Chapter 12

775 8 0
                                    

CHAPTER 12

(Bigla namang tumigil si Sam sa paghalik kay Devon at)

SAM: Good night. (Hindi na sumagot si Devon. Naramdaman nalang niya na nahiga si Sam sa kanyang tabi)

SATURDAY!! The Dinner

(Pagdating sa Palasyo ay agad sila dumiritsu sa hapag kainan kung saan naghihintay ang mga magulang ni Devon. Habang kumakain ay nagsalita ang ama ni Devon)

ARMAN: Sam hindi ka ba binibigyan ng sakit ng ulo ni Devon? (napataas agad ang kilay ni Devon sa narinig)

SAM: Hindi naman po.

ARMAN: Good!

RHEA: I hope nagiging matino na ang anak namin. Wala na kasi siyang ibang ginawa kundi bigyan kami ng sakit ng ulo.

DEVON: Mom?!

RHEA: Totoo naman ha… Wala kang ibang ginawa sa San Francisco kundi magshopping, maglakwatsa at higit sa lahat makipagrelasyon sa half-Aussie na yun!!

DEVON: Kaya niyo lang ba kami ininvite dito ay para ipamukha sa akin na wala akong silbing anak??!  (tumayo na siya)

ARMAN: Devon sit down!!! (ma-awtoridad na utos ng kanyang ama)

DEVON: No Dad! Simula pagkabata ay minaliit niyo na ako ni Mommy. Gusto niyo gawin ko ang mga bagay na ayaw ko!! (Hindi na niya napigilan na ilabas ang sama ng loob sa mga magulang)

RHEA: How dare you na sabihan yan?! We provide you everything!!!

DEVON: Everything?!! Alin doon?! Yung pera na binibigay niyo sa akin?! It’s not what I need!!

(tuluyan ng tumulo ang kanyang luha. She decided to leave. Narinig pa niya ang pagtawag ng kanyang Ina pero pinigil ito ng kanyang ama. Paglabas ng Palasyo ay sinundan pala siya ni Sam)

DEVON: What?!! Bakit mo ako sinundan?! Magtatanong ka na naman sa half-Aussie kong ex?!! Ipaparamdam mo na wala akong utang na loob na anak?! Pagsasabihan mo ako na dapat hindi ko sinagot ang mga magulang ko?! Na…

(Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang kinabig ni Sam at niyakap ng mahigpit na ikinagulat niya)

SAM: Just cry…(At tuluyan na nga siyang napahagulhol ng iyak)

(Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na rin siya sa kaiiyak. Sumakay na sila sa kotse. Nagsalita si Sam)

SAM: Are you ok? (tango lang ang tugon niya dito) I’m sorry…

DEVON: For what?

SAM: For thinking bad things about you. I don’t have any idea na…(Hindi na niya pinatapos si Sam na magsalita)

DEVON: Thanks for being here for me. (Tumango nalang din si Sam sa halip na sumagot at maya-maya pa ay nagsalit ulit ito)

SAM: How about we have dinner? Nagwalk-out ka kasi kanina.

DEVON: Ok..

(Nagpunta sila sa isang Italian restaurant. Pagkapasok palang sa loob ay medyo okupado na. Dahil kilala si Devon bilang anak ng Presidente ay lubhang maasikaso ang mga staff. Agad silang dinala sa nag-iisang vacant table. Ngunit katabi lang pala ito ng inuukupahan nina James at Ericka. Agad nagkatitigan ang mag ex. Devon wanted to run outside ngunit di niya maigalaw ang mga paa. Narinig nalang niya na nagsalita si Ericka)

ERICKA: Look who’s here! The President’s daughter! (agad nag-init ang ulo ni Devon sa sinabi ni Ericka. Sasagot sana siya ngunit naunahan siya ni Sam na magsalita)

SAM: So Ericka who’s he?

ERICKA: Ahh! This is James, my boyfriend (binigyang diin pa nito ang salitang boyfriend.)

SAM: I see. (Napansin ni Sam na tahimik si Devon at ang James na boyfriend ni Ericka) Mabuti pa we should share the same table. (gustong magprotesta ni Devon ngunit wala siyang nagawa)

ERICKA: Oh sure! It’s our pleasure na makajoin ang First Daughter. (Lumipat nga sa table nila sina James at Ericka)

SAM: So James tell me paano kayo nagkakilala ni Ericka?

(Ito rin ang bagay na gustong malaman ni Devon kung paano nagkakilala ang dalawa. Napasulyap si James kay Devon bago sumagot)

JAMES: We met few months ago ng mag concert si Ericka sa L.A. It happened na I was there at my sister’s house. She’s a big fan of Ericka kaya nagpunta kami sa concert niya.

DEVON: Ang galing naman!! (sarkastikong niyang sabi)

ERICKA: And then when I was in the backstage. Biglang lumapit yung sis ni James kasama siya. Our eyes meet at yun..na love at first sight kami. We exchange numbers and we had constant communication.

SAM: Nice story though.

ERICKA: How about you Devon, how did you meet Sam? I mean alam naman ng lahat na siya ang pinagkakatiwalaan ng Dad mo sa negosyo ng pamilya niyo. You know..is there any arrangement? (Pinigilan lang ni Devon ang sarili at baka masampal niya si Ericka ng di oras. Napansin naman ni Sam na parang galit na si Devon kaya siya na ang sumagot sa tanong ni Ericka)

SAM: My Grandma is close to her parents. Bata palang kasi ang Dad ni Devon ng mamatay ang mga magulang niya. Tito Arman’s mother is Grandma’s bestfriend. Kaya mula noon si Grandma na ang nag-alaga kay Tito hanggang nag-asawa siya. When Tito Arman became Senator ay nagtransfer si Devon sa school na pinapasukan ko,that was exactly 7 years ago. (Di naman mapigilan ni James na magsalita)

JAMES: So you’ve met 7 years ago?? (napansin ni Devon na nag-iba ang timpla ng mukha ni James kaya sinagot niya ito)

DEVON: Yeah! Sam and I met 7 years ago.

JAMES: Naging kayo ba noon?!

(Hindi naman alam ni Devon ang isasagot. Gusto niya sagutin si James ng O.o para inisin ito ngunit ayaw naman niyang malagot kay Sam. Mabuti nalang at biglang dumating ang waiter dala ang order nila at nasave siya. Ang nangyari ay natapos ang dinner na puno ng pagkukunwari sa pagitan nina James, Devon at Ericka. Habang pauwi ng bahay ay napansin ni Devon na tahimik si Sam. Hindi nalang din siya nagsalita. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay nagulat pa siya ng biglang magsalita si Sam)

SAM: James is your ex, right? (nagulat naman siya sa tanong ni Sam. Hinarap niya ito at)

DEVON: Yes. (mahina niyang tugon. Lumipas ang ilang segundo bago nagsalita si Sam)

SAM: Thanks for telling the truth.

DEVON: Hindi ka galit?

SAM: He’s just an ex… 

(Walang nakita si Devon na galit sa mukha ni Sam kaya naman naging panatag ang kalooban niya. Lumapit siya kay Sam at yumakap. Nagulat naman si Sam sa ginawa ni Devon)

DEVON: Thanks Sam…

Back to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon