Chapter 8

12 1 10
                                    

Riel's P.O.V

Ano ba naman yan?! Kasi naman tong Leigh na to kala nya kasi! Di purkit pogi sya magkakagusto ako sa kanya!

Di purkit pogi sya...

Downloading...

1%...

50%...

98%...

Installing...

Downloaded!

Ano?! Tinawag kong pogi si Leigh dolphin?! May nainom ata ako eh. "Ms. Park puwede ka ng umuwi." Sabi nung Teacher "Ahh Thank you ma'am." Sabi ko at umalis na. Lagot ako kay Oppa ngaun.

Pagka-uwi ko nakita ko si Kuya palakad lakad back and forth. Kuya nakakahilo ah! Ano ba problema ng lalaking toh?

"Ano problema mo ba't palakad lakad ka? Nakakahilo tumigil ka!" Sabi ko "Family meeting." Sabi nya sa akin at seryosng seryoso sya kaya naman umupo ako. Sila Mama nakita ko pumasok sa bahay.

Ba't andito toh? Di naman sa pinapalayas ko sila pero mamaya pa uwi nila ah. Naku itong kuya ko talaga pina uwi sila mama para lang sa isang maliit na balita. "Anak ano yun?" Tanong ni Mama "Eomma. Appa. Upo po kayo." Sabi niya sa kanila at umupo naman ang aking magulang hehe "Ikaw rin Riel." Sabi kuya at napa upo na lang ako. Medyo kinakabahan ako dito ah. Parang di maganda ang kutob ko. "Ma. Pa. Riel. Nakabuntis ako." Sabi ni Kuya "Ano?!" Tanong ni Mama at Papa

Nakabuntis ako...

Processing....

Loading...

Teka mabagal wifi beh

99.9%...

Loaded!

Kooking ina naman kuya! Ang landi talaga ng mokong na toh. Alam ko kuya ko sya dapat di ko sya tinatawag na malandi pero biruan lang namin yun pero ngayon. Aba tinotoo. Ay yes! May pustahan nga pala kami! Ang unang maka pag asawa ay makukuha ang Xbox hehe. Kala nyo di ako nag eXbox ako di purkit babae ako tsk naku! "So kuya akin na yung Xbox mo?!" Tanong ko binatukan naman ako ni Kuya "Yun talaga ang inisip mo?" Tanong ni Mama "Bakit ba ma? Mabait naman si Oppa ah kaya nya na ang sarili nya." Sabi ko "Sabagay tama naman si Riel. Ang tanong. Sino ang nabuntis mo?" Tanong ni Appa

"Si Kriselle po." Sabi ni Kuya. Oh my ghad! Si Kriselle?! No! Iniisip nyo kung bakit? Kasi si Kriselle masungit yan sa akin pero pagnasa harap nila mama mukhang anghel kaya masarap sapakin. Pero ang naisip ko. Nag ano sila ni Kuya? "Kuya nag ano kayo?" Tanong ko "Anong nag ano?" Tanong naman nya "Malamang nag ano." Sabi ko binigyan nya lang ako ng hindi ko nga alam look ahh di nya nga alam kaya umiling na lang ako.  Pero di talaga ako makakapayag na si Kriselle ang magiging step sister ko. Sorry di ko alam tawag dun bes. Basta tutol ako! Pero ano naman magagawa ko? Di naman ako susundin ng mokong na yun. "Riel." Sabi ni Kuya napatingin na lang ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko "Ok ka lang ba?" Tanong naman nya. GAGO HINDI! Ay sorry napamura ako "Ahh oo naman ok lang ako." Sabi ko. iniisip nyo kung bakit ako nagsinungaling? Malamang kasi pag sinabi ko na hindi ako ok malamang di matatahimik yun. Hayy. "Ma ako rin pala may bad news." Sabi ko napatingin naman sila sa akin "Buntis ka?!" Tanong ni Kuya. Ito talaga masasapak ko na tong Jacob na toh eh! Nabatukan sya ni Mama. Buti nga sayo.

"Ano yun anak?" Tanong ni Papa " Na detention po ako ng tatlong araw." Sabi ko "Bakit?" Tanong ni Mama "Kasi po ano... Ano po kasi...Uhh...Nakita po nila ako sa Hallway sa oras ng klase eh wala po akong Hall Pass." Sabi ko buti na lang nakaisio ako ng palusot. Syempre ayoko sabihin yung totoo baka bugbugin pa ni Papa si Leigh the Dolphin. Pagkatapos ko sabihin yun umakyat na ako sa kwarto ko. Nakakainis! Bakit kasi ginawa nila yun?! Ang gago kasi ng kuya ko eh!

Di ako papasok dahil ayokong pumasok.

NEXT MORNING

"RIEL! LATE KA NA!" Sigaw ni Kuya sa likod ng pinto. Naka lock kasi. " DI AKO PAPASOK!" Sigaw ko pabalik "BAHALA KA!" Sigaw nya at umalis na siguro. Napapaisip pa rin talaga ako bakit nya ginawa yun kay Kriselle? Ba't di sila gumamit ng condom? Ganun nya ba kamahal si Kriselle? Pero bakit sya nakipag break? Ano toh? Gaguhan? Ay ba't ba ako nagmumura? Shh Riel stop swearing.

Pumasok ako sa C.R para maligo at mag ayos. Pagkatapos ng 30 minutos ay lumabas na ako. Naka T-shirt ako na BTS at naka Skinny jeans na black tas naka cap ako na black. Lalabas ako para medyo makalimut naman ako. Lumabas ako ng bahay at nilock ang pinto kasi walang tao kaya syempre lolock ko yan di ako bobo baka manakawan pa kami. Pumunta ako sa park haha park lol. Naglakad ako sa swing at nag swing malamang. Makapag isip isip rin di ko na kasi keri eh. Si Kuya magkaka anak na. Adult na sya. Oo alam ko andyan pa sila Mama at di naman mawawala si Kuya pero sya ang pinaka close ko sa pamilya.

Nagiging OA ka lang Riel.

OA ka lang. Kaya mo naman mabuhay ng wala Kuya mo. Magdadalaga ka na! For f sake naman Riel! Umayos ka!

Umayos ka...

Umayos ka...

Pinaulit ulit ko pero walang nangyari pero bakit ganto ang effect. Wait. Na iinlove ba ako sa sarili kong kuya? Eww. Hindi hindi pede. "Riel." May kumalabit sa amin "Ay kami na ni Leigh." Sabi ko malamang nagulat ako

Kami na ni Leigh...

Gagi hindi!

"Kayo na ni Leigh?!" Sabi nung kumalabit sa akin nakita ko si Kuya. Putek. "Huh? Ahh ehh." Sabi ko "P***** *** Kayo na nga?! Di ako makapaniwala! Binugbog nya ako tas makikipagtuluyan ka sa kanya?! Anong sakit mo?!" Sigaw nya "Hindi Kami! Nagulay lang ako!" Sabi ko "Pero sya ang iniisip mo?!" Tanong nya nanaman "Hinid! Ikaw ang iniisip ko! Ayoko ko pang mag asawa ka! Ayoko pa maging Tita! Hindi pa ako handa! Mawawala ka na sa bahay! Titira ka kasama ng pamilya mo! Hindi pa ako ready!" Sigaw ko buti nawala na yun lahat sa dibdib ko.

"Huh? Sino ba nagsabi na mag aasawa na ako? Oo magkaka anak ako pero di ako aalis ng bahay. Tutulungan ko lang siya. Kasi may boyfriend sya. Sya ang tatayong ama ng bata hindi ako. Pinag usapan na namin yun. Tutulong lang ako dahil responsibilidad ko yun dahil anak ko yun." Sabi nya. Ayun naman pala eh! Niyakap ako ni Kuya at hinimas ang likod ko dahil umiiyak ako nung oras na yun. Ganun pala talaga kapag mahal mo kuya mo. Ayaw mo syang mawala sa buhay mo. "Sige na aalis na ako free time lang kaya napapunta ako dito." Sabi nya at umalis na.

Ikaw kasi ang OA mo kasi Riel.

Napatingin ako sa paligid ko at meron nakakuha ng paningin ko. Nakita ko si Nikki naka uniform sya so galing sya ng school. May kasama syang lalaki yung palagi nyang kasama at di pinapakilala sa amin. Sino kaya yun? Lumapit ako sa kanila pero nagtago ako sa likod ng puno malapit sa kanila.

"Kailan mo ako papakilala sa mga kaibigan mo?" Tanong nung lalaki "Sa Tamang panahon." Sabi ni Nikki gagi "Tara na baka malate pa tayo." Sabi nung lalaki at tumayo na sila at nag holding hands pa.

Sa Tamang Panahon...

Kelan yun?

                 TO BE CONTINUED

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi po!! Pls nmn po vote or comment pls lng po. i need u girl wae? Hehehe pero pls po tapos pag umabot po tayo ng 500 read gagawa ako ng gc haha para magkakilala tayong lahat lol bye bebe paalala walang poreber

My Romantic BullyWhere stories live. Discover now