Chapter 3

16 1 0
                                    

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa room kasi may klase na kami. Boring pa naman ung next class namin. ano kaya pwedeng gawin? napag-isipan kong magsound trip na lang. kinapa ko ung bulsa ko. hiniram ko na din ung phone ni Reese. sa phone niya, may nakahiwalay akong folder. ung mga kanta na gusto ko ang nakalagay dun. kasi naman kung hindi ka gagawa ng sarili mong folder, wala kang ibang maririnig kundi ang kanta ng Nero. adik talaga sila sa Nero. gwapong gwapo pa.

pagkakuha ko nung earphones ko, nakapa ko ung picture ni Nate. nilabas ko un at nilagay sa table ko. tinignan ko siya ng matagal. gwapo talaga siya. maganda pa ang build ng katawan. hindi siya puro muscles at hindi din mataba. kumbaga katamtaman lang. maaliwalas ung mukha niya. maganda ung mata, matangos ang ilong at kissable ung lips.

subukan ko kayang kilalanin ang Nero? baka sakaling mabago ang buhay ko at makarelate naman sa kanila Reese kahit minsan. kasi naman lagi na lang Nero ang pinag-uusapan nila. kapag ayun na ang pinag-uusapan nila, parang hindi na ako nag-eexist. madalas nga kasing wala Regan. siya na nga lang pwede kong makasama at makausap huhuh. nasanay na nga ako. normal na kasi siya sa pang-araw-araw kong buhay.

after ng klase namin, nag-ayos na kami ng gamit para umuwi. hindi samin sumama si Regan kasi may pupuntahan pa sila nung Lawrence, ung manliligaw niya.

malapit lang naman ung bahay namin sa school. nakatira kami sa iisang subdivision pero iba ibang street. sila lang ung classmate ko na taga dito kaya naman nakaclose ko agad sila.

sabay sabay kaming umuwi nila Reese at Avie. pagkauwi ko, gumawa akong assignments tapos nanood ng tv. pinapanood ko ung favorite kong kdrama na Marry Him If You Dare habang nakacharge ung phone ko. ang ganda kasi ng love story na ito, super. ang gwapo pa nung mga lalaki :')

hindi ko namalayan na gabi na pala. almost 10pm na. kaya umakyat na ako sa kwarto ko. ako na lang pala gising, tulog na ung mga tao. nakasanayan ko na din na bago matulog ay papakinggan ko ung songs sa phone ko.

pagkatapos magcharge ay sinaksak ko agad ung earphones sa phone ko. pumunta ako sa music at pinindot ko ung play all.

nung una ang weird kasi ang tagal magsimula. hindi naman matagal magsimula ang unang song ko ahh. wala naman akong dinagdag na bago.

nung nagstart na ung music, may nagddrums tapos sinundan ng nagigitara. hala ano to?! tinignan ko kung anong kanta to. ang guess what kung ano ang name ng kanta...

....Hear me baby by Nero....

THE EFF REESE! Ano ginawa mo sa phone ko. pano ba naman puro by Nero ung mga kanta sa phone ko. NERO NERO NERO NERO. wala akong ibang nakita kundi Nero.

andito na to eh, sayang naman kung idedelete ko. napag-isipan ko na din naman kanina na kilalanin sila. wala naman sigurong masama kung susubukan ko. wala naman sigurong mawawala. kaya naman, pinakinggan ko lahat ng kanta nila na pinasa ni Reese sakin.

infairness! ang galing ahh. may malumanay, meron namang parang rock at meron namang tama lang.

tama nga si Reese, may drummer, guitarist, bassist at lead singer. hindi naman all the time iisa lang ang kumakanta. may times na papalit palit ng kumakanta. pero iisa lang nakakuha ng atensyon ko. ung singer na may pinakamaraming part. ung lead singer, si Nate. di ko alam pero desidido na akong maging fan at kilalanin sila.

pagkatapos kong pakinggan lahat ng kanta, tinignan ko ung orasan. 12:30 NA?! pinaulit ulit ko pa kasi ung ibang kanta na catchy. hindi ako nakaramdam ng antok, naenjoy ko pa nga makinig sa mga kanta nila. tinanggal ko na ung earphones at matutulog na ko, mamaya niyan makatulog ako sa klase.

"kaya pala laging tulog ung dalawa. malamang kakapakinig sa Nero" nasabi ko na lang sa sarili ko habang tinatago ko ung earphones ko at nagset na ko ng alarm.

maya maya feel ko parang may nakalimutan ako. tinignan ko ung phone ko, wala naman akong reminders. wala din sa notifications. nakita ko ung nakapause na kanta. "By Your Side by Nate"

OO NGA PALA, NASAAN UNG PICTURE NI NATE???

hinalungkat ko ung labahan para hanapin ung palda ko. luckily, andun sa bulsa. buti na lang hindi siya nalukot at hindi pa nakakapaglaba si mama. kinuha ko agad ung picture. huminga na ko at tinitigan ko nanaman ung mukha niya. then nakatulog na ko.

nagising ako sa alarm ng phone ko. inaatok pa ako -_-". ung Nero kasi eh, hindi ako pinatulog. nakita ko nasa dibdib ko ung picture ni Nate. nakatulog ako habang tinitignan ung picture niya. pagpunta ko sa banyo, kinakanta ko ung By your side ni Nate.

cause you are the one,

i will never let you go oh.

i will always be by your side

by your side

always

"ano ba tong ginawa sakin ng Nero? bakit ganito ung effect? magiging katulad na ba ako nina Avie at Reese? no, never? bakit hindi na ako sigurado? dati naman sigurado ako. bakit may urge akong kilalanin sila? bakit andami kong tanong? anong oras na? malalate ka na. hindi ka pa naliligo."

nasabi ko na lang yan sa sarili ko at nagmadali nang maligo. sa buong oras ng aking pagligo, hindi ko maiwasang wag kantahin ung By your side. lagot paano na ko mamaya? kailangan kong pigilan ang sarili ko. "KUMALMA KA YANNA. KUMALMA KA! At dalian mong magbihis iniintay ka na nila Avie, Reese at Regan"

lumabas na ako ng kwarto at nag-almusal. mabilis lang naman ako kumain at umalis na ako ng bahay. naglakad lakad ako ng onti at nakita ko sila sa kanto.

"hi" sabi ko sa kanila.

".....i will always be by your side, by your side, always" kumakanta si Avie. medyo hindi ko narinig nung una kasi malayo pa siya pero nung lumapit na ako at narinig ung kinakanta niya. walang iba kundi By your side ni Nate. "control yourself Yanna, wag kang kakanta"

si Regan naman busy magtext. ano ba yan Regan, ikaw na nga lang kakampi ko ganyan ka pa.

"tara na." pag-aaya ni Reese. tinignan ko siya ng masama.

"ano nanaman?" napansin niya na ang creepy ng tingin ko.

"REESE MANELA, ANO UNG MGA NILAGAY MO SA PHONE KO?" nilakasan ko ung boses ko pero hindi ako nasigaw. tumawa lang siya nang malakas. hala baliw, tinatanong mo tinawanan ka lang.

"ano yun?" tinanong ni Regan si Avie. hindi naman sumagot si Avie.kasi tumatawa din siya.

"ahahahahaha ang galing nila no?" pinunasan ni Reese ung luha niya, napaiyak na kasi siya kakatawa.

"h-hindi ah. hindi ko nga pinakinggan." weh? ung totoo?

"ano ba yan. effort ko pang ipasa sayo. anong ginawa mo, dinelete mo?" nagsad face lang siya.

"hindi din. nakakatamad idelete kagabi, nakatulog ako kaagad."

"nakatulog agad? bakit ang laki ng eyebags mo?" nabuhayan siya ng loob. nagsmile siya bigla.

"nagising ako ng madaling araw tapos hindi na ako makatulog." seryoso kong sinabi.

"hindi makatulog kakaisip kay Nate" umepal na din si Avie.

"bakit ko naman iisipin un?"

"kasi lahat ng babaeng nakakita kay Nate or nalove at first sight katulad mo ay may 99 out 100 na hindi makatulog kakaisip sa kanya. tapos ung kanta niyang By your side, imposibleng hindi niya un kantahin kahit isang bese lang niya to napakinggan" todo explain tong si Avie. pero totoo ung sinabi niya na imposibleng hindi mo kantahin un. gustung gusto ko na kumanta!

"ako ung pang 1%. as if naman hindi ako nakatulog. ang himbing nga ng tulog ko kagabi" confident ang pagkakasabi ko.

"huh? gulo mo. sabi mo nagising ka ng madaling araw tapos hindi ka na makatulog tapos ngayon sinsabi mo na ang himbing ng tulog mo. ung totoo?" nakakunot lang ung noo niya.

"nevermind -_-" ang hirap makipagtalo sa dalawang to, lagi na lang akong pinagtutulungan. Regan help!

-------------

thanks for reading!

~ YeolsTruly ~

A Fan's True StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon