Chapter 9: Encounter

39 3 0
                                    

Jen POV

Ang daming nangyari ngayong araw..

Una

Nakipagbreak sakin si Kevin

Gusto ko siyang itext or tawagan..

Kaso ewan ko ba..parang nahihiya ako..

Tsaka ano bang sasabihin ko?

Na magbalikan kami ganern..

Bakit? Anong sasabihin kong dahilan? Dahil mahal ko siya? E kaso di ko din alam talaga..

Nandito ako sa labas ng hospital..

Walking distance lang to from the office..

Pero 5:00 na so uwian na din..

Di manlang ako nakapagwork

"Miss Jenny!"

Tawag ni sir Dave

Lumabas sila mula sa parking..

Siguro yun yung pinanghatid nila sakin sa ospital

"Miss Jenny uwi ka na ba?"

"Ah yes 5:00 na rin kasi e"

bumaba siya ng kotse at tinulak ako papasok...

Si sir Gino pala yung nasa driver seat..

Tapos sinara na ni Sir Dave yung pinto at naiwan siya sa labas..

" sir Dave pano ka?"

"Wag mo na kong tawaging sir Dave...parehas lang naman tayong empleyado ni Gino..haha..ako ba? May gagawin pa ko sa opisina..pahatid ka na kay Gino!"

"Ah okay na ko Dave kahit wag na!"

Bubuksan ko na sana yun pinto ng biglang nagsalita si sir Gino

"Ha-hatid na kita baka mamaya sumakit uli yung ulo mo, mahirap na"

"Ah..thank you sir"

At pinaandar na nga niya yung kotse..

Ewan ko pero nakakaramdam ako ngayon ng awkwardness

Ano ba to?

Sobrang tahimik..

Walang nagsasalita samin..

Nakakabingi yung katahimikan

Lord! Ano bang sasabihin ko???

"Ahmm."

"Ahmm."

"May sasabihin ka?"

"May sasabihin ka?"

Ano ba yan sabay pa kami..kaloka

"Ikaw muna sir! Haha"

"Doon ka pa rin ba nakatira?"

"Ha?alam mo na ba ang bahay ko?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko

At mukhang nagiisip siya ng isasagot..

"Ah haha..sorry..mali..I mean san pala ang bahay mo?"

"Ahh...hahaha..sa QC po, sa scout castor"

"Ah doon pa rin pala"

"Ano yon? Di ko narinig Sir?"

"Ah wala wala.."

Ang weird niya..kasi nakangiti lang siya sa buong biyahe..

Anyare?

Passcode 14324 II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon