Chapter 17: Stringged Doll

24 1 0
                                    

[Aizen Pov's]

 Nakakapagod. -_-

Buti nalang at ayos na din si Claire, baliw na babae. Magpakamatay daw ba? Hindi tuloy natuloy ang pag-iwas ko sakaniya. Pahamak (_._)

Tulog na kaya si Alex? Baka napagod yun. Buti nalang at kahit papano naging okay naman siya this past few days.

*Ring... Ring... Ring....*

"Manang ako na po ang sasagot!" sabi ko. Sino kay tong tumatawag na to. -_- Gabi na tumatawag ba.

"Hello."

["Hi Aizen..."] yung boses na yun. O______O

"Tita??!"

[Yup iho. Ako to. Gusto ko sanang kausapin si Alex. Gising pa ba siya?"]

"Tulog na po..." takte! Parang kinakabahan ako. >.< Minsan lang kasi tumawag ang mama ni Alex. Pag tumawag yun ibig sabihin may importanteng bagay silang sasabihin.

["Ah ganun ba. Paki sabi nalang iho na bibisita kami diyan ng Daddy niya... about her marriage."] WTH!

Napatimbaga ako sa sinabi ni Tita. Arranged Mariiage?! Alex....

[Alex Pov’s]

It’s been 1 week simula ng tinanong ako ni Ash at Raizo kung pwede silang manligaw. Hanggang ngayon gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Masyadong mabilis. Sobrang bilis. Nag-aalangan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

Merong kung anong bagay ang humahadlang sakin. Marahil nagmamahal na pala ako ng di ko alam, o kaya mahal ko pa rin si Terrence. Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko kayang palitan siya dito sa puso ko. Yun ang dahilan kung bakit ayoko na, ayoko ng magmahal. Alam ko kasi mawawala din sila, iiwanan din nila ako pagtagal.

Ganito pala ang epekto ng pagka-wala ni Terrence. He’s my life after all. Pag wala siya parang wala din ako. Sa madaling salita, kulang ako. Kulang ako pagwala siya. Namimiss ko na siya ng sobra.

“Alex, okay ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo dyan.” Tanong ni Aizen. Nandito kami sa garden, nakaupo. Gusto ko kasing maka-amoy ng sariwang hangin.

“Hindi ko alam Aizen. Matagal na kong hindi okay di ba? Alam mo yan.” Sagot ko, habang pinagmamasdan ang red roses na tanim namin. Tinanim namin ni Terrence.

“Alex, wag mong sabihin yan. Magiging ayos din ang lahat.” Sabi neto at hinawakan ang kamay ko.

“Sana nga…” napabuntong hininga nalang ako. Kailan ba ako naging masaya? Siguro dapat na kong sumuko. Enough of this.

“May sagot ka na ba sa pinag-usapan niyo ng mga magulang mo? Ni Tito at Tita?” tanong ulit ni Aizen.

May isa akong dahilan kung bakit hindi ako papayag na magpaligaw kay Ash at Raizo. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaligayahan ko o ang magulang ko. Ayokong makasakit. Ayokong umasa sila. At saka gulong-gulo pa rin ako, gulong-gulo pa rin etong puso ko.

“Mukhang meron na.” maikli kong sagot.

“Sigurado ka ba Alex? Di ba sinabi ko na sayo pwede pang magawan to ng paraan., basta maging matatag ka lang… Everyone deserves to be happy, right? Isa ka dun Alex. May karapatan ka ding lumigaya.” Pag-aalalang turan ni Aizen sakin. Napatingin ako sa kaniya.

The Last BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon