Chapter 10

18 0 0
                                    

“Alex!”sigaw ni ate monic pagkababa ko ng sasakyan. Actually, first time naming mag meet ngayon.Nagkakilala lang kami sa text

“Hi ate”bati ko habang papalapit sakanya

“May kasama ka pala, Hi po”bati niya kay kuya Albert

“Hello hija!Hinatid ko lang si Alex dito.Osige mauna na ako ha?Alex mag iingat ka.Lagot ako sa mga magulang mo kung may nangyari sayo okay?Bye”sabi ni kuya albert at sumakay na sa sasakyan.

“Wait,kain muna tayo.Mamaya nalang tayo pupunta kila Paul”aya saakin ni ate monic

“Sige po ate.Hindi kaya sila busy ngayon?”tanong ko sakanya

“Hindi yan.Siguro naman di nila dadalhin yung trabaho nila dito diba?They’re here to have some Fun and away from problems.Tara na”pumasok na kami sa bahay nila.

Hindi gaano kalaki ‘tong bahay nila pero sapat na sakanilang magpapamilya.Nahihiya nga akong mag stay dito pero no choice naman ako kasi hindi ako papayagang mag stay nila mommy sa hotel mag isa.

Binati ko yung mga magulang at mga kapatid ni ate monic.Mababait naman silang lahat dito kaya medyo naalis yung pagkahiya ko sakanila.

Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa bahay nila Paul.Seriously kinakabahan talaga ako kahit na hindi ito ang first time naming magkita.Bahala nalang basta Makita ko lang sila okay na

Kumatok na si ate Monic sa bahay nila Paul.Habang tumatagal lalong bumibilis yung tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

Si tita Lane yung mommy nila Paul ang nagbukas ng pinto.

“Hello tita”sabi ni ate monic

“Hi Hija.Pasok kayo”sabi niya

Eto yung gustong gusto ko sa pamilya nila Paul mababait silang lahat.Kahit na ang nanay at tatay niya friendly lahat sa fans.They know how to entertain fans

“Pwede po bang maistorbo sina Paul at Drake?May fan po kasi siya na pumunta dito para Makita sila.Siguro po kilala niyo pa siya?Nakwento niya po kasing nakapasok sila nun sa backstage last week sa Mall Show nila Drake”paliwanag ni ate Monic

“Ah siguro nga.Pasensya na ha?”sabi ni tita na nakatingin saakin. “Sa dami kasi ng nakikilala namin araw araw di ko na masyadong matandaan eh.Pero it’s good to know na nakasama ka na namin and pumunta ka pa dito.Thank you :)) Ano nga palang pangalan mo hija?”

“Alex po tita.Okay lang po yun I understand”sabi ko

“Saglit lang ha?Tatawagin ko lang sila Paul”paalam ni tita at umakyat na sa second floor ng bahay nila.

“Ang bait talaga ni tita Lane no?”sabi ni ate Monic saakin

“Oo nga po eh.Di kagaya ng iba na i-snob-in lang yung mga fans”sagot ko

Bumukas yung isang pinto at lumabas dun sina Paul at Drake

Sh*t ang HOT HOT ni Paul.Nakasando at shorts lang siya! ^--^ Nakangiti siya habang pababa pero si Drake parang batang naistorbo sa paglalaro.

“Hi”bati niya saamin

“Hello Paul”sabi ni ate Monic.Hindi naman ako maka imik kasi nahuhumaling pa rin talaga ako sa kagwapuhan ni Paul

“Alex!Ikaw si Alex diba?Taga dito ka?”biglang tanong ni Drake

“No.Hindi siya taga dito pero pumunta siya para Makita kayo”si ate Monic na ang sumagot since alam niya sigurong nahihiya ako.

“Ganun ba?Thank you :))”sabi ni Paul

“Drake,Paul pumunta muna kayo dun sa garden para makapag usap kayo”singit ni Tito Mond yung daddy nila

Live.Laugh.Love.DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon