Riel's P.O.V
"Riel gising na!" Sabi ni Mama nag taklob naman ako pero tinangal nya rin "Eomma!" Sigaw ko "Tumayo ka na!" Sigaw ni Mama Korean yan tas piningot pa yung tenga ko para magising daw ako "Eomma!" Sigaw ko habang umupo "Maligo ka na tas bumaba ka para kumain!" Sigaw ni Mama Korean uli tapos lumabas na ng kwarto ko syempre ayoko mapingot uli kaya naligo na ako.....30 minutes na ang nakalipas lumabas na ako sa C.R. syempre nakapag bihis na rin ako at nakapag ayos akala nyo ligo pa lang noh?! Di ah dun na rin ako nag aayos. Bumaba na ko sa tas pumunta sa kitchen nakita ko si Oppa at Appa na kumakain si Eomma naglilinis ng pinaglutuan "Eomma! Tulungan na kita!" Sabi ko "Hindi sumabay ka na dyan sa Kuya mo at sa Tatay mo." Sabi naman nya "Geh ikaw may sabi eh." Sabi ko at umupo na ako sa tabi ni Oppa. "Kamusta school nyo kahapon?" Tanong ni Appa in korean nag tinginan kami ni Oppa "umm Ok lang." Sabi namin sabay again in Korean kung iniisip nyo bakit kami palagi nagsasalita in korean ganun kami magusap kahit sa bahay kasu yun ang nakasanayan namin.
"Eh bakit may pasa pasa yang kuya mo?" Tanong ulit ni Appa di ko na kailangan siguro sabihin noh? Kakasabi ko lang sa bahay korean kami mag usap. "Ahh bumanga po ako sa poste." Sabi ni Oppa "nako alam ko na yang palusot na yan." Sabi nya nako Oppa ganda ng palusot mo ah isip Riel isip. Ahh alam ko na! "Meron po kasing nagaaway sa school. Eh sa sobrang bait ni Oppa pinigilan nya mag away yung dalawa nga lang nasapak naman sya." Sabi ko kay Appa. Tuwing may nang bubully saamin ayaw namin sabihin kay Appa o kaya kay Eomma kasi susugod yang mga yan at maslalo kaming bubully ng mga yan. Kung iniisip nyo na pano nyo naman nasabi kung di nyo pa ginagawa? FYI nagawa na po namin yun nung Grade 2 ako nabully ako mas lalo lang ako binully kasi ba naman sugod agad ng sugod magulang namin. Pero kaya sila ganyan kasi mahal nila kami "Kaya mana ka sakin eh." Sabi Appa umiling na lang si Eomma dahil natatawa sya sa sinabi ni Appa. *ding dong* *ding dong* narinig namin yung doorbell "ako na po sasagot." Sabi ko sa kanila tumayo ako at lumakad sa pintuan
"Magandang umaga po andyan po ba si Jacob?" Sabi nung lalaki "Opo andito po sya pero sino sila?" Tanong ko syempre tagalog na yan alangan naman ikorean ko pa ang nagtatagalog "Ako po si Lucas bestfriend ko po si Jacob." Sabi nya at nag nod ako "Oppa!! Andito kaibigan mo!" Sigaw ko korean ulit yun tuloy nagtaka si Lucas "Ok papunta na ako dyan!" Sigaw nya Korean ulit. Putek yung mukha ni Lucas hahaha. "Oh Lucas bat ang aga mo?" Tanong ni Oppa tas umakbay sakin Oppa pag tayo pinagkamalan na magsyota nakuu! Pipingutin kita. "Girlfriend mo?" Tanong ni Lucas piningot ko si Kuya sa tenga "Aray!" Sigaw nya "Ikaw kasi paakbay akbay ka pa!" Sigaw ko in Korean para di nya malaman na nagagalit ako sa kanya "Ano nga pala ginagawa mo dito?" Tanong ni Kuya "Baliw araw araw tayong nagsasabay pumasok!" Sigaw ni Lucas kaya natawa ako. Piningot naman ni Kuya tenga ko "Aray masakit!!" Sigaw ko "Hoy bago pa kayo magbugbugan ng Kuya mo pumasok na kayo sa school." Sabi ni Eomma course in korean tuloy si Lucas ang gara ng itsura. Tumakbo ako sa sala para kunin ang bag ko "oh yung bag ko di mo kukunin?" Tanong ni Kuya syempre Korean uli
"Para saan pa yang paa mo kung di mo gagamitin?" Tanong ko korean din. Basta pag sila Kuya kausap ko o kaya sila Eomma at Appa korean kahit na ba may kasamang nagtatagalog. Naglakad si Kuya papuntang sala nagstostomp nga sya eh kasi sobrang tamad. "Bye Eomma Bye Appa!" Sigaw namin ni kuya sabay pa yun ah "Jinx!" Sabay namin sinabi "Jinx again!" Sabi ko "Magsasalita pa rin ako." Sabi nya "Ang unfair mo noh?" Sabi ko pagkatapos nun naglakad na kami papuntang school actually na oop nga ako eh kasi si Kuya tsaka si Lucas lang ang magkausap kaya di ko alam ang sasabihin "Riel!" Narinig ko sigaw ni Nikki naku napakalas ng sigaw nun baka abot america pa tumakbo ako papunta sa pintuan ng School "Yeah?" Tanong ko. "Alam mo ba na ikaw ang topic ng buong school?" Tanong nya "Hay nako. Bakit? Kasi nakipag+away ako?" Tanong ko "Hindi. Kasi daw ikaw pa lang ang unang nakipag sagutan kay Leigh. Ni isang tao ayaw lumapit dun eh." Sabi nya "Pano ba naman sya lalapitan eh parang mangangagat." Sabi ko "Ay grabe sya." Sabi nya edi nag peace sign na lang ako habang nakangiti. "Aray!" Sigaw ko. Meron kasing tumulak sakin edi nahulog ako sa sahig. Ako naman kasi eh pa fall. Pero sino yun?
To Be Continued
YOU ARE READING
My Romantic Bully
Teen Fictionmay babae na lumipat sa school akala nya matatahimik na ang buhay nya. may nakilala syang isang tropa. ano kaya mangyayari maiinlove ba sya leader nung tropa o will he always be a bully?