Dannica's POV
Tss. Nakakaloka naman. Late na ako. Hmp! Nakakainis kasi itong si Dylan. Napakabagal kumilos! Parang hindi lalaki. Palibhasa, 9:30 am pa ang first class niya, eh hello naman sa akin na 7:30 am ang klase, diba?
"Dylan! Bilisan mo naman!" Padabog ko pang kinatok ang pintuan ng Cr.
"Sandali lang!" Sagot niya mula sa loob. "Maaga pa." Dagdag pa niya
"Anong maaga? Alas-siete na, 7:30 ang first period ko!"
"Mabilis lang tayong makakarating sa school. Nakamotor naman tayo eh."
"Tsk! Bahala ka! Mauuna na ako." Mabilis kong dinampot ang bag ko at agad nang umalis sa bahay.
First day of class. Ayoko namang mauna pa yung prof ko sa akin. Personally, ayoko sa mga taong laging late kaya ayokong ako mismo ang magko-cause ng delay. Mas mabuti nang mas maaga kaysa naman late. Pumara na agad ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. Dalawang sakay kasi bago makarating sa School na pinapasukan ko, bale sasakay pa ako ng jeep bago makarating sa mismong school .
Si Dylan naman kasi! Nagastusan pa tuloy ako sa pamasahe. Instead na sasabay na lang ako sa motor niya, kailangan ko pa tuloy na mag-commute! Hindi nanghihinayang sa pera. Sabagay, sa kanya naman galing 'to eh.
"Ate Dannica!!" Napangiti agad ako nang salubungin ako ng mga barkada ko sa gate pa lang ng school.
"Uy!!" Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang niyakap. "Na-miss ko kayo!"
"Ikaw lang? Nasaan na si Dylan?" Agad kong pinandilatan si Ann. Baka kasi may makarinig sa kanya. Mapagkamalan pa siyang bastos. "Este, SIR Dylan pala."
"Nasa bahay pa. Mamaya pa ang class niya eh," sagot ko habang pumapasok kami.
"Sus. Hindi ka manlang hinatid?" Taas-kilay pang sagot ni Jay. Ang Beki naming tropa.
"Eh tinanghali ng gising, tapos ang bagal pang kumilos. Edi iniwan ko siya." Nakasimangot kong sagot.
"Baka naman pinuyat mo kagabi!" Sinundot pa ni Elle ang tagiliran ko kasunod ng pagtili nilang lahat.
"Uy ninang kami ah!" Agad akong pinamulahan. Pinalo ko na lang sa braso si Miel. Ninang daw???
"Yieeeh!! Kinikilig si Mrs. Pascual!!!" Sabay-sabay pa nilang sigaw. Mga baliw na 'to. Nakakahiya talaga!
"Wag nga kayong magulo." Saway ko pa sa kanila. Ako si Dannica Ballente-Pascual. Yep, may 'dash' talaga ng surname ko dahil nakuha ko lang naman ang Pascual nang magpakasal kami ni Dylan nito lang summer vacation. Yep ulit, asawa ko si Dylan. And have I mentioned na dito siya sa school kung saan ako pumapasok nagtatrabaho bilang isang instructor? Tama Teacher-Student ang first relationship na mayroon kami. At first, crush ko lang siya and ganoon din naman sila Elle at Jay. Nag-aagawan pa nga kami kay Dylan. And luckily, I was the one who won Dylan's heart. Medyo mabilis ang mga pangyayari between us and since we are both on the right age, we decided na magpasakal na. But to make this clear, wala pang intimate na namamagitan sa amin. We decided not to rush things out. Mga bata pa kami and besides, nag-aaral pa ako. Kahit kasi kasal na kami, gusto niyang tapusin ko pa rin ang pag-aaral ko. Sayang daw.
Nang makarating kami sa room sakto namang nandoon na ang iba pa naming classmates. Kanya-kanya ng daldalan at asaran. Kumbaga, busy pa sa pag-aupdate sa isa't-isa sa mga nangyari during vacation.
"Ate Dannica!! Dito oh, I save chairs para sa inyo." Kumaway pa sa amin ni Gelic na nakaupo sa may harapan. Pinuntahan namin siya at naupo na nga sa nga upuan na itinbi niya para sa amin.
"Miel? Anong subject natin ngayon?" Tanong ko.
"Comm4. Bakit hindi mo alam?" Nakanguso niyang tanong. Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko naman kasi alam ang schedule namin eh. Nagpatangay lang ako sa kanila since magkaka-kaklase naman kami.
BINABASA MO ANG
Married To My Teacher (Two Shots)
Short StoryLiking him was unplanned, loving him was unexpected and marrying him was a dream come true. A fantasy that only happens in my mind. Hindi ko akalain na yung dating iniisip ko lang at parte ng pagbibiruan naming nagkakabarkada ay mauuwi pala sa totoh...