I care for you. You can't see but believe me, I do.
"Mika, I like you. Not as a friend,as a teammate or kung ano man yang iniisip mo. Gusto kita dahil gusto kita, gusto ko ikaw yung una kong makita sa umaga, una kong mayakap sa training at huli kong makausap sa gabi. Ay basta daks gets mo na yun!"
"Ara..."
"I know you're straight, babae ka. You cannot like me back pero I just want to show how much I like you. Dahil alam kong worth the effort ka"
"If that's what you want"
My confession might be too cheesy or shocking for you pero still alam kong totoo lahat ng yun. Gusto kita. Mahal na nga ata eh. Sa pag tagal ng panahon mas naging sigurado ako sa feelings ko para sayo. Medyo awkward pag kinakausap kita pero tinatry ko ang best ko para mag light ang mood pag kasama ka. Nagdaanan na ang disyembre at syempre hindi mawawala ang Secret Santa. Nakakainis nga kasi hindi ikaw yung nabunot ko eh pero okay lang mag eeffort pa rin ako para sayo.
"Ano ba yan Ara! Ang dami namang chocolate nito! Pag nagka sakit si Mika, pati gamot niya ikaw na gumastos ah!" Bulyaw ni Kimtot na epal
"Alam mo ang supportive mo. Sa sobrang supportive mo, pinaghihinaan na ako ng loob tsk" sabay irap ko sa kanya
"Eh kasi naman ang dami nito oh ibat ibang brand pa ah mula sa crunch,twix,maltesers,ferrero rocher at ewan ko basta eto di ko na nga alam yung iba dito eh" sabay kamot sa batok na sabi ni Kimtot
"Wag mo na alamin, kasi hindi naman ikaw yung kakain. Kaya iabot mo na toh kay Mika okay? Mukhang hindi pa naman nagpaparamdam yung secret Santa niya."
"Eh pano ba naman, nahiya siguro yung secret Santa ni Mika sa mga pa chocolates mo noh!" Sabay palo ni Kim sa braso ko
"Iabot mo na lang sa kanya okay? Sabihin mo hindi niya secret Santa kundi secret admirer" bulong ko kay Kim
Pinaramdam ko sayo na gusto kita. Hindi ako naghihintay ng kapalit basta ma appreciate mo lang masaya na ako. Lagi kita pinababantay kay Kim. Pag may problema ka, acads man o sa mga kaibigan mo, sinisigurado ko na ma cocomfort kita hindi man ako ang kausap mo pero sinisigurado ko na makaka about ang advice ko para sayo.
"Ikaw na lang kaya mag sabi sa kanya!" Sigaw na naman ni Kimang
"Eh ayoko binabasa kili kili ko pag kausap ko siya eh" sabay paypay ko sa kili kili ko
"Edi ichat mo utak naman Ara! DL ka ba talaga?" Sabay batok sakin ni Kimmy
"Hoy abuso ka ah! Hindi niya kasi gusto ng chat lang at syempre mas comforting pag ka harap mo" ngiting kong sabi kay Kim
"Magaling ka naman sa advice eh kaya pwede bigyan mo rin ng advice yang sarili mo na hindi maging torpe?"
"Hoy hindi ako torpe noh! Lagi ko kaya siyang kinakausap. Hinuhug at nag i-i love pa nga ako sa kanya diba. Tapos ano abot ko sa kanya? Ngiti? Bwiset di pa ako nagtatanong basted na agad ako nun" sabay kamot ko ng ulo ko
"Eh straight nga kasi diba! Magmahal ka na ng hayop wag lang straight. Maiiwan ka lang na naka nganga niyan eh"
"Gusto ko lang naman ipafeel kung gano ko siya kamahal eh" buntong hininga kong tugon
"If thats what you want pero sinasabi ko sayo. May bayad tong pagiging messenger at guard ko sa kanya!"
Nagdaan ang panahon na isip ko na wala talagang patutungunan tong feelings na toh. Siguro nga kaibigan lang ang tingin niya sakin at kahit kailan hindi na yun magbabago. Hanggang sa.....
![](https://img.wattpad.com/cover/86776960-288-k1284.jpg)