Chapter 3

6 0 0
                                    

Its been a month at ganon lang lagi ang ginagawa ko. Papasok sa room at hahanapin ng mga mata ko ang gwapong mukha ni Ash. Hindi lang pala pagka crush ang nararamdaman ko sa kanya. MAHAL KO na nga talaga siya. Actually, nalaman ko na magkakilala pala si Mommy at ang Mommy ni Ash. Pero hindi ko pa siya nameet.

Andito ako sa garden ng school at nagpapahangin. Ako lang mag-isa ngayon kase hindi pumasok si Angel, may sakit daw.

I was busy looking around the garden ng mapansin ko si Ash na naglalakad palabas ng school. Saan kaya siya pupunta.

"Riiiiing.. riiiiing.. riiiiing.." sino naman kaya itong natawag sakin. Kinuha ko sa bulsa ng palda ko yung cellphone ko. Pagtingin ko sa screen si Daddy pala yung tumatawag. Sinagot ko naman ito.

"Yes Dad?" Tanong ko agad.

"Umuwi ka na muna dito anak, at may pupuntahan tayo. Pinasundo na kita kay Mang Ben." Sagot ni Daddy sa kabilang line.

"Okay Dad. See you later. I love you" binaba ko na ang tawag at naglakad na palabas. Nakita ko naman si Mang Ben. Tumingin din naman ito sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. At nagdrive na siya.

Pagdating namin sa bahay, bumaba agad ako ng sasakyan at dumiretso sa loob. Nakita ko naman sila Daddy sa sala at mukhang bihis na bihis.

"Nicole, magbihis ka na at may pupuntahan tayo. Wear something formal." Seryosong sabi ni daddy. Sinunod ko nalnlang siya at umakyat na sa taas. Ano bang nangyayari?

Nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng isang floral dress at nag apply ng light make-up. At bumaba na ako.

"Halina kayo, baka kanina pa sila naghihintay" sabi ni daddy, at nauna pang lumabas.

"Mom, saan po tayo pupunta?" Hindi ako sinagot ni Mommy, instead she just hold my hand.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan, walang ni isang nagsasalita. Akmang magtatanong na ako kay daddy ng bigla namang tumigil ang sasakyan sa isang restaurant.

Bumaba na kami, at dumiretso sa loob. Medyo nahuli ako ng lakad. Nakita ko sila na papalapit sa isang table na may nakaupong dalawang tao na kasing age lang nila Mommy.

"Sorry we're late." Paghingi ni daddy na paumanhin.

"Its okay. Kararating lang din namin." Sagot ng lalaki.

"Kumusta ka na Colleen?" Tanong nung babae.

"Ito okay lang." Sagot naman ni Mommy at ngumiti. Napatingin naman sa akin yung babae.

"Ito na ba si Nicole? She's beautiful just like you Colleen." Nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon.

"Ah. Good Evening po" bati ko sa kanila.

"Good Evening din sayo iha. Please, lets have a seat." Pagimbita niya.

"By the way I'm Marga Ferrer and this is my husband George Ferrer. You can call us Tita/Tito."

"Nice meeting you po Tita/Tito. I'm Nicole Jade Alvarez." I smiled at them. And they smiled back.

"Hintayin lang natin saglit yung anak ko. On the way na daw siya" sabi naman ni tita.

"No problem po tita." Sabi ko naman kay tita. Ngayon ko lang napansin na naka-order na pala sila.

"Mom/Dad, Tita/Tito excuse me, punta lang po akong comfort room." Pagpapa-alam ko. Tumayo na ako at pumuntang C.R

A moment later pabalik na ako sa table namin ng may mapansin akong lalaki na nakaupo na sa table namin. Hindi ko makita ang mukha niya kase nakatalikod siya sa akin. I suddenly felt butterflies in my stomach.

I walked towards our table. Nagulat ako nung malaman ko kung sino yung lalaking nakatalikod. It is no other than...

"Ashton Grey Ferrer?"

------------------------------------------------------

To be continued..

365 DAYSWhere stories live. Discover now