Chapter 30

794 9 2
                                    

CHAPTER 30

(Akala ni Devon na hindi na magiging malala ang sitwasyon nila ni Sam ngunit nagkamali siya. Isang araw lumabas sa media ang picture nila ni James ng magkita sila sa isang coffee shop. Agad napasugod sa kanilang bahay ang kanyang Daddy at)

ARMAN: Ano na naman ito?! (sabay hagis ng newspaper sa harapan nila ni Sam) Wala na ba talaga kayong ibang alam gawin kundi bigyan ng kahihiyan ang pamilyang ito?! I thought, it’s only Sam who did the cheating and also you as my daughter!

DEVON: Dad, I told you that nobody is cheating! Bakit ba ayaw mo maniwala?

ARMAN: And you want me to believe that?!! Alam ko kung gaano ka kabaliw doon sa ex mo!!! You even eloped with him before!!

SAM: What?! You eloped with James before?!

(Nakita ni Devon ang galit sa mukha ni Sam)

DEVON: Sam please let me explain…

(Hinawakan niya si Sam ngunit kinalas nito ang kanyang kamay. Kaya galit na hinarap ni Devon ang kanyang Daddy)

So this is it Dad! Mas mahalaga sayo ang pangalan natin kesa sa akin na anak mo?!!

ARMAN: Devon?!

DEVON: If you have nothing more to say, pwede na kayong umalis! I don’t need you!!

ARMAN: Paano mo yan nasasabi sa akin na ama mo?!

DEVON: You and Mom?!! Both of you were never been my parents!! Wala kayong ibang alam gawin kundi alagaan ang pangalan natin!! Mas mahalaga pa sa inyo kung ano ang sasabihin ng ibang tao kesa sa akin! It’s all that political career that matters Dad! Yun lang at wala ng iba!!

(akmang sasampalin siya ng kanyang Daddy pero nahawakan ni Sam ang kamay nito)

SAM: Devon might cause a lot of trouble pero asawa ko na siya ngayon at hinding-hindi ko hahayaan ang sino man na manakit sa kanya kahit kayo pa.

ARMAN: Sam?!

SAM: Dad I have all the rights to Devon. Kaya please..umalis na kayo bago ko pa makalimutan na ama kayo ng asawa ko.

(Nagkatitigan sina Sam at Arman at pagkalipas ng ilang segundo)

ARMAN: Hindi ko alam kung ano pinasukan niyong dalawa sana lang malinis niyo ang pangalan natin.

(Tuluyan ng umalis si Arman.)

DEVON: Thanks for protecting me against my Dad.

SAM: I just can’t stand na saktan ka niya.

DEVON: About me and James…

SAM: Does it matter now? You eloped with him but still ako pa rin nakauna sayo.

DEVON: Why are you being like this?

SAM: Hanggat pinapaniwalaan mo ang James na yun, we could not live our life like we used to be Devz…

(Yun lang at iniwan na siya ni Sam. Napaiyak nalang siya sa ginawa nito. Nagpunta naman si Sam sa bahay ni Aaron)

AARON: Mas lalo pa yatang lumala ang sitwasyon.

SAM: Do you think Devon is cheating on me?

AARON: Sam you’re paranoid! Buntis na nga siya pinagbibintangan mo pa.

SAM: And how could she explain her own scandal? Meeting her ex on that coffee shop.

AARON: Ang hirap kasi sayo mas nanaig yang pagseselos mo kesa intindihin at kausapin ng matino si Devon. Hindi ka naman ganito noon sa relasyon mo kay Yen pero ngayon pagdating kay Devon sobrang possessive mo. You don’t listen to her kaya paano masasalba ang marriage niyo kapag ganyan ka?

SAM: So sinasabi mo na kasalanan ko pa ang nangyayaring ito?

AARON: Ikaw ang nagsabi niyan at hindi ako. Devon understands you noong lumabas ang issue niyo ni Yen, she stayed by your side. Ngayong sila naman ni James ang may issue sana naman you would do the same thing. Don’t leave her alone lalo pa na buntis siya.

(Tumayo na siya at iniwan ni Aaron)

(Samantalang pinuntahan naman ng Presidente si Yen sa bahay nito at)

YEN: Ano po ang ginagawa niyo dito?

ARMAN: I have some propositions to make.

YEN: Ano po iyon?

ARMAN: The issues between you and Sam hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon at mas lalo lang lumala ng may lumabas din na mga photos ang anak ko kasama ang ex niya. Medias are speculating na may problema sa marriage life nila. To avoid the issues from getting worse, I want you to leave the country.

YEN: Pero?

ARMAN: I’ll recommend you to the number one modeling company ni Paris and I’ll give you enough money para makapagsimula ka. Just leave the country para matapos na ang lahat ng ito.

YEN: Sa tingin niyo po ba tatanggapin ko ang offer niyo?

ARMAN: I don’t expect to have an answer right away. Just think about it and tell me kung ano ang magiging pasya mo.

(Tumayo na ang Presidente at naiwan si Yen na naguguluhan)

(Samantalang napagpasyahan naman ni Sam na umuwi nalang ng bahay dahil narealized niyang tama si Aaron dapat nilang mag-usap ng masinsinan ni Devon. Ngunit pagdating niya ng bahay ay laking gulat niya ng makita niya si James at Devon sa may gate. Agad siyang bumaba ng sasakyan at sinuntok si James. Agad tumayo si James at susuntukin sana si Sam kung hindi lang ito pinigilan ni Devon)

DEVON: Please James umalis ka muna…

(Tumingin si James kay Sam bago tuluyang sumakay sa kotse nito. Pagkaalis ng kotse ni James ay)

SAM: Nawala lang ako sandali, heto pinapunta mo na ang ex mo dito.

DEVON: Sam it’s not what you think.

SAM: And what do you want me to think?

DEVON: Sam could you just listen to me kahit isang beses lang! (tumaas na rin ang boses niya. Sasagot sana si Sam kung hindi lang nag ring ang phone nito. Sinagot ito ni Sam at nalaman ni Devon na si Robi ang caller. Pagkatapos ng tawag ay)

SAM: Robi called and he wanted to talk to me regarding the photos na lumabas. Alam na niya kung sino ang nagpadala sa media…and  I know na tama ang hinala ko…it’s your ex..

DEVON: Bakit sinabi na ba ni Robi na si James?

SAM: Hindi! Pero alam kung wala ng ibang gagawa noon. So let’s go and meet Robi para malaman mo kung anong klaseng tao yung ex mo! (hinawakan ni Sam ang kanyang braso)

DEVON: I don’t wanna go dahil alam ko na hindi siya ang nagpalabas ng photos!

(Akmang kakalasin niya ang kanyang kamay pero mahigpit itong hinahawakan ni Sam)

SAM: We’re over if you don’t wanna go with me.

(At nagkasukatan ng tingin sina Sam at Devon)

Back to MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon