The Wedding
"Tita, kailangan ko ba talagang mag make-up? Okay na po kasi sa akin yung eyeliner and lipstick"
Mistulang biyernes Santo ang araw na ito para sa akin dahil sa koloreteng linagay sa mukha ko.
Kahit ano ang aking suotin (except dress) ay ayos lang sa akin. Basta huwag lang ng pang koloreteng make-up. Nag lalagay naman ako ng eye liner o kaya light lipstick kaso ayaw KO talaga ng mga eye shadows at kung ano ano pa dyan.
"Ano ka ba naman Ash, ang ganda ganda no kaya" turan ni Tita habang nakatingin derekta sa mata ko.
"Okay po Tita"
Kasabay no'n ang malalim kong bunting hininga. Kasal ngayon ng pinsan kong si ate Carmela na isang kilalang fashion designer sa kanyang since high school boyfriend na si Kuya Nero na isa ring sikat na vocalist sa bandang "the sphinx" sikat silang dalawa kaya asahan na ang media at ang engrandeng kasal. Hindi sana ako dadalo kaya lang ay hindi ko matangihan si Tita.
"Ash ito ang isusuot mo" bungad ni Tita ng pumasok sa kwartong aking kinaroroonan. Nabigla ako dahil may dala siyang isang baby pink na dress kasabay no'n ang pagka hulog KO sa kama.
"Tita naman. Alam niyo namang hindi ako nagsusuot ng palda diba?"
Bumalik ako sa kamang inuupuan ko. Bigla siyang tumawa at nag peace sign. Umiral nanaman ang pagiging isip bata niya.
"Joke lang Ash, tinitignan KO lang naman kung papayag ka. Oh siya mamili ka nalang ng damit na susuotin dyan sa closet"
Humahalakhak pa siya habang lumalabas sa kwarto. Isip bata talaga si Tita pero di mo gugustuhing mapagalitan nya. Ginalugad ko na ang closet. Karamihan sa mga damit na ito ay kay Ate Carmela at mostly hindi pa nagagamit.
Sa wakas ay naka pili na rin ako ng damit. Simple lang naman po ito.
Isang black short shorts at blouse na parang pang rock star pero with class. Hangang belly button ang haba nito sa harapan pero pag tinignan mo sa likuran ay kasing haba ng nga shorts ko. Imbes na heels ang gamitin ko ay converse high cut shoes na kulay pula ang suot ko. Binura ko din ang makeup at kinapalan ang red lipstick at black eyeliner. Bahala na kay Tita mamaya. 2pm ang simula ng kasal pero sigurado akong late na ako dahil 2:15 na. Hindi ko manlang namalayan ang oras. Biglang nag ring ang phone KO at shemay 15 missed calls lahat galing kay Tita. Lagot ako nito. Tumawag ulit so Tita kay sinagot KO na."Hello?"
"Ano ka bang Bata ka? Nasaan ka na? Nagsisimula na ang kasal dalian mo"So Tita na bumubulong pa. Sa background music palang at halata nang naglalakad na si Ate Carmela sa Red Carpet. Wala na akong choice kundi gamitin ang motor ko. Bahala na. Pasaway ako eh. Pag normal na biyahe ay aabot ng 20 minutes per kapag ako ang nag drive, siguradong 10 minutes lang.
Naririnig KO na ang boses ng pari dito sa labas kaya nagmamadali na ako. Pagbukas KO ng pintuan,
Literal na lahat ng tao nakatingin sa akin at ang magaling kong pinsan ay nakangising aso habang tinitingnan ako.
Tinaasan KO lang sila ng kilay at sinabing
"Sorry I'm late" sabay punta sa pinakamalapit na upuan.
Pinagpatuloy na ang boring na kasal hangang sa exchange of vows na. Halos maluha ako dahil kitang kita ko sa mga mata nila ang love at sincerity.
Bukod sa anime, silang dalawa lang ang nakakapagpakilig sa akin ng ganito kaya boto talaga ako sa loveteam nila kahit hindi halata.
Halos ako yung gumawa ng paraan ng magkagalit sila, pero dahil nga pasaway ako. Kinulong KO sila sa kwarto kaya okay na ulit sila.
Pagkatapos ng wedding ceremony ay dali-dali akong lumabas para pumunta sa reception at asikasuhin ang mga pagkaing niluto ko.
Yes, tama kayo ng basa. Ako ang nagluto:)
Nga pala, daldal ako ng daldal 'di pa pala ako nakakapagpakilala.
Ako si Ashbel Mendoza, 18 at soon to be third year college sa kursong fine arts. Bakit fine arts? Wala lang napagtripan lang. Haha! On the other thought ito kasi yung kursong hindi ako hectic masyado sa schedule.
Bakit?
Basta!!!
-----------------------------------
A/N:
Hope you like it po:)
First time eh.
Sorry for the wrong grammar and other errors.
Basahin nyo rin po ung "the final judgment".Thank you po:)

YOU ARE READING
Pag Ako Nagmahal
DiversosMinsan lang ako mag mahal. When it happens, I will manipulate who ever you are just to have her.