Gumagabi na ngunit nandito pa rin ako sa tapat ng campus kung saan hinihintay ko ang aking sundo. 30mins na akong nakatayo dito at halos maubos na ang estudyante sa panghapong klase. Kung bakit ba kasi hindi ako pinapayagang mag taxi eh tsss. Malapit na ring maubos ang paninda ng mga food stall dito sa labas ng campus at wala pa rin kahit anino ng aking sundo! Kung kaya't naibaling ko ang aking atensyon sa kabilang dako ng kalsada kung saan merong grupo ng mga kalalakihan na nag sskate. Napapa sa ere sila sa tuwing nag sstunt sila kaya nagka interest akong panourin na lamang sila kaysa magbilang kung ilang sasakyan na ang dumaan. Nahagip ng aking mata ang isang lalaking nakasakay sa kanyang skate pero may hawak siyang videocam, more like nakatayo lang siya sa ibabaw ng kanyang skate habang ang camera ay nakatutok sa aking direksyon.
Seriously? What he's up to?
I arched a brow habang nakatingin sa kanyang ginagawa. I don't wanna assume na ako ang kanyang kinukuhanan pero it can't be help! Nakangisi siya habang tinitingnan ang camera pagkatapos ay tiningnan niya ako sabay kindat then he smirked. The hell with this guy?
Hindi ako nakipagtalo sa kanyang ngisi kaya't humalukipkip ako habang patuloy na tinitingnan ang camera. Just after I did that, he stood up and did some stunt. Really? Kung hindi lang ako medyo assumera, iisipin kong nagpapakitang gilas ito sakin. The fuck?
I was busy watching them from afar nung may pamilyar na kotse na pumarada sa aking tapat. Thank goodness at nakarating na rin si manong. Wala na akong hinintay pa at sumakay na ako sa likuran, pero hindi nakatakas sa aking pananaw ang isang lalaking nakakaway sa akin mula sa kabilang dako ng kalsada sabay kindat. Okay?
Pagkarakting namin sa bahay ay dumiretso na ako sa aking silid dahil pagod akong naghintay kay manong. Nasa gitna ako nang pagbibihis nung may nag text sa kin. Isa itong unregistered number.
From: 09+
I hope you got home safe :).
Kumunot ang aking noo habang binabasa ang mensahe sa hindi kilalang numero. I replied immediately.
To: 09+
Who's this?
Hindi umabot ng tatlong segundo nung tumunog ulit ang aking cellphone. Tiningnan ko ito at ang bilis naman yata magreply nitong taong to.
From: 09+
Am I that easy to forget Vanice?
Wala akong ideya kung sino ang taong ito. Pero sa kabilang bahagi naman ng aking pagiisip ay nararamdaman kong ito yung lalaki kanina na kumindat sa 'kin. Pero how would he knew my name naman? Impossible naman kung siya iyon. Sa halip na problemahin ko kung sino ang kumag na ito pinabayaan ko nalang.
Maaga akong nagising at patungo na ako ngayon sa aming paaralan. First week pa lang ng klase at hindi ko dapat kinacareer ang pagpunta dito araw-araw pero wala din naman kasi akong gagawin sa bahay, so might as well na pumasok na lamang ako.
Pagkapasok ko sa entrance ng aming paaralan ay may nakasabay pa akong naglakad at nauna naman yung lalaking magswipe ng kanyang ID at nakita ko doon sa monitor sa harap na ito pala yung lalaki kahapon! So he's a student here?
Von Travis Ugarte
Bachelor of Science in Business ManagementHmm BA pala huh? I just hope na hindi kami magkablock at hinding hindi ko feel ang hangin ng lalaking ito. Pagkapasok ko sa aking silid ay sobrang tahimik naman ng mga estudyante kahit na madami namang estudyanteng pumasok. Lahat sila ay may ginagawa sa kani-kanilang cellphones, what's wrong with these fellas? Kinalabit ako ng aking katabi na si Maya, since highschool classmate na kami nito pero hindi naman kami masyadong close. Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay na nagtatanong.
"Haven't you heard the news? May bago daw na student dito. And guess what? Sobrang hot bes!" Pahayag ni Maya na parang binudburan ng asin na bulate. Okay?
I gave her a bored look. "Is that so?"
"Arte naman nito! Tingnan mo oh! Nakakalat na sa portal ng school website natin! He is spotted kanina sa entrance ng school! I wonder kung anong block siya mygosh!" at pinakita niya sakin ang larawan ng isang lalaking nakasabay ko sa entrance ng school kanina! Kaya pala he doesn't look familiar, he's new in here."Ah, Von Travis ba name nyan?" Walang gana kong tanong. What's so hot about this guy ba at parang praning naman itong si Maya kung kiligin. Nilingon ko na rin ang iba ko pang mga kaklase at nakita kong pareho sila ng reaction ni Maya habang nakatingin sa kani-kanilang cellphone.
"Oh my gosh girl! Kilala mo siya?!" Napalakas naman ang sigaw ni Maya kung bakit all eyes on me na ngayon ang peg!
"Tumahimik ka nga! Nakasabay ko lang kanina yan sa entrance. Kaya pala hindi familiar."At laking pasalamat ko naman na dumating na aming professor at tumigil na sa kakadaldal si Maya. Milagro yatang may pumasok na prof eh first week pa naman ng pasokan. Tumayo kaming lahat para batiin ang aming professor na tantya ko ay nasa mid-40's na ito. Nakasout ito ng eyeglasses at halata sa itsura niya na isan siyang terror na guro.
"Good morning class, I am Professor Lily Ugarte. I will be your professor in Law class. Alam ko namang hindi niyo ineexpect na may papasok na guro dito dahil first week pa lang naman pero 'wag niyo akong itulad sa iba" Nakataas na kilay na pahayag ni Prof. Ugarte habang iniisa isa niya kaming tinitingnan sa likod ng kanyang eyeglasses.
"For now, ibibigay ko muna kung anong libro ang gagamitin natin sa klase na ito. And I require you all na dapat ay meron kayo nito. Bawal ang manghiram. Gagamitin na natin iyan next week. Understand?"
Sabay sabay naman kaming sumang ayon kay Prof. Ugarte at lumabas na rin kami dahil pinahintulutan naman niya kaming umalis na.
"Vanice, uwi ka na?" Si Maya.
"Siguro. Bakit?"
"Gala muna tayo, ang aga pang umuwi oh!" Pagyayaya naman ni Maya
What made her think na sasama ako sa kanya? Hindi naman kami masyadong close nito. And tama naman siya, maaga pang umuwi at sa huli ay pumayag naman ako na sumama sa kanya.Nandito kami ngayon sa isang salon at nagpagupit lang naman si Maya. Naisipan kong magpakulay kaya ako ng buhok? Parang ang plain lang kasi ng black. Tumayo ako at lumapit doon sa counter na magpapa dye ako ng buhok. Pinaupo naman ako sa isang stool nila doon at pinapili kung anong kulay ang gusto ko. Ang granny hair ang tinuro ko sa stylist para naman maiba.
Magkatabi kami ni Maya ngayon at nakita kong palagi siyang tumitingin sa repleksyon ko sa salamin.
"What's wrong Maya?" I asked her nung di ko na mapigilan ang kakasulyap niya sakin.
"Nothing. Masaya lang ako na friends na tayo ngayon" Nakangiting pahayag ni Maya sakin.
"Aren't we friends before?" I asked her with an arched brow. Naalala ko naman nong highschool pa kami na hindi naman kami naguusap na dalawa. Kapag napang abot naman kami sa hallway simpleng tango lang naman ang ginagawa namin. Oo nga noh? Napangiti naman ako sa inisip.
"Mukhang naalala mo naman na hanggang tango lang tayo noon. But really, gusto ko talaga na maging kaibigan tayo. So? Friends is it?" Naglahad naman ng kamay si Maya at tinanggap ko iyon ng walang pag aanlinlangan.
"Friends" Nakangiti kong tugon sa kanya.Nung natapos na kami at palabas na ng salon, biglang napahinto si Maya at parang nakakita ng multo. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong kapapasok lang ni Von na may kasamang babae at nakahawak naman ito sa bewang nung babae. So she has a girlfriend huh?
"Girlfriend niya ba yun? Kapal naman ng make up!" Mahinang tugon ni Maya.
Lumingon sa direksyon namin ni Maya si Von at sakto namang nagkatinginan kami. Before I looked away, I saw him winked at me.
"Oh my gosh! Ano yun Vanice?" Di mapigilan na tili ni Maya kaya naman dali dali ko siyang hinila palabas ng salon.Tusukin ko yung mata ng Von na yun eh! May kasama na ngang girlfriend nakuha pang kumindat! Urghhhhh!

BINABASA MO ANG
SK8ER BOI
Teen FictionPaano ka magiging masaya para sa happy ending ng iyong pinakamamahal kung ikaw mismo hindi kaya maging masaya para sa sarili? Will happiness for them find a way to your heart? Or will you be forever regretful? "We are in love, haven't you heard? Ho...