Chapter 4

16 2 0
                                    

GUSTONG GUSTO KO NA KUMANTA!!

paano ba naman kasi, si Avie 2hours niya nang kinakanta ung By your side. kating kati na ako kumanta.

pati din tong si Avie na LSS (Last Song Syndrome). buti na lang may pinapagawa ung teacher namin na activity kasi hindi niya maatenan ung klase namin ngayon, kaya naman may chance kaming mag-ingay ^O^

habang ginagawa ko ung activity, bigla na lang pumasok sa isip ko ung kanta ni Nate.

"hhhmmm hhmm hmm hmm" hinuhum ko ung kanta.

biglang napalingon sakin si Reese at Avie.

"SABI KO NA NGA BA PINAKINGGAN MO UNG MGA KANTA KAGABI" nakakagulat naman tong si Reese. sigawan ba naman ako sa tenga  ̄︿ ̄

"akala mo hindi ka namin mahuhuli" sumingit naman si Avie.

"sabi ko sayo catchy eh"

"sabi ko sayo gwapo sila eh"

"sinasabi ko na nga ba at may gusto ka na sa Nero" hala, sige nagsalit salitan sila sa pagsasalita. pwede bang maghanap ng kakampi? REGAN NASAAN KA SA PANAHONG KAILANGAN KITA

"anong pinagsasabi niyo?" sabi ni Regan na aking hero.

"kinakanta kasi ni Yanna ung kanta ni Nate" sabi ni Avie.

"grenade kasi ni Bruno Mars ung kinakanta niya." go Regan! ipagtanggol mo lang ako!

"namali lang kayo ng rinig. hindi By your side un. Grenade kasi un" nakisingit ako sa usapan nila para wala nang masabi si Avie.

"weh? hin -" napatigil sa pagsasalita si Reese parang may narealize siya

"pano mo nalaman ung By your side? hindi naman namin sinabi ung title ng kinakanta mo. sabi ko lang kanta ni Nate. aayyiiee amin na kasi. inlove ka na kay Nate" sabi ni Reese with her very confident smile kaya naman napa face palm na lang ako.

"ay nako gutom lang yan. tara maglunch na lang tayo."

kinuha na namin ung lunch boxes namin at pumunta sa canteen. si Regan naman humiwalay kasi may pupuntahan pa siya. sigurado kay Lawrence un. ok lang naman samin un. masaya nga kami para sa kanya kasi mukha namang mahal nila ang isa't isa

pagdating namin sa canteen, as usual madaming tao at super ingay. buti na lang ung favorite spot namin ay bandang gilid kaya less ung maririnig mong ingay.

nagstart na ako kumain pero si Reese at Avie may pinag-uusapan pa.

"... kasi si Chad at Calvin kaya un" may pinagtatalunan pa ata sila.

tinitignan ko lang sila. paano kung naging ganyan ako? ung tipong araw araw, pagkagising at pagtulog walang ibang inisip kundi Nero,ano kayang mangyayari sakin? nakakainggit kasi sila, lagi na lang sila nag-uusap. tutal wala naman akong kailangang imaintain na grades kaya siguro wala namang mawawala.

pero final na ba to? desidido na ba ako? eto na...

"Avie, Reese..." tinawag ko silang dalawa at napatingin sila sa akin

"Hm? bakit?" nakatingin lang sila sakin, nawiweirduhan ata.

"gusto kong..." inaabangan nila ung sasabihin ko.

"makilala ang Nero..." ayan na nasabi ko na at..

1..

2..

3..

"AAAAANNNNNOOOOOO????" sabay na sabay talaga sila. sa pagsigaw nila, natahimik ung buong canteen sabay ng pagligo ko ng kainin. pengeng sabon -_-

A Fan's True StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon