Chapter 44

2.1K 25 0
                                    

...Eya POV...

Nasa Shooting ako ngayon ng biglang nag ring yung phone ko.

Mama ni Luke?

'Ano ba eya! mamaya na yan!' sigaw nong Director.

Bumuntong hininga ako saka i-sinilent ang phone ko.

'Sorry po...' napa kunot lang yung noo nong camera man na halatang naiinis.

Hanggang ngayon hindi parin namin mahanap kung sino ang nasa likod ng pagkakalat ng picture.

Nong pinuntahan ko naman si Justin hindi naman sya sumasagot... at balita ko nasa kulongan sya ngayon.

Dahil daw sa pag nakaw ng mga Client nya sa kompanya ni Luke.

Mabuti nalang hindi natuloy pag momodel ko sa company nila.

'Eya?' Napalingon ako kay niko ng tawagin nya ako

'Congrats nga pala yung about sa photo shoot kahapon...bukas na ire release yung album mo...' napa ngiti naman ako sakanya

'Salamat niko, '

'Nga pala...nag text yung mom ni Luke sakin...Pupunta kaba mamaya?' napa yuko ako sa sinabi nya.

'Hindi ko alam...madami kasi akong ginagawa...' pag iiba ko ng usapan.

'Ganun ba? gusto mo ako na ang mag papaliwanag kay Direk?' malungkot ko syang tinignan.

'Wag na siguro. kaya ko na ito..' Pag tanggi ko.

*******************

Gabi na ako ng maka uwi saamin.

Napa lingon ako sa phone kung bigla nalang nag vibrate...

Bumangon ako sa kama ko ng makita ko yung message ni luke.

( Let's meet at the Playground. I will wait for you there... )

Nag dalawang isip naman ako kung pupuntahan ko sya. kasi naman wala na akong oras isa pa baka gising pa si mama.

Tumayo ako sa kama saka sumilip sa bintana...

Tinignan ko yung relo ko... 10:30 Am.

Nag tagal ng 30 minutes bago ako nag desisyong puntahan si Luke.

Nong una, akala ko wala sya doon.

At nong mapansin kung naka upo sya sa may swing dahan-dahan ko syang nilapitan.

Hindi ko alam kung ano ang nararadaman ko sa ngayon.

Nag hahalong emosyon.

Gusto ko syang yakapin pero, hindi ko magawa.

Pinipigilan ko ang sarili kung gumawa ng galaw.

'Luke...?' panimula ko.

Unti-unting umangat ang ulo nya saakin

'Eya, Damn! Sinasabi ko na nga ba pupuntahan mo ako?' tumayo sya sa swing saka lumapit saakin.

'H-Happy Birthday---' Hindi ko na natapos
ng niyakap nya ako ng mahigpit..

'Thanks...' bulong nya.

‘This is all I ask...’ Ani nya.

Nong humiwalay sya ng yakap saakin.

Tumabi ako sakanya mula sa pag kakaupo sa swing.

'I Missed you ...' Napaharap ako sakanya.

''Why don't you go to the Surprise Party that you prepared?'

Teka?

Paano nya nalaman???

Napangiti lang sya sakin.

'Busy kasi ako kanina...nga pala, nakalimutan ko yung Gift mo. gabi na kasi ng makauwi ako...' Ani ko saka yumuko.

'There is only one Gift that I want Eya, that is to be with you. even just tonight...'  Napa buntong hininga ako

'Pero, Luke...,' napayuko na lamang ako sinabi nya.

Lumapit sya sakin at nagulat ako sa ginawa nya...

Hinalikan nya ako sa noo tulad ng ginagawa nya sakin noong kami pa.

'Don't Forget How much i love you Shiella Mae Fuentes...' Napa tulala nalang ako ng mag lakad na sya palayo sakin.

Yung about sa sinabi nya sakun kanina...para bang nag papa hiwatig syang mag papaalam na  sya....

'You dont know how much I love you too Luke, ' bulong ko at this time pumatak yung ga munting luha sa mga mata ko ng mawala na sya sa paningin ko.

Nahihirapan na akong makita syang nahihirapan din.

Bakit kasi, satwing mag mamahal ako palagi nalang akong pinapahirapan ng tadhana.

Palagi nalang akong sinasaktan ni kupido... Naisip ko tuloy ayaw ata akong paligayahin ni God.

Ang sabi naman ni Mom sakin 'walang madali pag dating sa pag ibig. lahat nagkakaroon ng pag subok. susubukin ka kung gaano nga ba talaga ka tatag ang pagmamahal nyo sa isat-isa.

Kung papasok ka sa isang Relasyon.

Dapat handa kang masaktan. Handa mong gawin ang lahat..

Handang mag patawad at higit sa lahat.

Handa kang mag mahal ulit...

A/N....sorry sa na paka tagal na update... nag kasakit kase si author i hope You'll understand... Nga pala guys, May Book.2 pa ho, to! abangan nyo kung sino ang makakatuluyan ni Eya... ^_^ dont forget to comment and vote. salamat po.

ED1 Luke Bryan Valderama✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon