Naglalakad ako ngayon papunta sa room ng baby loves ko. Higher siya sa akin ng isang taon at iba din kami ng course. Siya ay engineering at ako ay isang business ad student.
"Hey Queenie! Wala ka bang balak kumain at trip mo pang pumunta kay Kuya without knowing na 1 hour break lang tayo?" asal ng kapatid ng baby loves ko. Hanna Rose Fierze. Nakakabatang kapatid ni Adam.
"You know Hanna, I asked you earlier about this okay? You choosed to go with me. I don't asked you to come with me anyway." nakakainis talaga. Wala naman akong sinabing sumama siya.
"Psssh bitch." sabi niya while pouting her lips. So not cool.
"My baby loves~!" I shout and cling to Adam's arms. Nang nakita ko siyang lumabas ng room with his friends.
"Don't cling on me. Hindi ka magaan." Iritable niyang sabi sabay tanggal sa kamay ko na nakakawit sa kanya. I pout in my mind.
"Hindi ako mataba!" I shout at his face. Natawa naman yung bestfriend ko slash kapatid niya sa reaksyon ko. Ayoko talagang nasasabihan ako na mataba.
"May sinabi ba akong mataba ka? Wala di ba? Huwag kang mag assume, assumera ka talaga." sabi niya then niyaya yung mga kaibigan niya papuntang cafeteria.
Oh yeah. Wait, feeling ko talaga may iba pa siyang tinutukoy sa word na assumera.
"Tara na Quennie. Gutom na talaga ako for Peter's sake!" pagmamaktol ng babaeng katabi ko kaya hindi ko na pinagisipan ng malalim yung sinabi ni Adam.
"Shan, alam mo ba yung balita? Yun bagong transferee niyaya ni Adam na lumabas." nagpintig ang tenga sa narinig. While walking papuntang cafeteria kanina ay feeling ko kailangan ko mag comfort room kaya pinauna ko na lang si Hanna para idorder din ako ng food. And I'm here, ears dropping those two gossiping.
"Ang swerte niya sabagay bagay naman sila dahil maganda yung girl." sabi nung isang girl na kausap niya. What the hell.
"Pero naisip ko lang, alam kaya ito ni Quennie? Alam naman natin na possessive siya kay Adam kahit hindi naman si-" binuksan ko yung cubicle na pinasukan ko.
"Yes, alam ko. And you know what? I asked Adam to date that poor girl and dump her after. Good idea right?" dumiretso ako sa sink at naghugas ng kamay at nagpunas sa damit nung dalawang girl.
"What the fuck?!" sigaw nilang dalawa.
"Angal?" napaismid ako ng bigla silang nagtiklop ng bibig. Tsk, takot din pala. Tinalikran ko na lang at lumabas na.
Damn you, Adam. Hindi ko hahayaan na matuloy yung date niyo ng babaeng yan. Hindi niya kilala ang binabangga niya.
"Hey Quennie! Why you took so long?" nakabusangot na bati sakin ni Hanna pag upo ko pa lang sa pwesto namin.
"You know what? I heard the news. May idadate daw si Adam! And she's freaking transferee!" maktol ko habang masamang nakatingin sa lugar na tinatambayan ni Adam. His favorite place, sa dulo ng cafeteria with his friend.
"For God's sake Quennie. Kumain ka muna please? Tantanan mo muna si Kuya." nabawi ang tingin ko at tinitigan siya. Buti pa siya sarap na sarap sa kain while ako walang gana.
"Wala akong gana. Nakakainis talaga." dabog ko at sabay tayo papunta kila Adam. Narinig ko pang sumisigaw si Hanna at tinatawag ako.
"Hey Mister Feirze. Someone told me na may date ka. You know what? Okay lang sakin dahil alam kong iiwan mo lang din siya agad right?" ngumiti ako ng napaka tamis. Napatingin naman kami sa ingay ng nahulog na tray sa likod ko.
"Careful please?" pagtataray ko sa babae. Mangiyak iyak naman tong tumingin sakin. What the hell? Two words lang sinabi ko sa kanya.
"A-adam? Totoo ba yung sinabi niya?" Napunta kay Adam yung tingin ko. Bakas sa mukha niya ang awa ng makitang papaiyak na yung girl.
"No Honey. Why would I dump you? And you Queenie, stop bothering me. I don't like you." the hell, it hurts but I dont bother to show it to them. And that girl? So siya yung transferee.
"But I like you no scratch that I love you Adam. And you are mine, only mine right? And you girl." I pointed out the girl "Stop dreaming. Adam is mine. And you're just a flavor of the weak. Poor you." nagulat naman ako sa ginawa ni Adam. He push me so hard that I fell on the floor.
"Stop this childish game of yours Quennie. I pity you." sabi niya at lalagpasan sana ako ng inaway siya ni Hanna.
"Kuya! Sobra ka na. Babae pa rin si Quennie at wala kang karapatan para itulak siya" tinulungan ako tumayo ni Hanna at dun ko lang napansin ang tingin ng mga tao sa loob ng cafeteria. Mga tingin ng mga istudyante at staff na tumatagos hanggang aking kaluluwa.
"She deserve it. Lets go Honey." sabag hatak niya dun sa babae. Napatingin naman ako sa mga kaibigan niya na walang nagawa kung di sumunod na lang at nagiwan ng apologetic smile sa akin at kay Hanna.
"Done watching?" ayun na lang sinabi ko sa mga taong nanunuod samin. Nagbalik naman sila sa dati nilang ginawaga. Hinatak si Hanna papalabas at dumiretso kami sa rooftop.
When I am mad or sad. This rooftop is my accompany. This is my place ever since na nagaaral ako dito. Wala kasing ibang makapunta dito bukod sakin at kay Hanna dahil mga rumors na kumakalat na may multo daw dito. Which is not true at gawa gawa lang iyon ng pinsang kong dating nagaaral dito na pinaniwalaan naman ng lahat.
"Hanggang kailan mo balak gawin to? Manhid ka na ba talaga?" napasandal ako sa pader at napatingin sa ulap. Ang ganda ng ulap buti pa sila tamihik lang sa itaas.
"Until Adam will be mine. And yes, manhid nako." narinig ko naman siyang mag tsk.
"You're insane Quennie. You're insane." napangiti ako. Buti na lang at may kaibigan akong tulad ni Hanna. Kahit na anong kahibangan ko sa buhay ay hindi ako iiwan.
"Cutting tayo." pilyo kong ngiti at tinugunan niya ng nakakalokong ngiti.
Gabi na at ang lakas pa ng ulan. Naghihintay ako ngayon sa may tapat ng gasolinahan, hinihintay ko si ate, sabay daw kasi kaming uuwi. Ang tagal naman niya nagugutom nako.
"Bata, lakas ng ulan ah. Wala ka bang sundo? Gusto mo hatid ka namin?" napatingin ako sa dalawang lalaki sa harap ko.
"Sorry mister but my mommy told me na huwag akong sasama sa hindi ko kakilala." sabi ko at medyo lumayo ng konti sa kanila. Ate nasaan ka na ba? Natatakot nako.
"Pero tignan mo ang lakas ng ulan, baka nagaalala na mommy mo" unti-unti silang lumalapit sakin habang ako lumalayo. Ngunit sa huling hakbang ko ay mabilis na hinawakan ang aking kanang kamay ng isang lalaki at tinutukan ng matalim na kutsilyo sa tagiliran.
Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Nanginginig ako, nabitawan ko ang payong. Wala na lang akong nagawa kungdi ang umiyak ng tahimik at sumama sa kanila.
Napadilat ako dahil sa pagyugyog ng katawan ko.
"Haaay buti naman gising ka na. Kanina pa kita ginigising you sleepy head" nagkusot ako ng mata at tumingin sa wrist watch ko.
"Ohh" napaupo ako sa hinihigaan kong bench dito sa rooftop. Tatlong oras na pala akong tulog.
"Alam mo Queenie. Nagcutting tayo para lang panoorin kitang natutulog." nagpout siya sa harapan ko.
"You know what? Pumayag ka sa sinabi ko. It's not my fault." nagdabog siyang papunta sa pinto. At bago pumasok ay narinig ko siyang sumigaw na bilisan ko daw at uwian na.
Napabuntong hininga ako. Napaginipan ko na naman ang nangyari dalawang taon na ang nakakaraan. Ngayon ko na lang ulit ito napapaginipan. Siguro ay hinahunting na ako ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
The Bratinella Wants
DiversosSabi nila desperada ang babaeng naghahabol sa lalaki pero para sa akin ay hindi. Porket naghahabol, desperada na agad? Bawal bang nag mahal muna? Ganyang tayong mga tao, masyadong judgemental. Akala mo naman ay mga anghel sa kabaitan, pasalamat nga...