Chapter 2

25 2 0
                                    

~Yumuko ulit ako para matulog pero nawala na ung antok ko. kaya naman pumikit na lang ako. nag-iisip ng mga bagay bagay. bigla na nga lang lumabas ung mukha ni Nate sa isipan ko. bakit ba ang lakas ng epekto niya sakin? picture lang naman un ah.

naalala ko bigla na may binigay nga pala si Avie na picture ni Nate. inangat ko ng onti ung ulo ko para tignan kung nasaan ung dalawa. nung nakita kong magkakasama silang tatlo nila Regan, kinuha ko sa bulsa ko ung picture ni Nate.

nilagay ko ung sa table ko tapos yumuko ulit. di bale parang one on one kami nung picture. tinitigan ko siya ng mabuti. ang gwapo niya, makinis at may na smile.

namalayan ko na lang bigla na ang weirdo na pala ng pinag-iisip ko. bigla ko inalis ung picture at tinago ulit. never akong maiinlove sa kanya. NEVER. ewan ko ba kung bakit, hindi namas sa kinasusuklaman ko ung grupo nila, magaling naman sila. nakarinig na ko ng kanta nila at hindi nakapagtataka kung bakit baliw na baliw sila Avie at Reese. basta hindi ko maexplaib kung bakit ayaw ko. basta un na un.

sa sobrang dami ng iniisip ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako. nagising na lang ako nung may narinig akong kumakantang lalaki. nakakaantok ung boses pero ang galing grabe! ang lalim nung boses pero ang sweet at mafefeel mo ung emotions nung pagkanta niya. Nakakainlove!

pero teka, san galing ung kantang un?

inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Avie at Reese na nilalagay sa tenga ko ung earphones. nagulat ata sila kasi bigla akong nagising.

"AAAAYYYYY" dapat bigyan ng award tong dalawang to. speech choir nanaman eh.

"AVIE AGUINALDO, REESE MANELA, Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" nakakunot ung ulo ko. kunyare galit ako heheheh

"Pinaparinig namin sayo ung boses ni Nate" sabi ni Reese habang nakasmile ng wagas. sabi ko na nga ba may binabalak na masama to eh.

teka! si Nate ung kumakanta??? parang gusto ko tuloy mainlove! no no no no, control yourself Yanna!

"ang gwapo ng boses no? nakakainlove." sabi ni Avie habang ung kamay niya nasa puso niya then pasway sway pa from left to right. baliw ata to eh.

BOOOGSH

tama ka dyan, binatukan ko si Avie ahahaha. sumosobra na eh.

"Aray! deny ka pa. halatang halata naman." binatukan ko na nga nagagawa pang magsmile ng wagas. baliw talaga -_-

"gawa gawa" inirapan ko siya tapos nilayo ko ung tingin ko sa kanya.

"deny ka pa. feel na feel mo nga ung kanta" tinusok tusok niya ung tagiliran ko. medyo kabado ako kasi baka mahuli ako na tama nga ang hinala nila.

"hindi ah" kalmado kong pagkakasabi kasi baka pagnagdeny akong ng bonggang bongga, mahuli ako.

"nakita namin ung paa mo. tinatap mo sa sahig. sabay sa beat nung pagkanta ni Nate. ano deny ka pa?" pinanlakihan ako ng mata ni Reese.

NAKO PATAY NABUKING AKO. ANONG SASABIHIN KO?

"ano kasi.... nangati ung paa ko. hindi ko naman makamot kasi nakakahiya sa ibang classmates natin." very good Yanna! sana naman maniwala na sila.

"pero bakit pag-angat mo ng ulo mo, nakasmile ka tapos hinahanap mo kung saan galing ung tugtog?" naging seryoso na sila. para akong nasa Hot Seat.

"hinahanap ko ung tugtog. ang ganda kasi nung boses. pero hindi ako nakangiti. Never." sige lang Yanna deny pa.

"hindi daw -----" napatigil sa pakikipagdebate si Reese.

"SABI KO NA NGA BA NAGAGANDAHAN KA SA BOSES NIYA EH. nakakainlove diba?" sumigaw ng malakas si Reese. andun sila sa tabi ko ni Avie at nagtatatalon. para silang nanalo sa lotto. sinabi ko lang naman na maganda ung boses ---

A Fan's True StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon