His Side

575 22 6
                                    

Married to my Student [Married to my Teacher (Third Shot)]

Dylan’s POV

Maingat kong isinalansan ang lahat ng mga gamit ko. Katatapos lang ng pagtuturo ko sa last class ko. Nakakapagod pero masaya naman ang naging klase namin. Medyo maingay kasi ang section na iyon, masyado silang active and energetic kahit gabi na. Mabuti pa sila, full of energy pa, samantalang ako pagod na pagod na. Maghapon kasi ang naging klase ko dahil kinailangan kong mag-sub sa isang co-teacher ko na may sakit. Mula 7:30 am hanggang 9:30 pm at tanging lunch time lang ang naging break ko.

Nang mai-ayos ko na ang lahat ng mga gamit ko, kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Dannica na papauwi na ako. Hindi naman siya nag-reply, baka tulog na. Late na kasi eh. Matapos kong mag-out sa time card, lumabas na ako ng school at agad na umuwi sakay ng motor ko.

Mabilis naman akong nakarating sa bahay since nakamotor ako. Dumiretso agad ako sa second floor ng bahay namin at agad na pumasok sa kwarto namin ni Dannica. Naabutan ko naman siyang nakahiga habang hawak ang cellphone niya. Mukhang hindi manlang niya napansin ang pagdating ko dahil nagbabasa siya. Adik kasi sa wattpad. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya.

“Oh? Nakauwi ka na pala.” Ngumiti siya sa akin bago yumakap sa beywang ko habang nakahiga pa rin siya.

“Magbibihis na muna ako. Amoy pawis ako.” Humalik ako sa kanyang noo at akma akong tatayo dahil totoo namang amoy pawis ako. Nasira kasi ang aircon sa room na ginamit ko kanina sa class. Nakakahiya naman sa kanya kung maaamoy niya ang pawis ko.

“Mamaya na.” Bulong niya bago mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. “Namiss kita eh..” hindi ko makita ang mukha niya pero sigurado ako na nakanguso na naman ang asawa ko. “Kumain kana ng dinner?” nag-angat siya ng tingin sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. “Anong kinain mo?”

“Nag-burger ko kanina habang nagpapabreak ako.”

“Burger? Dinner ba yon? Tss. Kaya hindi ka tumataba eh.” Umalis siya sa pagkakayakap niya sa akin. “Magbihis ka na. Magre-ready ako ng food, di pa din ako kumakain eh.”

“Magluluto ka?” tinaasan ko siya ng kilay.

“Syempre! Hindi.” Nakangiti niyang sagot. “Galing dito sila mama kanina. May dala silang sinigang na bangus.”

“Ahh. Anong sabi nila mama?”

“Wala naman, hinanap ka nga eh, sabi ko naman may class ka.” Sagot naman niya bago lumabas ng kwarto namin. I took that chance para makapag-bihis na. Nang matapos akong magbihis bumaba na ako sa kitchen para makakain na. “Wait lang ha? Iniit ko pa yung ulam,”

“Sige lang.” Humila ako ng isang upuan at naupo sa tabi niya. “How’s school?” I asked her.

“Ayon, school pa din.” Nakapangalumbaba pa niyang sagot. Parang may hindi siya sinasabi sa akin.

“May problema ba?” tanong ko. Bumuntong-hininga pa siya bago sumagot.

“Naiinis kasi ako eh.” Sumimangot na siya.

“Bakit naman?”

“Eh kasi si Ms. Abenia kasi..”

“Oh? Anong problema kay Ms. Abenia?”

“Feeling ko pinag-initan niya ako. Palagi akong tinatawag sa recitation. Tapos kahit tama naman yung sagot ko, ipipilit niyang may mali. Napapahiya ako sa class niya.” Nakanguso pa siya habang nakasimangot. “Bitter yata ‘yon eh.” Dagdag pa niya.

“Huh?”

“Sus. Hindi mo ba feel? Type ka kaya ng babaeng ‘yon. After niyang malaman na asawa mo ako, palagi na siyang gumagawa ng dahilan para mapahiya ako sa klase namin.”

Married To My Teacher (Two Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon