Naalala ko pa noong sinabi mong..
"Bata pa tayo at ayoko madisappoint parents ko. Sorry."
Babae ako. Babae ka. Bata pa tayo. Alam ko naman yun kaya nirespeto ko desisyon mo. Pero sa tingin mo hindi ko naisip yun? Pareho lang tayo ng naramdaman nung mga oras na yun. Pero dahil mahal kita, hindi ako natakot, pinaglaban kita.
"Hoy Mikang! Tama na daydreaming mag wawarm-up pa tayo" saad ni Kim
"Hoy nognog! Tigil tigilan mo nga ako"
"Tsk magsmile ka na partner mo naman siya ngayon sa warm-up eh yiehh" pangasar ni Kim
"Alam mo Kimmy isa na lang talaga susunugin na kita" sabay kurot ko sa tenga niya
"ARAY ARAY MIKA OO NA TAMA NA!!"
Sa mga oras na kasama ko si Ate Kim nararamdaman ko na pwede pa rin pala akong maging masaya. Kahit sa maikling oras lang.
"Babe,ano ka ba kaya mo yan! Ikaw kaya si Ara Galang" nandito na pala sila
"Babe kinakabahan pa rin ako eh" Sana,Sana ako yung sinasabihan mo ng ganyan. Ang mas masakit pa....
"Kiss na lang kita....mwa"
Bakit hindi ko mapikit yung mata ko. Bakit parang mas gusto ko pang masaktan. Mika maawa ka naman sa sarili mo. Ang sakit ng puso ko, di ako makahinga.
"Mika, hindi mo naman sila kailangan titigan eh" pag-aalala ni Ate Kim
"Ate Kim ang sakit pa rin pala. Akala okay na ako."
"Alam mo sa sarili mo na hindi ka okay simula pa lang alam mong hindi ka na magiging okay. Dahil siya lang ang magpapasaya sayo. Ang kukumpleto sayo." Saad ni Ate Kim
"Ate Kim pagod na ako"
"Edi magpahinga ka" Huh? Di ko gets
"Huh? Hindi naman kita maintindihan Ate Kim eh"
"Warm-up na lang tayo. Magfocus ka sa game ah! Isipin mo si Bang yung Bola HAHAHA" pagpapatawa ni ate Kim
"Shh ka lang ate Kim baka marinig ni Ara magalit na naman sayo yun" lagi kasi naririnig ni Ara ang panglalait ni Kimmy kay Bang. Yan tuloy laging siyang napagsasabihan
"Hindi naman niya ako maririnig nakikipag landian pa yun. Tayo na nga lang mag warm-up!"
After mag warm-up nag start na yung game. As usual maganda ang laro ni Ara kaya nanalo yung team.
"Congrats daks! Player of the game ah libre naman diyan hahah"
"Thanks Mika hahah wag mo kong tawaging daks baka marinig ni bang eh" yan na naman si ara puro na lang bang
"Ay oo nga pala sorry hehe"
"Hoy kayong dalawa may dinner party pa tayo bilisan niyo!" Sigaw ni ate Kim
"Okay ate Kim! Halika na Ara"
"Uhm sorry hindi ako makakasama may date kasi kami ni bang eh"
"Ah okay"
Hindi na nakakagulat na hindi siya sasabay sa dinner party ng team. Halos after every game may date sila. Nagtataka nga ako dahil hindi naman nila monthsary o birthday pero laging silang may lakad. Sabi nila ate Kim na baka ayaw lang talaga ni Bang na nakasama ako ni Ara kaya hindi niya hinayaan si Ara na sumama samin. Alam niya kasing hindi pwede makisama ang girlfriend or boyfriend ng player pag dinner party.
"Mika, smile na" sabi ni ate kim habang nakangiti
"Nakalimutan ko nang ngumiti simula nung iniwan niya ako."
"Mika...."
"Ate Kim may tanong ako"
"Hmm?"
"Bakit ang gulo niya? Sabi niya mahal niya ako pero bata pa kami at ayaw ng parents niya sa ganung relasyon. Pero bakit pag si bang exempted dun? Haha bakit si bang minahal niya? Pinaglaban niya? Eh ako ano ako sa kanya?"
"Hindi ako si Ara. Hindi ko kayang sagutin yan. Pero isa lang ang sigurado ako at yun ay minahal ka niya"
"Pero hindi niya ako pinaglaban? Sa totoo lang para pa saan ang pag-ibig kung hindi mo naman kayang ipaglaban yung mahal mo"
"Mika love is a battlefield pero hindi sa lahat ng oras kaya natin lumaban kasi minsan yung kinakalaban at pinaglalaban natin ay pareho nating mahal at dun tayo nag kakasubukan."
"Pero bakit siya pinaglaban niya, ako hindi?"
"Mika, tama na. Magcelebrate na lang tayo, nanalo tayo oh kaya be happy okay?"
"Sana nanalo rin ako sa puso niya noh?"
"Mika naman...."
"Ate Kim pakisabi na lang kay coach na hindi muna ako makakasama ngayon. Aalis muna ako."
"Saan ka pupunta? Samahan na lang kita baka ano pang mangyari sayo"
"Kaya ko na Ate Kim uuwi lang ako sa bahay."
"Sige mag ingat ka ah"
Hindi ko na kaya. Pagod na ako. 3 taon na ang nakalipas noong huli akong naging masaya. Totoong masaya. Hanggang ngayon marami pa ring tanong ang nasa isipan ko at kahit isa dun, wala pa ring kasagutan. Napako pa rin sa mga ulap na patuloy na lumuluha at kahit kailan hindi na ata titigil. Kailangan ko muna pumunta sa ibang lugar baka mahalata na naman ng magulang ko ang pagmugto ng mata ko. Tinigil ko ang kotse ko sa harapan ng isang bus stop. Hindi ko man lang namalayan na ito pala yung lugar na sinabihan niya ako ng mga katagang kailanman hindi ko makakalimutan.
"A..ang...sa...sakit..s...akit...ayo..ko...na....mi....ka...ma...p..pagod ka naman oh" gusto ko ng mamanhid gusto ko ng mapagod para matapos na toh para mawala na tong nararamdaman ko.
Wala naman masyadong tao puro kotse pero hindi naman ako maririnig ng mga tao. Kaya isisigaw ko na lang tong nararamdaman ko ilalabas ko lahat ng sakit,lungkot at galit na nakabaon sa puso ko.
"Ayoko na!!! Magmomove on na ako!!! Naging tanga ako para sayo!!! Pero pinaasa mo lang ako!!! Bilaukan ka sana sa date niyo ng girlfriend mong mukha mo namang tita!!!"
How can I be alive, if you are my life? How can I smile, if you're with someone else. Hiking iyak ko na toh dahil sayo kaya ilalabas ko na lahat........
"Miss..panyo oh gusto mo?"
Sino yun?
"Oh? Thank you.............................
...............
...............Jerome"
Sa oras na ito alam kong kakayin ko na. Magmamahal na ako muli. Mahal pa rin kita at hindi na magbabago yun pero sa sa oras na toh, sa buhay na toh. Hindi pa toh ang TAMANG PANAHON para sating dalawa.
------------------------------------
Sorry if it's not that good or what so ever 😭 I just want to make this kind of story kasi I don't have any hugots sa isa kong story. I hope you guys 💚 it
