CHAPTER 3

18 0 0
                                    


CHAPTER 3

Irish's POV

Kanina pa ako naghihintay rito sa location ng next taping.

Naku late na naman si bessy ko. tss.

"Good morning direct..." narinig kong bati ng mga staff

Sinalubong naman siya ni Gerard.

"Oh good morning Ms. Heilly." bati ni Gerard kay bessy

Teka sabay silang dumating ni Direct?

"Oh anong meron sa inyo ni Heilly Direct?" buti na lang inusisa ni Gerard 'yung kanina ko pa gusto kong itanong

"Nothing. Nasiraan kasi siya kaya minabuti kong isabay siya nang matapos agad ang taping ngayon." sagot naman ni Direct

Ang pogi talaga ni Direct sumagot kaso napaka-emotionless naman.

Napaka workaholic kasi niya.

"Can we start?" cool na sabi ni Direct

Kinausap na si Bessy nung si Dictator.

Dumating na rin si Luis Hontiveros ang hot at sikat na actor ngayon. Shhh... Crush ko sya.

"Cut! Hontiveros act like a natural. Okay take two." sabi ni Direct

Gusto talaga ni Direct ay perfect.

"Direct mas okay kung may kissing scene sa part na 'to," suhestiyon ng Dictator kay Direct

Ang swerte naman ni bessy...

"Okay but... make a fake kiss." sagot ni Direct

Fake kiss? Hindi na 'yun uso ngayon ah?

"Oh sige Direct." sunod naman agad ang dictator

"Okay let's have a break." sabi ng Assistant Director na si Gerard

Agad namang pumunta sakin si bessy.

Pero parang lutang ee...

"Bessy nasaan ka kagabi?" tanong ko

"Ahh. eee... tulog na ako, sa bahay, tama sa bahay."

Ang weird ng sagot niya ah

"Ah kaya pala di mo nasagot tawag ko."

Nakita ko naman si Sheravvy na busy sa pag-aayos ng mga camera.

Bakit ba kasi boyish itong babaeng 'to ee mas lalaki pa kay Lloyd.

"Bess... matagal ba 'yung 6 mos.?" tanong ni bessy

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan bess? malamang 'no, half year 'yun bess!" sagot ko

"Ah... kung ikaw papipiliin bess, dignity o –

"Okay let's continue..." sabi ng isang staff

Ang weird naman talaga ng bessy ko pero mas weird siya ngayon. Anyare doon. mas lumala siya nung nag-break sila ng boyfriend niya.

Bumalik sila sa set.

Ang saya talagang manuod nang live... hihihihi. 'yun nga lang syempre di mo masyadong ma-feel 'yung story kasi kitang-kita mo na umaarte lang sila.

--------------------------------------------------------------

"Bess uwi na ako ah, pagod ako e." pagpapaalam ni bessy

"Bess? may itinatago ka ba sakin?" tanong ko

"Ha? di naman ako magaling magtago ng sekreto sayo ee, alam mo 'yan bess? sabi niya sakin at saka ngumiti

The MakingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon