Simula

3 2 0
                                    

Hiyawan at pagtatalon ng mga tao ang namayani sa concert ng isang sikat na banda ang nagaganap ngayon kung saan maraming tao ang hindi na maitsura sa sobrang pagkadala sa tugtog ng concert.

Hindi ako makasabay sa kasiyahan ng bawat tao dahil for some reason, hindi ang musika nila ang dahilan ng pagpunta ko rito.

"Hoy! Ang KJ mo! Makituwa ka naman ang ganda ng jam nila oh!" Si Maya na kasama ko ngayon ay panay ang pangungulit sa akin na dapat makisama raw ako sa dagat ng mga nagsisiyahang mga tao, pero kahit anong gawin ko, di ko magawang makisabay sa kanilang jam.

For some reason, seeing them play make my heart empty. Most specially seeing the guy slamming on his guitar with eyes closed. Damang dama niya ang tinutugtog niya. Ang bawat haplos ng kanyang mga daliri sa strings ng gitara ay madadama mo rin sa sobrang attached niya sa pag sstrum.

"Ang gwapo mo Von Travis! Akin ka na lang!"

"Nakaka in love siya mag guitar"

"Oy, ang daming fans ni Von oh. Ang layo na talaga ng narating niya noh? Parang kailan lang kung makap-"

I cut her off. I don't want to remember. I know I should not be affected by now lalo na't ako ang may kasalanan but for some reasons, hindi ako makalimot sa nangyari at sobrang pinagsisihan ko iyon.

"Thank you! But before we call this a night, may we sing to you the song that we originally wrote together with Von!" Masayang wika ni Caly, ang bokalista ng banda.

At muling naghiyawan ang mga tao dahil ang tinutugtog na kanta nila ngayon ay ang pinakasikat na kanta nila. Hindi ko pa napapakinggan ito marahil sa hindi pa ako handa malaman ang storya ng kantang iyon. I heard si Von mismo ang gumawa noon based on his experience. 

"Sorry girl, but you missed out
Well, tough luck, that boy's mine now
We are more than just good friends
This is how the story ends"  birit na kanta ni Caly.

Somehow, I feel insecure kay Caly. Ewan ko, maybe because maganda siya? The curves on her body are on their right places. She has this expressive eyes and thin lips that any guy would go crazy about idagdag na ang kanyang porselanang kutis. Though we don't really know each other personally, parang ang almost perfect nya kasi.

"Van punta tayong backstage! Since VIP naman tong ticket natin we could have pics with the band, especially with Von. Ano game?" Masayang wika ni Maya na ngayon ay hindi na makakapagpigil sa kanyang excitement.

"Ayoko..." Gusto ko mang pumunta, hindi ko kakayaning makita siya ng malapitan.

Pero kahit na umayaw ako sa kanya, kinaladkad parin ako ni Maya patungong backstage. Wala na akong magawa kundi ang magpatianod sa gusto niyang mangyari. Nung nakarating na kami sa backstage, maraming staffs ang nagkakalat at mga instruments wire na nakalatag lang sa kahit saang parte ng backstage.

Saktong pagkarating namin doon ay siyang pagtapos ng kanilang kanta.

"Thank you so much Araneta! Good night everyone!" Panghuling birit ni Caly na sinamahan ng matinding palakpakan at hiyawan galing sa crowd.

"Oy, andito na sila!" Si Maya.

"Hi!" Bati ni Caly sa amin pagkarating ng banda sa backstage.

"Hello po! Idol ka po namin! Pwedeng pa picture with the band?" Walang hiyang tanong ni Maya sabay kuha ng kanyang Polariod cam.

"Sure! Pero wala pa si Von" palinga linga si Caly sa backstage.

Nakayuko lamang ako buong oras na nandun kami, hindi ako makatingin ng diretso ky Caly, though we have not encountered yet as a normal person. I just feel awkward when she's around. Most especially dahil rumored na may something sa kanila ni Von. I wonder if she know me.

As if on cue, may lalaking dumating na sinalubong naman ni Caly ng yakap! The man hugged her back and kissed her forehead. I looked away.

"Job well done, babe" husky na pagkakasabi ni Von kay Caly.

"I know..." at kahit hindi ko sila tingnan alam kong naghahalikan sila dahil sa tunog na gawa mula noon.

"Hey! We have a fan here! Get a hold of yourselves guys! We'll get you a room afterwards!" Sabi ng kanilang drummer yata.

Nagsalubong ang mata namin ni Von at di katulad ng inaasahan ko, nagulat siya ng makita ako. I smiled a bit, para naman hindi awkward ang paligid.

Nagpose na kami para sa picture na ni request ni Maya sa banda. Katabi ko si Maya at sa kabila naman ay si Caly at si Von na nakaakbay kay Caly. Ang hirap pigilan ng sarili ko na 'wag silang lingunin. I stiffined nong naramdaman ko ang matinding titig na ginawad sa akin ni Von, hindi ko man siya tingnan, kitang kita ito mula sa aking peripheral vision.

And in a split seconds, I realized that we are strangers with memories. And it hurt big time.

SK8ER BOITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon