10: Meet the D.A.R.K. (1)

546 34 17
                                    

[Theo’s POV]

Oh! POV ko pa din pala ito.

Sa mga ngayon lang nakabasa, ako pala si Theodore. Theo in short.

Don’t ever call me, THEODORE.

Tss. Napaka haba and baduy. Hindi intimidating. (>__>)

By the way, nandito na kami sa bar.

Kami ng buong DARK.

DARK?? Ano kamo yan?

Pangalan ng grupo namen.

Bakit dark? Eh maiitim budhi namin e. di biro lang.

DARK kasi yan trip ni GD. Siyempre siya lider eh di sunod naman kami.

Ayos ba?

At 11pm ng gabi ngayon. Siguro naman bukas na ang bars diba??

Pumasok na kami sa bar kung saan palagi kaming tumatambay. Suki na kami dito e.

Pinili namin yung VIP room nila.

Yung dati pa ding tambayan.

“Yo! The usual pa din.” Utos ko dun sa waiter nung bar.

Tumango naman siya at umalis na.

“Haha. Ang saya naman. Ang tagal ko nang hindi nagbabar.” Sabi naman ni Marvin.

“Sus. Kung alam ko lang e gabi gabi ka dito.” Pang aasar naman ni Chris.

“Sus! Parehas kayo kamo nandito palagi ni Marvin.” Sambit naman ni Jo.

“Ah. Paano niyo alam?” Nagtatakang sagot naman ni Chris.

Nagtawanan naman kami.

Mga lokong to.

“Nagpaparty kayo hindi niyo kami sinasama.” Sabi ko habang inuumpisahan ko ng uminom.

“Eh kasi naman lagi kayong wala ni boss.” Sabi naman ni Jo sabay turo kay GD na ngayon ay nakaupo na parang hari sa paborito niyang pwesto. Si GD talaga.

Nilapitan ko siya at inabot sa kanya ang isang basong alak na sinerve nung waiter kanina.

Tiningnan niya ako at as usual wala na namang ekspresyon sa mukha niya. Kinuha naman din niya yung alak at nilagok yun. Hayup! Parang tubig lang talaga to sa kanya. Walangya.

Natawa ako ng konti at tiningnan niya ako.

“Bakit?” tanong niya.

“Wala. Problema mo?” tanong ko.

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon