Everything is beautiful. Sa pag gising ko araw araw, isa lang ang masasabi ko "I'm proud to call you mine."
"Love, pano toh??"
As always nagpapatulong ka sa assignment mo hahaha
"Ano ba yan......Oh madali lang naman eh imultiply mo toh dito para maging pareho yung value nila then diff signs. After nun tanggalin mo na toh para y na lang matitira. Pwede namang x yung itira mo..........Love! Nakikinig ka ba?"
"Eh kasi eh *puppy eyes* di ko pa rin gets hehe"
"Hayyy pano mo magegets kung nakatigtig ka lang sakin?"
"Hoy feeler mo ah!!"
"Weh? Hindi ba totoo?"
"Ay ewan ko sayo! Magpupunas na ako, sagutin mo na lang yan" dire diretso siyang pumunta sa CR
"Hoy! Wala ka bang balak alamin kung pano toh gawin!?"
"WALAAA HINDI NAMAN NAMIN ITETEST YAN EH PANG PLUS POINTS LANG SA TEST NAMIN YAN" kahit kailan talaga
"Ay bahala ka! Hindi ko toh sasagutan!"
Kunyari hindi ko gagawin noh! Pero syempre ayoko namang mawalan ng plus points ang love ko sa test kaya sasagutan ko na lang. Madali lang naman toh eh at alam kong gets toh ni daks sadyang pagod lang siya kaya ako inutusan niya! Pero okay lang para naman sa kanya eh.
"Hmm love"
Nagulat ako nung mga naramdaman akong humawak sa batok ko.
"Wag mo na ituloy yan. Sasagutan ko na lang yan bukas."
Nararamdaman ko ang dahan dahang pag yakap niya sa leeg ko.
"Halika.....tulog na tayo"
Shit!! Yung balahibo ko nagtataasan parang matatanggal na sa balat ko!! Tapos yung tiyan ko whoahh parang may kung anong umiikot.
"Teka Love 2 items na lang oh"
"So pinipili mo yan kaysa sakin?"
"Eh assignment mo toh eh syempre para rin sayo toh"
Biglang may mainit na halik akong naramdaman sa leeg ko....SHIT ANG SARAP ay! Este Uhmm ma ma sa...kit! Oo masakit! Kasi uhm may kiliti ako? Ay ewan! Basta gusto ko pa ng isa! HAHAHA joke lang
"Love...please"
"Uhm sige na nga. Basta promise me, nagagawin mo toh bukas. Okay?"
"Yes Love promise!" Sabay halik mo sa pisngi ko
"Tulog na tayo!"
"Oo na ito na po"
Sa iisang kama lang kami naka tutulog ni daks palagi. More on pinagdikit namin yung kama namin HAHAH
"Love?"
"Hmm?"
Naka higa siya sa braso habang nakayakap sa bewang ko. Sarap sa feeling!!
"Pano kung mawala ako? Parang isang iglap nawala na lang ako?"
"Anong klaseng tanong yan? Syempre pupunta akong kitchen"
"Hala? Bakit dun?"
"Eh baka kasi kumukuha ka lang ng pagkain sa fridge hahaha"
"Ano ba!! *Sabay hampas mo sakin* yung seryoso kasi!"