This story part is dedicated to mosh_mallows
Happy reading!DANNICA'S POV
ISANG MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nilalaro ang pagkain sa plato ko.
"Luh, lutang si Bessie!" nakangising kantsaw sa akin ni Jay na talagang nag-effort pa na ilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Ano ba, Jay. Parang tanga 'to," inismiran ko pa siya. Kasura, e. "wag ka na nga'ng magulo at tapusin mo na 'yang kinakain mo."
"Ang sungit yata ng lola ko?" natatawa pa siyang bumalik sa kanyang upuan at ipinagpatuloy na ang pagkain.
"Ate, ano ba kasing problema mo?" tanong sa akin ni Miel habang kumakain ng ice cream. Nagde-dessert na sila samantalang ako, hindi pa tapos kumain. Ayts... ayoko namang sabihin pa sa kanila ng problema ko kaya nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga.
"Ang deep n'yan, a!" puna pa ni Elle habang nag-aayos ng lipstick niya, "Hala ka! Delayed ka 'no?!" sigaw pa niya.
Muntik ko nang maibuga ang pagkain na nasa loob ng bibig ko. "Ano?! Hindi!!" nahihiya ko pang sagot. Kasi naman, ang daming tao ngayon dito sa Canteen. At nang dahil sa maingay niyang bibig, sigurado akong narinig na ng lahat 'yon. Nakakahiya! "Ano ba'ng mga nasa utak niyo?"
"Delayed ng bayad sa meralco, juice na color pink naman, ate Danica? Ang dumi ng utak mo!" sagot niya kaya napapikit na lang ako at pinigilan ng sarili ko na maiyak sa inis. Minsan napapaisip tuloy ako kung bakit ako nasabit sa babaeng 'to. Masyado kasi siyang vocal sa mga usaping supposedly ay pribado. But no matter what happened, sa huli... nare-realized ko na kahit may pagkaloka-loka itong si Elle, loves na loves ko pa rin siya kasi totoo siyang tao.
"E kung ikinu-kwento mo pa 'yang problema mo, edi sana hindi na kami nag-iisip ng kung anu-ano," umiirap pang wika ni Jay kaya nagpakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga.
"E, kas–"
"Tamang-tama pala ang labas ko," hindi ko natapos ang dapat na confession ko dahil biglang sumulpot ang mister ko. "wait, order lang ako ng food." nakangiti pa niyang paalam sa akin.
"Yieh, gora na kami," kinikilig pa'ng bulong sa'kin ni Miel.
"Kaya naman pala nagpapa-bebeng kumain, gusto lang makasabay ang love of her life!" kantsaw pa ni Elle habang tumatayo.
"Hmp! Ang landi ng lola ko! Kung wala lang 'yang mister mo, kanina pa kita kinurot sa singit!" nanggigigil pang hinila ni Jay ang laylayan ng buhok ko bago ako iwanan.
"O, nasaan na yung mga kaibigan mo?" tanong ni Dylan nang makitang wala na sila Jay.
"Tapos nang kumain yung mga 'yon," sagot ko na lang. "late ka na yata nakapag-out sa class?"
Past 1 o'clock na kasi.
"E, bakit ikaw? Bakit ngayon ka lang kumakain?" tanong ulit niya bago kumunot ang kanyang noo. Nagulat pa ako nang bigla siyang kumuha ng pagkain sa pinggan ko at tinikman iyon, "Tsk. Malamig na yung pagkain mo. Sandali, ikukuha kita ng bago," akma pa siyang tatayo pero mabilis ko siyang pinigilan.
"Okay na 'to. Sayang naman, e."
"Sure?" bahagya pa'ng tumaas ang kaliwa niyang kilay kaya tumango ako. "Hindi ka ba male-late sa next class mo?"
"Mamaya pa'ng 3 o'clock pasok ko," sagot ko at sinabayan na siya sa pagkain. "Oo nga pala, tuloy ba yung seminar at team building niyo this long weekend?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Married To My Teacher (Two Shots)
Short StoryLiking him was unplanned, loving him was unexpected and marrying him was a dream come true. A fantasy that only happens in my mind. Hindi ko akalain na yung dating iniisip ko lang at parte ng pagbibiruan naming nagkakabarkada ay mauuwi pala sa totoh...