Chapter 5

23 3 5
                                    

Leigh's P.O.V

Hayy! School! Why?! Then i have to see her! Kahit na bago sya! Nakakabad trip arrgghh! Mas matanda man Kuya nya ang sarap pa rin bugbugin akala kasi ng kapatid nya wala syang ginawa sakin! Meron kaya! Pero di ko na sasabihin past is past pero di ko palalagpasin yun. "Uy pre!" Sigaw ni Zach "Ano?!" Tanong ko "Tara! Free Time na!" Sabi nya kaya tumayo na ako. Sa Free time kahit ano gusto mo gawin puwede Mag phone, Mag practice, Gumawa ng project kahit ano. "Bro dun tayo sa court." Sabi ni Alex ayun naglakad kami papunta sa court "Ayy S*** pre yung phone ko!" Sigaw ko "Pre nasa classroom yun! Ikaw kasi ginagamit mo eh!" Sabi ni Draco "Di ako na may kasalanan. Sige na mauna na Kayo!" Sabi ko. Sila dumeretsyo sa court ako bumalik sa classroom. Nakita ko phone ko sa classroom buti walang nakakuha, Naisip ko na di muna ako pupunta sa court dun muna ako sa canteen. Pagkadating ko bumili ako ng ice cream. Galing noh? Ice cream haha. Meron akong nakita na babae sa isang table sa taas naisipan kong bilan sya ng ice cream parang malungkot kasi sya eh. "Ate isa pong chocolate tas isa pong strawberry." Sabi ko, "Salamat po." Akala nyo di ako magalang noh?! Umakyat ako at pinuntahan kung saan sya naka upo.

Riel's P.O.V

Asan kaya yung dalawa? Kanina pa ako naka upo dito eh di sila dumadating. "Hi miss. Umm ito oh ice cream." May nagsabi kaya napatingin ako. Takte naman oh si Leigh pa! Kinuha ko yung ice cream kasi malay mo peace offering pala. Umupo sya dun sa tabi ko "Umm Riel sorry sa nangyari ahh." Sabi nya "Ok lang palagpasin mo na yun." Sabi ko. Nag usap kami matagal tagal sya ha. "Uy pre andito ka lang pala!" Sigaw nung kaibigan nya. "Bat kasama mo sya?" Tanong ulit nya parang nangdidiri "Kasi may gusto akong gawin." Sabi ni Leigh tas naka smirk kaya nagtaka ako "Ano y-?" Sabi ko pero napigilan ako kasi tinulak ni Leigh yung ice cream sa mukha ko "T****** ka Leigh! Akala ko ok na tayo!" Sabi ko tas tuamyo na ako, Arghh!! Yung uniform ko!! Bwiset ka Leigh! "Riel so- Ano nangyari sayo?!" Tanong ni Nikki pero hindi ako sumagot nag tuloy tuloy lang ako pero sumunod din sila pumunta ako ng cr nag linis ako dun ng uniform. "Ano nangyari teh?" Tanong ni Tanner "Leigh happend." Sabi ko "Teh Nabully ka?!" Tanong ni Nikki "Hindi Teh. Tanga lang ako. Akala ko ba naman nag bibigay ng peace offering dahil binigyan ako ng ice cream yun pala ipaprank lang ako! Humanda sya sakin papakainin ko sya ng revenge! Naku!! Yung dolphin talaga na yun!" Sabi ko "Bakit Dolphin di naman sya mukhang dolphin ah. Pogi nga sya eh." Sabi ni Tanner. Napatingin kami sa kanya ng 'What The F***' look "Wala akong crush sa kanya!" Dag dag ni Tanner tumingin kami sa kanya at nakataas isa kong kilay "Ok medyo meron akonh crush" Sabi nya ganun pa rin ang tingin ko sa kanya "Oh sige na may crush ako sa kanya nun! Pero ngayon wala na kasi nalaman ko ang ginagawa niya sa kaibigan ko!" Sigaw nya pero tumawa na lang kami "Yan ang nagustuhan ko sayo Riel eh. Pag may problema ka makakalimutan mo tas tatawa ka na lang." Sabi ni Nikki nag smile na lang ako. Oo naiinis pa rin ako kay Mr. Dolphin pero pag may kaibigan ka na ganito mawawala lungkot mo or stress.

Di pa masyado nalinis yung blouse ko kasi. Bro. Strawberry yung ice cream eh. Hayaan mo na nga tatakpan ko na lang ng neck tie ko di ko kasi sinosoot pag kumakain or kakain kasi baka madumihan eh isa lang ganun ko. Tinignan ko yung back pack ko kung nandun yung neck tie ko. Tang na Strawberry wala dito! Ayy nasa locker ko siguro. "Guys tara na kukunin ko neck tie ko sa locker ko." Sabi ko tumango na lang sila. Lumabas na kami ng cr at pumunta na ako sa locker ko '9944' ininsert ko password ko binuksan ko at nakita ko yung neck tie ko. Buti na lang. Nilagay ko yung neck tie ko at sinarado ko yung locker ko. "Boom!" Sigaw ko "Ay ginawa ka ng magulang mo!" Sigaw ni Nikki haha magugatin. "Syempre. Tanga ka ba? Malamang gawa ako ng magulang ko." Sabi ko "Ikaw yung tanga gawa tayo ni god." Sabi ni Nikki "Sabi ko nga eh." Sabi ko "Bat ka ba sumigaw?" Tanong ni Tanner "Kasi naka isip na ako ng revenge kay Leigh." Sabi ko "Ano yun?" Tanong naman ni Nikki "Basta! Samahan nyo na lang ako at tulungan nyo ko gawin yun." Sabi ko at tumango na lang sila at bumalik na kami sa classroom kasi tapos na yung Free time.

After 5 hours

Salamat lord! Tapos na rin! Sasabog na ulo ko! Hay naku! Lumabas na kami ng school akala nila uuwi na ako kasi sa ibang daan sila pumunta pero napansin nila agad ang galing. Pupunta kasi ako sa supermarket para mabili ko ang ingredients para sa prank ko kay Mr. Dolphin. Pumasok ako sa supermarket at kumuha ako ng basket pumunta ako sa baking lane kumuha ako ng box nakalagay cake mix RED VELVET,eggs, whipped cream pagkatapos pumunta na ako ng counter tas nagbayad may ketchup naman sa bahay eh tsaka mustard. Pagka bayad ko umuwi na ako kasama ko pa rin yung dalawa akala ko umalis na. "Riel magbabake ka? Paano yun revenge?" Tanon ni Tanner pero di ko sinagot kasi malalaman nya rin. Nasa bahay na kami kaya binuksan ko na yung pintuan "Wala si Eomma at si Appa pero si Oppa andito na." Sabi ko sa kanila at tumango sila "Oppa andito na ako kasama ko mga kaibigan ko!" Sigaw ko (Korean) " dangsin-ui hangsang hwan-yeonghabnida." (Your always welcome) sabi ni kuya "Kamsahamnida!" Sigaw ni Nikki kpop fan nga pala to "Tara gawin na natin." Sabi ko at tumango sila pumunta kami ng kitchen kumuha ako ng bowl at nilagay dun yung cake mix at egg tas pinag halo ko sila. Yung dalawa ni ready yung cupcake molds at oven. Nilagay ko yung mix sa mold pagkatapos sa oven. "Ano ba kasi gagawin mo?" Tanong ni Tanner " *sigh* Pagkabake nyan lalagyan ko ng ketchup yung loob tas lalagyan ko ng icing para di mahalata." Sabi ko tumango na lang sila. Nung natapos yung cupcake pinalamig ko muna tsaka ko ginagawa ang gusto ko gawin lima lang ang ginagawa ko ng ganun the rest di na para saamin na yun. Yung dalawa nga lumalamon na eh. Nilagyan ko ng ketchup filling yung loob tas icing inulit ko 5 times. Walah! Tapos! Nilagay ko sa container at yun na. Nilagay ko sa ref at yung dalawa umalis na. Humanda ka Leigh Gonzalez! Your Lesson is here! Be ready for it!

                  To Be Continued
~~~~~~~~~~
1186 Words sana nagustuhan nyo. Kung sino nga pala maka hula kung bakit 9944 ang pass ni Riel ilalagay ko sa story ko
Lab you all💜💜

My Romantic BullyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang