Dahan-dahang iminulat ni Gwen ang mga mata. Gradually her vision adjusted enough to give her a shadowy view of curtained windows. Nang tuloyan na siyang maalimpungatan, ang tanging naalala niya ay kasama niya ang bagong asawa sa kanilang Honeymoon Luxury Suite.
Agad naman niyang tiningnan ang kanyang suot, she was still wearing her wedding dress.
Oh my! She was drunk on her wedding night and pass out on her groom. Nakakahiya naman kay...
"Kenny?" malumanay na pukaw niya sa tabing natutulog na asawa. "Darling?" She sat up and looked over his body. Tiningnan niya ang orasan, quarter to five pa lang ng umaga.
Bumaba na lamang siya sa kama at tumungo sa bathroom. Only after she had shut the bathroom door did she turn on the light
Grrr...ang sakit ng ulo niya. Ganito pala ang pakiramdam ng may hangover.
Tumingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Her beautiful dress was rumpled and dingy-looking. Medyo nagulo rin ang buhok niya, and her mascara was smeared under her eyes.
Makaligo na nga. Ibinaling na lamang niya ang paningin sa bathub na kasya talaga ang dalawang tao na maliligo. Kung hindi lang sana siya naglasing kagabi, sigurado siyang nagtampisaw na sila ngayon ni Kenny sa bathub.
"Pero waley na, Gwen. You drink too much and spoil everything." sabi niya sa sarili.
Hinubad na niya ang kanyang suot na wedding gown, stepped into the shower stall and turned on the water full force, hoping na mawawala ang pagkirot ng kanyang ulo kapag mabuhosan na ito ng malamig na tubig.
Matapos siyang maligo, she peeked out of the bathroom. Katamtaman lang din ang liwanag na nagmumula sa lampost sa labas na makikita niya ang tulog na asawa sa ibabaw ng kama. Pero teka lang..nasaan na kaya ang mga bagahe nila? Bakit pareho sila ni Kenny na walang gamit dito?
Nabaling naman ang kanyang atensyon sa kalahating hubad na asawa na nakumot lang, at ngayon ay nakatalikod sa kanya. Malaya niyang pinagmasdan ang malapad na balikat ng asawa at ang hubad na likuran nito. Kinikilig siya. Kung hindi lang sana siya nalasing..Naku! Ang harot mo talaga Gwen. Eh ano naman ngayon, mag-asawa na sila, which meant no secrets or shyness between them. Kaya lubos-lubosin na niyang pagmasdan ang kalahating hubad na katawan ng asawa.
Pero tatayo lang ba siya rito hanggang sa sumikat ang araw? Of course not. Kaya naisip niyang tabihan nalang muna ang tulog pa na asawa.
Siguro nalasing din ang kanyang asawa dahil hindi man lang ito nagising sa pagbaba niya sa kama at sa pagtabi niya ngayon. Hindi man lang kasi ito gumagalaw. At least, patas na sila. Walang sisisihin kung bakit walang naganap na first night.
Binalingan na naman niya ulit ang natutulog na asawa at nate-temp siyang hawakan ang malapad na mga balikat nito...At hinawakan nga niya ito. Ang tigas! She explored his ribs and waist, finding him lean and muscular without a trace of softness. Parang alaga ng gym ang katawan ni Kenny, ang alam kasi niya na hindi mahilig mag gym ang napangasawa.
"Ken?" pukaw ulit niya sa asawa. "Kenny, it's morning darling. Time to wake up."
But he remained exactly as he had been.
Anyway, sa napag-alaman rin niya sa napangasawa na hindi ito morning person, hindi gaya niya. Ano kaya kung mag jo-jogging nalang muna siya? Dadalhan nalang siguro niya ito ng mainit na kape. Siguro naman gising na ito sa kanyang pagbalik.
Sinubokan niyang gisingin ulit ito, this time umuungol na ito pero hindi pa rin ito nagpatinag.
"I love you, darling." bulong niya rito. "Sorry kung nalasing ako kagabi. Mababa lang kasi ang tolerance ko sa alcohol."
She ran her tongue over a hard ridge of muscle along his triceps. His skin had a faintly salty taste. He now shifted his position and pawed at his face. She kissed the side of his neck and his hair tickled her nose. He made a soft mmm sound, as she decided it meant approval.
"Are you playing a joke on me?" aniya tas hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at pilit niyang pinaharap ang asawa sa kanya. "Gumising ka na, darling." She delicately touched the center of his chest, resting her fingertips over his heart. She followed the cleft between his pectorals, up to the bony ridge of his clavicle, detoured in the intriguing muscle at the base of his throat and then to his chin. Then she found his lips supple and soft.
Nakapikit siyang hinalikan ang asawa sa mga labi nito. Tumugon naman sa kanya ang asawa kaya duda siyang gising na ito. "Aha! Gising ka na pala!" hinalikan niya ulit ang asawa at ninamnam ang erotikang sensasyon na nararamdaman niya sa mas lumalalim pang halikan nila.
Ipinulupot na ni Gwen ang mga kamay niya sa leeg ng asawa at mas hinapit pa siya nito papalapit sa hubad nitong katawan. Then his mouth turned hot against her neck, kissing her with wet lustiness, and she shivered.
"Bubuksan ko muna ang ilaw, darling." pero sa halip ay hinila siya ng kanyang asawa kung kaya't nasubsob siya sa malapad nitong dibdib.
Pilit naman siyang kumalas sa mga yakap nito, at nang maabotan niya ang lamp sa malapitan agad naman niya itong ini-on.
At sa kanyang paglingon sa kanyang asawa, imbis na mapang-akit na ngiti ang igagawad niya ay napalis ito. She realized instantly the situation was not right, unable to process what she saw.
Para namang nasisilawan ang lalaki pagkabukas niya sa ilaw ng lampshade.
Naaalala tuloy ni Gwen noong nagkamali siyang pumasok ng rest room. Sa halip kasi na ladies room ang papasukan niya, pumasok siya sa men's room. Later lang kasi niya na realized na men's room pala ang pinasukan niya nang makita niya ang urinals. Once na realized niya ito, talagang napahiya siya pero hindi gaya ng pagkapahiya niya ngayon. Lalo na't gulat na mukha ang mababakas niya sa mukha ni Russel Del Valle.
"Gwen? Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?"*****
BINABASA MO ANG
The Man Lying Next To Me (Completed)
RomanceWhat if the man lying next to you is not the man you married last night?