11: Am I in love?

518 32 12
                                    

[Alexandria’s POV]

Nandito na kami ni Melissa sa may canteen.

Siguro kung nakakamatay ang tingin kanina pa ko patay.

“Anong problema nila, Allie?” tanong sa’kin ni Melissa.

“Wag mo na lang pansinin Mills.” Sabi ko at ng matapos na ako kumain tumayo na ako at aalis na sana ng may humarang na naman sa’kin.

Naramdaman ko na lang na may malamig na likidong dumampi sa mukha ko.

Tinapunan niya na pala ako ng juice na naman. Bwiset! Pwede bang tubig naman. Ang lagkit ng juice eh?? Badtrip!

Tumingin ako sa kanya ng masama.

“Problema mo?” tanong ko. This time bwisit na bwisit na ako.

“YOU are my problem.” Sabi niya.

“Oh. So? Sumasakit na ba ulo mo?” sabi ko.

“WHAT??? So lumalaban ka na pala? Ayos ah.”

“Sino ka ba?” naiiritang tanong ko.

“Im your worst nightmare. You’re just a nerd. Baduy! Wag na wag mong lalapitan ang GD ko.” Pagkasabi niya nun at tinapunan ko naman siya ng juice. Bwisit eh.

“GD mo?? LAMUNIN MO!!!”

And with that, narinig kong nag cucurse pa siya habang papalayo ako.

“Allie! Tara magpalit muna tayo ng damit mo.” Sabi ni Melissa.

Tumango naman ako at pumunta kami ng CR.

Nakapagpalit na ako ng civilian uniform.

Pwede naman mag civilian basta may ID ka.

Kaya ayun muna ang damit ko.

Ah! Anyway, tapos na ang exams namin for this day kaya heto nagiikot kami sa school yun lang kahit saan kami pumunta may mga nakakairitang malalanding laging naghahanap ng away. Bakit ba ako nilalapitan ng AWAY?? Hindi ko naman siya hinahanap. Badtrip!

Simula talaga ng makilala ko yang GD na yan eh minalas na ko.

Ano bang problema niya sa’kin???

May ginawa ba akong mali sa kanya??

Hays.

Iniwan ko muna si Melissa at pumunta ako ng library.

Siyempre hindi lang pagbabasa ang pinunta ko dito.

Tumingin ako sa paligid.

Umakyat na din ako sa may Shakespeare corner.

Kaso hindi ko siya Makita.

Mukhang wala siya ngayon dito.

Sayang naman. (-___-“)

Kung nandito lang siya siguro mawawala lahat ng badtrip ko.

Hayssss~

Umupo na lang ako dun sa lugar kung saan ko unang nakita si Theo.

Ahahaha! Fineel feel ko pa eh, waaaahh!

THEO!!! Huhuhuhu! Help me? Hahahaha

“pst.”

Lumingon ako at nakita ko sa harap ko ang nakangiting mukha ni Theo.

(O/////O)

Masyadong malapit yung mukha niya sa mukha ko. Kaya medyo napaatras ako.

“Oh bakit, alex?” tanong niya.

Yung mukha niya na napaka inosente? Uwaaaaa!!

Grabe ang gwapo niya. (>/////<)

*poke*

*poke*

Tumingin ako at nakita kong tinutusok ni theo ang pisngi ko gamit yung ballpen niya.

“B-Bakit?” nagtatakang tanong ko.

Tumigil naman siya sa pagtusok ng pisngi ko.

“Ang cute mo kasi e. bakit kaya?” seryosong sambit niya.

Naramdaman ko namang namumula ang mukha ko.

Nagiinit ang pakiramdam ko.

Waaaahh! Bakit ganyan ka theo! (>////<)

“E-Ehh?? Ako? Cute?? Hindi nuh.” Sabi ko sabay hawak sa pisngi ko.

Ngumiti naman siya at tumabi sa tabi ko.

“Bakit ka pala nandito?” tanong ko.

“Nagbabasa. Ikaw?”

“Ganun din. Palagi ka ba.. nandito?” tanong ko.

Nagbabaka sakali na baka nandito siya araw araw. Para araw araw nandito din ako. Wahahahahaha! (^__^)

“Hmm..” nagisip siya bago sumagot at tiningnan ako.. “Bakit? Pupuntahan mob a ako dito araw araw?” sabi niya with matching nakaka lokong ngiti.

Yung ngiting nakaka laglag panga. Hahahahaha!

Naramdaman ko namang unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

At pinipilit ko namang umatras kaso mga libro na nasa likod ko.

Wahhhhh! Wala na akong tatakbuhan! (>____<)

Pero ok din yun para naman magka moment ako kay theo. Wahahaha! Ang bad mo alex. (>___>)

Napapikit ako at di nagtagal naramdaman ko namang tumawa siya ng mahina.

Tiningnan ko siya at nahiya ako sa sarili ko.

Tinatawanan niya ko. (>3 >)

Napa pout ako dahil dun.

Kasi ba naman, tawanan pa ko ng crush ko. Kahiya kaya yun.

“You really are something.” Sabi niya habang hawak ang ulo ko.

“Nandito ako palagi pag lunch time. And.. this is my secret getaway. Atin atin lang to ha?” nag wink siya sakin sabay nag shush motion.

Waaaaahh! Biglang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis.

Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.

Am I really in love with him?? (O___O)

----------------------------------------------

A/N:

so what do you think guys? is alex in love? hahaha anong tingin niyo kay theo??? waaaaahh! (>___<) thank you sa mga nagread, hahaha thank u sa support!!! XDD

LOVE Y'all!

<3<3

-madness-

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon