"BMW and Ferrero Rocher"
Absent pa rin ako today dahil maghahanap kami ni Renz ng bagong part time job. Saka ayaw ko pa ring makita si Arix. Ito na ang pinakamatagal na away naming dalawa na hindi kaagad kami nagkaayos. Madalas dati ay si Arix ang sumusuko sa akin.
Galit nga siya sa akin dahil iniisip niya na gay nga ako at may gusto ako kay Ford. Kung ayaw na niya akong maging kaibigan ay walang mawawala sa kanya. Kung tutuusin kahit sino ay pwedeng maging kaibigan ng isang Arix Hontiveros. Hindi siya mauubusan ng kaibigan dahil halos lahat ay gustong dumikit sa kanya. Siya lang talaga ang mapili sa kinakaibigan. Pero ako iilan lang ang kaibigan ko sa school. Hindi pa ako sigurado kung sincere ang pagkikipagkaibigan nila sa akin. Feeling ko ay ginagamit lamang nila ako para mapadikit sila kay Arix. Kapag nalaman nilang hindi na ako ang bestfriend ni Arix malamang lahat sila ay maglalahong parang bula.
Tsskk,bahala sila sa buhay nila.
"We'll just call you within this week Mr. Angeles, we have to review first your application with us. Thank you."
Sana nga lang ay tumawag sila.
Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan kong patapos na si mama sa pagbabalot ng lumpiang shanghai na idedeliver niya bukas kay Mrs. Crusero. Maraming eco-bag ng groceries na nakapatong sa ibabaw ng mesa namin.
"Nag-grocery ka, ma?" Tanong ko kay mama. Umiling si mama.
"Dala iyan ni Arix. Napakabait talaga ng batang iyon." Masaya si Mama. Nagpunta pala si Arix dito? Tssskkk...ang gagong iyon. Sino ba nagsabi sa kanyang ipag-grocery niya kami? Hindi naman kami nanghihingi, ah?
"Asan na ho siya?" Tanong ko kay mama.
"Naku umalis din naman kagad. Naglambing lang na namiss niya ang lumpia ko. Ipinagluto ko nga." Parang anak na rin ang turing ni mama kay Arix.
"Ipinagtira din kita ng lumpia. May ginisang gulay din dyan, kumain ka muna."
Nakita kong may mga notebook na nakapatong sa center table namin sa sala. Alam kong kay Arix ang mga ito. Tssk...nakalimutan siguro ni mokong?
"Iniwan pala iyan ni Arix," sabi ni mama nang mapansin niyang tinitingnan ko ang mga notebook. "May exam daw kayo bukas, mag-review ka daw. Bakit sabi niya ay absent ka rin daw kahapon anak. May problema ka ba?" Nag-aalala si mama.
Gagong Arix na 'yon ang daldal lang, nagkwento pa kay mama.
"May nilakad lang ho ako." Dahilan ko na lang kay mama. Alam ko namang hindi na siya magtatanong pa. May tiwala sa akin si mama.
"May chocolate ka nga pala, inilagay ko sa ref at baka matunaw." Sabi pa ni mama. Sigurado akong galing din ito kay Arix.
"Paborito mo kasi yan kaya di nakakalimutan ni Arix na bigyan ka. May note siya sa iyo. Hindi ko naman binasa at baka may secret kayong dalawa." Tssk, si mama may nalalaman pang ganun? Nag-iwas ako kaagad nang tingin kay mama. Ayaw kong makita niya ang saya sa mukha ko. Taena!
"Ma, pahiram ng cellphone mo sandali..." Etetext ko sana si Arix dahil gusto kong mag-thank you sa kanya pero nagbago din kaagad ang isip ko. Huwag na lang. Ahhh...di ko alam kung bakit? Ibinalik ko na lang ulit kay mama ang cellphone.
"Oh, akala ko ba ay gagamitin mo?" Nagtatakang tanong ni mama sa akin.
"Hindi na lang ma, nagbago ho ang isip ko." Walang ganang dahilan ko kay Mama. Nayayamot na pumasok ako sa aking kuwarto dala ang mga notebook ni Arix. Naiinis ako sa sarili ko na di ko alam kung bakit?
Tapos na akong mag-review nang maalala ko ang chocolate na sinasabi ni mama. Sa sulat ni Arix ako interesado at hindi sa Ferrero Rocher na paborito ko. Nakakatikim lang naman ako nito dahil kay Arix. Pumunta ako sa ref, kinuha ko ang notes pero hindi ang chocolate.
Sorry na ginko...pumasok ka bukas kundi gugulpihin kita. (With smiley) see you tom...I miss you... text me when you read this...let's talk...I'll call you. Tapos may smiley ulit...Ahhh, bahala siya. Ano naman ang pag-uusapan namin? Magsosorry ba siya o baka uutusan niya akong iwasan ko si Ford. Hindi naman niya kailangang gawin iyon dahil wala naman akong gusto kay Ford.
Ang real name ko Christian Jean Angeles. Ang nickname ko CJ. Pero mula bata pa kami kapag nag-aasaran kaming dalawa, inaalis ko ang x sa Arix. Alam na siguro ninyo kung bakit? Siya naman ang JEAN (dapat JIN ang pagbigkas) ay ginagawa niyang GIN bilang pang-asar niya sa akin. Na dinudugtungan niya ng Ko. Tuloy kung pakikingnan parang JINKO na. Iniisip ko tuloy pag-aari ako ni Arix.
Maaga pa rin akong nagising kahit napuyat ako kagabi dahil sa pag-iisip kay Arix. Baka kasi naghintay siya ng text ko? Ahhh, ang aga-aga puros stress na kaagad ang iniisip ko.
"Ma, aalis na po ako." Paalam ko kay Mama.
Paglabas ko ng compound namin ay may BMW sa labas. Kina Arix ito. Sinusundo ba niya ako? Tssk...kinabahan ata ako? Tama si Arix kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan kalimutan ko ang tungkol sa problema ko sa sexuality ko kung ayaw kong mawala sa akin ang friendship naming dalawa. Susundin ko siya. Hindi naman siguro talaga ako bakla?
"Good morning sir CJ." Nakangiting bati sa akin ng isa sa tatlong tauhan ni Arix. "Pinapasundo po kayo ni sir Arix." Na-disappoint ako dahil wala naman pala si Arix.
"Hindi na ho kailangan, magko commute na lang ho ako." Tssk, bakit kailangang ipasundo pa niya ako? Pinagtitinginan pa tuloy ako ng mga kapitbahay namin. Agaw atensyon ang BMW sa lugar namin. Pati na rin ang mga tauhan niya na parang PSG ang porma ng mga ito.
"Utos po ni sir Arix na kailangang pumasok na kayo ngayong araw at kami ang maghahatid sa inyo. Kapag hindi daw po kayo pumasok gawin namin lahat para madala namin kayo sa school dahil kung hindi mawawalan po kami ng trabaho." Nakayukong sabi naman ng isa.
Tssk, gago talaga ang Arix na iyon! Syempre wala na naman akong choice kasi kawawa ang mga ito. Taena lang.
Tanginis!!!
Written by: mikzylove
BINABASA MO ANG
HOW MUCH? I LOVE YOU! (Completed)
Romance(Completed Story) "How Much? I Love You." Best friend ko si Arix... Pero hindi lang iyon...customer ko din siya sa kama... Ang masakit mahal ko siya...higit sa pagiging best friend ko...mahal ko siya kung alam mo ang ibig-sabihin ko sa salitang maha...