Chapter 12: Flashback

22 2 0
                                    

Jen's POV

Golden Palace?

Alam ko to, ito yung isa sa mga dinesign ni papa
Dito rin nakatira dati si Kim, namiss ko na bestfriend ko! Huhuhuhu

Di ko pala siya nasabihan about sa accident na nangyari sakin, yes tama kayo consistent pa din ang communication naming dalawa, kaso nitong mga nakaraan di na masyado, kasi naman stress na stress na ko sa buhay

Buti na lang talaga di ko nakalimutan si Kim, kundi babalik yun dito ng wala sa oras, baka masabunutan pa ko nun..

Nandito na ko sa loob ng condominium, wow ganda pa din talaga dito, naalala ko dati madalas ako dito, halos tumira na nga ko dito e..

Tumira? Ako tumira dito? Impossible, unang una di ko afford to, shit sumasakit nanaman yung ulo ko.. na parang may gustong alalahanin

Hanggang sa dinala na lang ako ng paa ko sa isang unit, ito yung unit ni sir Gino..

Nandito na kaya siya?
Nagdoorbell ako

Gino's POV

shet nandun na kaya siya??

Late na ko, baka nandun na siya di manlang ako nakapaghanda ng food

Bwisit kasi bakit ngayon pa nagkaroon ng emergency meeting ang boards ng GDM

mga abala naman sila..

Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at nagdrive papuntang golden palace

Sayang di ko manlang nakuha number ni Jen para matext ko manlang siya na pauwi na ko.

Jen's POV

after 5 times na doorbell

Haaaayy..wala ata si sir Gino??

Akala ko ba?

Baka busy siya?? Ay nako Jen abala ka talaga sa lahat ng tao

Napatingin naman ako sa buttons ng password

Hulaan ko kaya? Hahahaha

Imposible, di ko naman alam birthday ni sir Gino..kasi diba madalas na ginagawang password e yung birthday ng may ari?

Kaso baka iba din no?

Try ko kaya

Automatic na pinindot ko ang number na

14324

Ewan ko trip ko lang parang ang special kasi ng number na yun sakin

Password ko nga yung sa mga social media ko e

Sa cellphone ko din

Nung chineck ko kung naunlock ko ba..

Shet bingo!!!

Tumama siya!!

Coincidence ba? Omy nabuksan ko siya

Pumasok ako, teka tama ba tong ginagawa ko? Papasok na talaga ako?

Napatingin ako sa paligid,
.
.
.
.
.
.
.
Teka bakit ganito??

Bakit ako naluluha?

Bakit parang alam ko to?

Bakit parang nakapasok na ko dito?

Bawat sulok

Yung mga furniture

Sigurado ako..

Alam ko to..sumasakit na ang ulo pero pilit ko pa ding inalala kung kanino to..

Kay sir Gino to

Sino ba siya???

Naluluha nanaman ako

Napaupo na ko sa sahig sa sobrang sakit ng ulo ko

Diko alam kung bakit ako umiiyak?

Dahil ba sa sakit ng ulo?

Pero bakit parang mas angat yunh sakit sa puso

Ano bang nangyayari sayo Jen?

"Jenny??"

Isang pamilyar na boses ang biglang tumawag sakin

Nilingon ko siya

Nakatingin siya sakin

Lumapit siya at umupo sa tapat ko

Sobrang concern nanaman ng mukha niya

"Sino ka ba talaga?"

Automatic na naitanong ko

Parang nagulat ang mukaha niya pero bakas pa din ang pagaalala

"Aaaaaahh,ang saaakit"

"Jenny are you okaaayy??"

Napasigaw na ko sa sakit

Pero bakit sa puso ako nakahawak?

Bakit ang sakit ng puso ko?

Bakit ang sakit sakit na halos di ko na makaya?

"Jen are you okay?anong masakit sayo?"

Pilit nya kong tinayo at binuhat sa sofa

His face, bakit parang naiiyak na siya?

Bakit ba sobrang concern niya sakin?

Empleyado niya lang ako diba?

Ang gulo gulo na ng utak ko ang daming nagpaflashback..

There's a guy, blurred ang mukha niya..

Masaya kami..

Then suddenly umiiyak ako, tumakbo ako..iyak ako ng iyak..

Ano ba tong mga memories na to..

Ang sakit sakit na tama na po Lord

Papa help me
.
.
.
.
.
.
Until everything went blank


Passcode 14324 II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon