[6] Tan Siu International Academy

298K 9.3K 472
                                    

Tinitingnan ko ang tuhod kong tinapalan ko ng sandamakmak na band-aid habang naglalakad papasok ng school. Malapit na ako sa kanto na lilikuan ko sana pero natigilan ako ng bahagya nang makita ko ang lalaking nakasandal sa may pader habang nakapamulsa. Nang makita niya ako ay tumingin siya sa relo niya at saka umayos ng tayo.

Humigpit ang hawak ko sa aking bagpack at iniwasan ang tingin niya. Bumwelo pa ako bago ko binilisan ang paglalakad pero di pa man ako nakakalayo ay nahablot na niya ang braso ko. Hindi ko siya nilingon.

"So wala ka pa rin palang balak lumipat ng school?" tanong niya.

Tiningnan ko siya at bumaba ang tingin niya sa tuhod ko. Hinila ko ang braso ko palayo sa kanya at yumuko upang taasan ang medyas ko at takpan ang tuhod ko.

"I said I don't want to see you ever again," saad niya.

"So anong ginagawa mo rito?" pabalang na tanong ko.

"Go transfer in a different school. I'd pay for your tuition kung wala kang pera panlipat ng school."

Inis akong tumingin sa kanya. "Ganyan ka talaga kadesperadong huwag na 'kong makita?" Hindi siya umimik at sa halip ay umiwas lang siya ng tingin. "Hindi ako lilipat. Kung bwisit na bwisit kang nakikita ako, mas lalo pa kong magpapakita sa'yo para mabwisit ka," saad ko at saka sinimulang lagpasan siya.

"Fine. I warned you, Summer."

Saglit akong natigilan nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Nang lingunin ko siya ay nakatalikod na siya sa akin at naglalakad palayo. Napabuntong hininga na lang ako. We could have been friends if only he knows how to listen.

Pagdating ko sa school, nakakapagtaka dahil wala pang nambu-bully sa akin. Naiilang akong tumingin sa mga tao at hindi na nila ako tinitingnan at may kanya-kanya na ulit silang pinagkakaabalahan. Nakakapagtaka. Hindi kaya kahapon lang nila ako napagtripan?

Sa paglalakad ko ay nagulat ako nang bigla na lang may bumagsak sa harapan ko mula sa itaas. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na nanggaling sa itaas.

"Nagulat ba kita? Pasensya na ha?" saad niya at saka tumawa.

Siya 'yung lalaki kahapon.

"Alam mo, ang taray mo eh 'no," saad niya. Hindi ako sumagot, sa halip, tinitigan ko ang kanyang mukha. Doon ko lang napansin na may sugat siya sa labi na wala naman kahapon.

"Napano 'yang mukha mo?" tanong ko.

"Ah eto? Wala 'to. He-he. Binigyan kasi kita ng immunity kaya sinuntok niya 'ko," sagot niya sabay kamot sa ulo.

Napakunot ang noo ko. "Sinong niya?" tanong ko. Hindi siya sumagot at nagulat na lang ako nang bigla niya akong akbayan at isinabay sa paglakad niya.

"Namamaga 'yung pisngi mo. Nakakainis, ang cute-cute mo pa naman."

Haharap sana ako sa kanya dahil sa sinabi niya pero nagulat ako nang bigla na lang niyang idinikit ang labi niya sa pisngi ko. Natigilan ako at saglit na natulala dahil sa ginawa niya. Pagkatapos noon ay tumakbo siya palayo sa akin.

"Hindi ka naman sadista 'di ba?" tanong niya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko magawang mag-react sa ginawa niya. Why are these people keep on stealing a kiss from me?! Una ang gangster na 'yun, at ngayon naman ay ang lalaking ito who came out of nowhere! Ugh! Inirapan ko na lang siya at naglakad papunta sa classroom.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon