[27] First Times

276K 10.1K 5.3K
                                    

Nagising ako mula sa mahimbing na pagtulog nang maramdaman na tila may nakatingin at nanunuod sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at kaagad na sumalubong sa akin ang nakaupong gangster sa tabi ko habang naka-cross-arms.

“Pinapanuod mo ba akong matulog? I thought it’s rude to watch someone sleep?” Inis na tanong ko bago muling ipinikit ang mga mata ko.

Nagulat na lang ako nang sipain niya bigla ang paa ko para gisingin ulit ako. Galit kong iminulat muli ang mga mata ko at inis siyang tiningnan. Nakita kong nakanguso siya habang masamang nakatingin sa akin.

“Ano bang problema mo? Kita mong natutulog eh.” Reklamo ko.

Gamit ang nguso niya ay tumuro siya papunta sa may gilid. Sinundan ko naman ng tingin kung saan nakaturo ang nguso niya at agad akong napabalikwas sa kama nang makita ang mga nakanganga habang dilat na dilat ang mga mata na sina Mama, Papa at Sam.

“L-Let me explain first.” Natatarantang saad ko at saka agad na itinulak si Jack paalis ng kama dahilan para mahulog siya sa sahig.

“What the fu—”

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at awkward na tumingin kina Mama. “He-he!” Pilit na tawa ko.

Bakas pa rin sa mukha nila ang gulat na ekspresyon. Nanatiling silang nakanganga habang palipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Jack Frost.

“Summer.” Tila galit na tawag sa akin ni Papa.

“P-Po!” Natatakot na sagot ko.

“Saan galing ang dugo d’yan sa kama mo?” Tanong niya habang dilat na dilat pa rin ang mga mata.

Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa kama at hindi ako makapaniwalang napanganga nang makita ang mantsa ng dugo sa bed sheet ko. Mabilis kong hinigaan ang mantsa upang takpan.

“M-Mali ang iniisip niyo.” Tanggi ko. Halos mabali na ang leeg ko sa kaka-iling sa kanila. “H-Hayaan niyo kong magpaliwanag.” Saad ko.

Sabay-sabay nilang inilipat ang tingin sa gangster na nasa gilid ko nang tumayo ito.

“Sige, paano mo ipapaliwanag kung bakit nandito ang kaibigan mong iyan at magkatabi kayong dalawa na nadatnan namin sa kama at kung bakit may dugo dyan sa kama mo?”

Mangiyak-ngiyak kong nilingon si Jack dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nangyare. Kagat labi ko siyang pinandilatan para iparating sa kanya na sinisisi ko siya kung bakit nagkaproblema ako ngayon.

Muli kong ibinalik ang tingin kina Mama at Papa at saka napayuko. “Ma, Pa, hindi ko po alam kung paano ipapaliwanag ang lahat pero maniwala po kayo sa akin, mali ang iniisip niyo. Wala pong nangyar—”

“We slept together. That’s all.” Putol ni Jack sa sasabihin ko.

Sabay-sabay kaming apat na napatingin sa kanya.

“Jack!” Pabulong na sigaw ko para sitahin siya.

Bumuntong hininga si Papa at seryosong tumingin sa kanya. “Alam mo, hijo, sa panahon ngayon, kapag ang babae at ang lalaki ay natulog sa iisang kama buong gabi na silang dalawa lang, hindi malabong walang mangyar—”

“If what you concern is Summer’s purity, I assure you that I didn’t do that.” Putol niya sa sasabihin ni Papa.

You rude, jerk! How dare he cut my father from talking!

Pilit namang umubo si Mama kaya nalipat ang tingin namin sa kanya.

“Sige, sabihin na nating wala nga. Pero hindi naman kami makakapayag na palagpasin na lang ang pangyayareng ito. Natulog pa rin kayo na magkatabi.” Saad ni Mama.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon