan mo na e. Pang-aasar ulit ni Courtney.
Sige na! Lapitan mo na, we are here to support you, sabi ni Sophia. Pero mag-iingat ka, tawagin mo kami kaagad pag may masamang ginawa sayo. Pahabol pa niya.
Thank youu! Sabi ko nalang sakanila.
Bago ako lumapit sakanya, nakita ko siyang tumingin sakin, syempre pag tumingin sayo feeling mo na crush ka.
Nilapitan ko na nga si Jc, pero hindi ko siya agad kinausap. Nagstay lang ako sa likod niya at mga 3 minutes ako dun, nahihiya ba ako o something na natatakot? Ba't ako mahihiya diba? Bigla akong nagulat ng nagsalita siya.
What do you want? Narinig ko yung sabi niya, napaka baba ng boses niya pero parang singer siya, masarap sa tenga ang boses niya.
Haaaaaa? Aa-a-a- wala! Sabi ko nalang kahit meron talaga. Lalapit lapit kasi, wala namang lakas ng loob para makipag-usap.
I know you want to say something, so just say it, sabi niya at tumingin siya saakin.
Ahhhh, wala ta-talaga, haha! Palusot kong sinabi at binigyan siya ng fake smile.
Ano nga yon? Biglang tumaas tono nang pananalita niya, at nagulat ako sa sobrang takot at gulat nasabi ko sakanya.
Napansin ko lang naman na parang malungkot ka, gusto lang naman kitang tulungan o damayan jan sa problema mo! Nabobother kasi ako sa itsura mo diyan, ang lungkot lungkot mo tignan. Nabigla ako sa mga sinabi ko dahil ang bilis ko na lang na nagsalita.
Kinabahan ako sa posible niyang sabihin o gawin, pero nginitian niya lang ako.
Thank you. Mahinang sabi niya, nagulat ako sa sinabi niya at parang nawala yung tinik na naka-stuck sa lalamunan ko.
Umalis ako sa harap niya.
Bakit ko nga ba siya naisipang lapitan, at bakit ko ba siya napansin, baka kasi na-attract ako sa mukha niya, pero more sa ugali niya, feel ko talaga hindi siya mayabang.
Hindi pa ako tuluyang makalayo sa kaniya nang tanungin niya ako
Why do you want to help me? Answer my question. Tanong niya saakin.
Ah, wa-wala. Sinabi ko na lamang sakanya.
You really want to help me? Are you sure you can do that? Tumatawang sabi niya.
Tumango lang ako sa kaniya.
Okay I'm giving you 5 days. Sabi niya saakin.
Five days of what? Nalilitong tanong ko sakanya.
Five days to help me with my problems, if nothing happens, I'm sorry. If something happens, okay we'll continue what we are doing. Inexplain niya sakin.
Okay, fine! Deal! Sagot ko sa mga sinabi niya.
Bakit naman may paganto ganto tong lalaki na to? May deal deal pang nalalaman, pero ayos na din yon.
Bumalik ako sa mga kaibigan ko habang nakangiti dahil sa nangyari.
Ang saya mo ata ah, hahahaha! Anong balita sa panliligaw mo? Pangaasar na sinabi saakin ni Courtney.
RIIIIIINNNGGGGG!
LUNCH BREAK.
Kinuha ko na yung bag ko at umalis, binigyan ko muna ng ngiti yung dalawa.
Ang saya niya, sabi ni Pia.
Nag-tinginan yung dalawa at sabay silang nag-sabing, SANA ALL!
Wala kaming Afternoon Class, pero tuwing hapon, may activity na nangyayari sa university kaya lagi kaming magkikita kita ng bestfriends ko.
I am walking happily sa hallway ng building namin ng may naririnig akong sumisigaw.
Wait! Boses ng lalaki yung nag-sasabi. Na-curious na ako pero tuloy pa din ako sa paglalakad, baka hindi naman ako yung tinatawag e.
Hey! Nagulat ako nang makita ko sa tabi ko si Jc, huminto ako sa paglalakad at ganon na rin siya, hinihingal siya siguro dahil binilisan niya maglakad mahabol lang ako.
I was yelling at you and yet you didn't even bother to look at me. Pang-sesermon niya saakin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod naman siya saakin.
Malay ko ba kung ikaw yon, at malay ko din ba kung ako yung tinatawag, wala naman kasing name. Pagtataray ko sakaniya.
I don't even know your name. Sabi niya saakin habang nakataas yung isa niyang kilay.
Ayan kasi late pumapasok. Panenermon ko sa kaniya, kung maaga lang kasing pumasok kanina edi sana narinig niya ako nung introduce yourself.
And? sabi niya sakin habang nakataas pa din yung isa niyang kilay.
Hindi mo ako narinig kaninang introduce yourself, sabi ko.
Kahit andoon ako kanina while you are saying things about you, I will not bother to listen, sabi niya saakin.
Talaga tong taong to para talagang may sariling mundo.
Wow ha? Palibhasa kasi sikat, hmmm! Bahala ka diyan! Tinarayan ko lang siya, at binilisan pang maglakad. Grabe ha, ang sakit magsalita non ha.
No, wait! He said habang naka-hawak na siya sa kamay ko just to stop me.
Let's have lunch together, he said while giving me a cute smile.
Ayaw ko nga, baka saan mo pa ako dalhin. Sabi ko sakaniya, e ngayon ko palang naman to nakausap e baka nga never ko pa to maka-usap kung hindi ko nilapitan kanina.
Come on! You don't trust me? And what's the sense of giving you the chance to help me in five days kung hindi naman tayo magsasama? Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, magsasama? anong magsasama?
Nanatili akong tahimik sa harap niya kasi hindi ko alam isasagot ko.
Hinawakan niya kamay ko tapos hinila niya ako pasunod sa kaniya. Para talaga akong robot doon at hindi ko alam bakit hindi ko nagawang mag-salita o mag-pumiglas man lang.
Huminto kami sa tapat ng isang sasakyan at inopen niya yung door at pinapasok niya ako, sumakay ako at sumakay na din siya.
BINABASA MO ANG
Hilsons University Teen Clash
Teen FictionAng pagbabayangan kaya nila ay posibleng mauwi sa pagmamahalan?